Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Oseas 5:1-15

5  “Dinggin ninyo ito, O mga saserdote,+ at magbigay-pansin kayo, O sambahayan ng Israel, at makinig kayo, O sambahayan ng hari,+ sapagkat ang kahatulan ay may kinalaman sa inyo; sa dahilang naging bitag+ kayo para sa Mizpa at gaya ng lambat na nakaladlad sa ibabaw ng Tabor.+  At sa gawaing pagpatay ay nagpakalulong yaong mga humihiwalay,+ at ako ay naging isang payo sa kanilang lahat.+  Nakikilala ko mismo ang Efraim,+ at ang Israel ay hindi nakubli mula sa akin.+ Sapagkat ngayon, O Efraim, ay itinuturing mong gaya ng mga patutot ang mga babae;+ ang Israel ay nagpakarungis.+  Hindi ipinahihintulot ng kanilang mga pakikitungo ang panunumbalik sa kanilang Diyos,+ sapagkat may espiritu ng pakikiapid+ sa gitna nila; at si Jehova mismo ay hindi nila kinikilala.+  At ang pagmamapuri ng Israel ay nagpatotoo laban sa kaniyang mukha;+ at ang Israel at Efraim ay natitisod sa kanilang kamalian.+ Ang Juda ay natisod ding kasama nila.+  Yumaon silang kasama ang kanilang kawan at kasama ang kanilang bakahan at hinanap si Jehova, ngunit hindi nila siya masumpungan.+ Lumayo siya sa kanila.  Si Jehova mismo ay pinakitunguhan nila nang may kataksilan,+ sapagkat kakaibang mga anak ang naging anak nila.+ Ngayon ay lalamunin sila ng isang buwan kasama ng kanilang mga takdang bahagi.+  “Hipan ninyo ang tambuli+ sa Gibeah,+ ang trumpeta sa Rama! Sumigaw kayo ng hiyaw ng digmaan sa Bet-aven+—kasunod mo, O Benjamin!+  O Efraim, ikaw ay magiging isang bagay lamang na panggigilalasan sa araw ng pagsaway.+ Sa gitna ng mga tribo ng Israel ay naghayag ako ng mga salitang mapagkakatiwalaan.+ 10  Ang mga prinsipe ng Juda ay naging gaya niyaong mga nag-uurong ng hangganan.+ Sa kanila ay ibubuhos kong parang tubig ang aking poot. 11  Ang Efraim ay sinisiil, niyuyurakan sa katarungan,+ sapagkat ipinasiya niya sa kaniyang sarili na lumakad na kasunod ng kaniyang kalaban.+ 12  At ako ay naging gaya ng tangà+ sa Efraim at gaya ng kabulukan sa sambahayan ni Juda. 13  “At nakita ng Efraim ang kaniyang sakit, at ng Juda ang kaniyang sugat.+ At ang Efraim ay pumaroon sa Asirya+ at nagsugo sa isang dakilang hari.+ Ngunit ang isang iyon ay hindi nakapagbigay sa inyo ng kagalingan,+ at hindi niya maalis sa inyo ang isang sugat sa pamamagitan ng anumang pampagaling.+ 14  Sapagkat ako ay magiging gaya ng batang leon sa Efraim+ at gaya ng may-kilíng na batang leon sa sambahayan ni Juda. Ako, ako mismo ay manluluray at ako ay yayaon at tatangay, at walang magiging tagapagligtas.+ 15  Yayaon ako, babalik ako sa aking dako hanggang sa taglayin nila ang kanilang pagkakasala;+ at tiyak na hahanapin nila ang aking mukha.+ Kapag sila ay nasa kagipitan,+ hahanapin nila ako.”+

Talababa