Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Oseas 3:1-5

3  At sinabi ni Jehova sa akin: “Yumaon ka nang minsan pa, umibig ka sa isang babae na iniibig ng isang kasamahan+ at nangangalunya, gaya ng pag-ibig ni Jehova sa mga anak ni Israel+ habang sila ay bumabaling sa ibang mga diyos+ at maibigin sa mga kakaning pasas.”+  At binili ko siya sa ganang akin sa halagang labinlimang pirasong pilak+ at isang takal na homer ng sebada at kalahating homer ng sebada.  Pagkatapos ay sinabi ko sa kaniya: “Sa loob ng maraming araw ay tatahan ka bilang akin.+ Huwag kang makikiapid,+ at huwag kang magiging sa ibang lalaki;+ at magiging gayundin ako sa iyo.”  Sapagkat sa loob ng maraming araw ang mga anak ni Israel ay tatahang walang hari+ at walang prinsipe at walang hain+ at walang haligi at walang epod+ at terapim.+  Pagkatapos ay babalik ang mga anak ni Israel at hahanapin si Jehova na kanilang Diyos,+ at si David na kanilang hari;+ at nanginginig silang paroroon kay Jehova+ at sa kaniyang kabutihan sa huling bahagi ng mga araw.+

Talababa