Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Oseas 9:1-17

9  “Huwag kang magsaya, O Israel.+ Huwag kang magalak na gaya ng mga bayan.+ Sapagkat sa pamamagitan ng pakikiapid ay umalis ka sa piling ng iyong Diyos.+ Inibig mo ang mga kaloob na upa sa lahat ng mga giikan ng butil.+  Ang giikan at ang pisaan ng ubas ay hindi nagpapakain sa kanila,+ at ang matamis na alak man ay hindi nakasisiya sa kaniya.+  Hindi sila mananatili sa pagtahan sa lupain ni Jehova,+ at ang Efraim ay babalik sa Ehipto,+ at sa Asirya ay kakain sila ng bagay na marumi.+  Hindi na nila ipagbubuhos ng alak si Jehova.+ At ang kanilang mga hain ay hindi magiging kasiya-siya sa kaniya;+ ang mga iyon ay gaya ng tinapay sa mga panahon ng pagdadalamhati+ sa kanila; ang lahat ng kakain nito ay magpaparungis ng kanilang sarili. Sapagkat ang kanilang tinapay ay para sa kanilang sariling kaluluwa; hindi iyon papasok sa bahay ni Jehova.+  Ano ang gagawin ninyo sa araw ng kapisanan at sa araw ng kapistahan ni Jehova?+  Sapagkat, narito! yayaon sila dahil sa pananamsam.+ Titipunin sila ng Ehipto;+ ang Memfis+ naman ang maglilibing sa kanila. Kung tungkol sa kanilang mga kanais-nais na bagay na pilak, aariin ng mga kulitis ang mga iyon;+ ang matitinik na palumpong ay mapapasakanilang mga tolda.+  “Ang mga araw ng pagtutuon ng pansin ay darating;+ ang mga araw ng kaukulang bayad ay darating.+ Malalaman ito niyaong mga nagmula sa Israel.+ Ang propeta ay magiging mangmang,+ ang lalaking may kinasihang kapahayagan ay mababaliw dahil sa dami ng iyong kamalian,+ at maging ang matinding poot ay laganap.”  Ang bantay+ ng Efraim ay kasama noon ng aking Diyos.+ Kung tungkol sa propeta,+ may bitag ng isang manghuhuli ng ibon sa lahat ng kaniyang daan;+ may matinding poot sa bahay ng kaniyang Diyos.  Nagpakalulong sila sa panggigiba,+ gaya noong mga araw ng Gibeah.+ Aalalahanin niya ang kanilang kamalian;+ pagtutuunan niya ng pansin ang kanilang mga kasalanan. 10  “Nasumpungan ko ang Israel na gaya ng mga ubas sa ilang.+ Nakita ko ang inyong mga ninuno na gaya ng unang igos sa puno ng igos sa pasimula nito.+ Sila ay pumaroon kay Baal ng Peor,+ at inialay nila ang kanilang sarili sa kahiya-hiyang bagay,+ at sila ay naging kasuklam-suklam na gaya ng bagay na kanilang iniibig.+ 11  Kung tungkol sa Efraim, ang kanilang kaluwalhatian ay lumilipad na parang isang lumilipad na nilalang,+ anupat walang panganganak, at walang tiyan na nagdadalang-tao at walang paglilihi.+ 12  Sapagkat palakihin man nila ang kanilang mga anak, uulilahin ko rin sila sa mga anak anupat mawawalan ng tao;+ sapagkat—sa aba rin nila kapag tinalikuran ko sila!+ 13  Ang Efraim, na nakita kong gaya ng Tiro na nakatanim sa isang pastulan,+ maging ang Efraim ay nakatalagang maglabas ng kaniyang mga anak sa isang pumapatay.”+ 14  Ibigay mo sa kanila, O Jehova, kung ano ang dapat mong ibigay.+ Bigyan mo sila ng bahay-bata na nalalaglagan+ at mga susong nangunguluntoy. 15  “Ang lahat ng kanilang kasamaan ay nasa Gilgal,+ sapagkat doon ako napilitang mapoot sa kanila.+ Dahil sa kaimbihan ng kanilang mga pakikitungo ay palalayasin ko sila mula sa aking sariling bahay.+ Hindi ko na sila iibigin.+ Ang lahat ng kanilang mga prinsipe ay gumagawi nang may pagkasutil.+ 16  Ang Efraim ay ibabagsak.+ Ang kanila mismong ugat ay matutuyo.+ Wala silang bungang iluluwal.+ Gayundin, sakaling manganak sila, papatayin ko nga ang mga kanais-nais na bagay ng kanilang tiyan.”+ 17  Itatakwil sila ng aking Diyos,+ sapagkat hindi sila nakinig sa kaniya,+ at sila ay magiging mga takas sa gitna ng mga bansa.+

Talababa