Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Oseas 2:1-23

2  “Sabihin ninyo sa inyong mga kapatid na lalaki, ‘Bayan ko!’+ at sa inyong mga kapatid na babae, ‘O babaing pinagpakitaan ng awa!’+  Magharap kayo ng usapin sa batas laban sa inyong ina;+ magharap kayo ng usapin sa batas, sapagkat siya ay hindi ko asawa+ at ako ay hindi niya asawa.+ At dapat niyang alisin ang kaniyang pakikiapid mula sa harap niya at ang kaniyang mga pangangalunya mula sa pagitan ng kaniyang mga suso,+  upang hindi ko siya hubaran+ at ilagay ko nga siyang gaya noong araw ng kaniyang kapanganakan,+ at gawin ko nga siyang tulad ng ilang+ at ilagay ko siyang tulad ng lupaing walang tubig+ at patayin ko siya sa uhaw.+  At ang kaniyang mga anak ay hindi ko pagpapakitaan ng awa,+ sapagkat sila ay mga anak sa pakikiapid.+  Sapagkat ang kanilang ina ay nakiapid.+ Siya na nagdalang-tao sa kanila ay gumawi nang kahiya-hiya,+ sapagkat sinabi niya, ‘Nais kong sumunod sa mga maalab na umiibig sa akin,+ sa mga nagbibigay ng aking tinapay at ng aking tubig, ng aking lana at ng aking lino, ng aking langis at ng aking inumin.’+  “Kaya narito, babakuran ko ng mga tinik ang iyong daan; at magbubunton ako ng batong pader laban sa kaniya,+ anupat ang kaniyang sariling mga lansangan ay hindi niya masusumpungan.+  At hahabulin nga niya ang kaniyang mga maalab na mangingibig, ngunit hindi niya sila aabutan;+ at tiyak na hahanapin niya sila, ngunit hindi niya sila masusumpungan. At sasabihin niya, ‘Nais kong yumaon at bumalik sa aking asawa,+ ang una,+ sapagkat mas mabuti pa ang kalagayan ko nang panahong iyon kaysa sa ngayon.’+  Ngunit hindi niya kinilala+ na ako ang nagbigay sa kaniya ng butil+ at ng matamis na alak at ng langis, at na pinarami ko ang pilak para sa kaniya, at ang ginto, na ginamit nila para kay Baal.+  “ ‘Kaya babaling ako at kukunin ko nga ang aking butil sa panahon nito at ang aking matamis na alak sa kapanahunan nito,+ at aagawin ko ang aking lana at ang aking lino na pantakip sa kaniyang kahubaran.+ 10  At ngayon ay ilalantad ko ang kaniyang mga pribadong bahagi sa paningin ng kaniyang mga maalab na mangingibig,+ at walang lalaking aagaw sa kaniya mula sa aking kamay.+ 11  At tiyak na paglalahuin ko ang lahat ng kaniyang pagbubunyi,+ ang kaniyang kapistahan,+ ang kaniyang bagong buwan+ at ang kaniyang sabbath at ang lahat ng kaniyang kapanahunan ng pista. 12  At ititiwangwang ko ang kaniyang punong ubas+ at ang kaniyang puno ng igos,+ na tungkol doon ay sinabi niya: “Ang mga iyon ay kaloob sa akin, na ibinigay sa akin ng aking mga maalab na mangingibig”; at ang mga iyon ay gagawin kong kagubatan,+ at tiyak na lalamunin ang mga iyon ng mabangis na hayop sa parang. 13  At hihingi ako ng pagsusulit+ laban sa kaniya dahil sa mga araw ng mga imahen ni Baal+ na lagi niyang iginagawa ng haing usok,+ noong lagi niyang iginagayak sa kaniyang sarili ang kaniyang singsing at ang kaniyang palamuti+ at lagi niyang sinusundan ang kaniyang mga maalab na mangingibig,+ at ako ang nilimot niya,’+ ang sabi ni Jehova. 14  “ ‘Kaya narito, pananaigan ko siya, at papaparoonin ko siya sa ilang,+ at magsasalita ako sa kaniyang puso.+ 15  At ibibigay ko sa kaniya ang kaniyang mga ubasan mula sa panahong iyon,+ at ang mababang kapatagan ng Acor+ bilang pasukan tungo sa pag-asa; at tiyak na sasagot siya roon gaya noong mga araw ng kaniyang kabataan+ at gaya noong araw ng kaniyang pag-ahon mula sa lupain ng Ehipto.+ 16  At mangyayari sa araw na iyon,’ ang sabi ni Jehova, ‘na ako ay tatawagin mong Aking asawa, at hindi mo na ako tatawaging Aking may-ari.’+ 17  “ ‘At aalisin ko ang mga pangalan ng mga imahen ni Baal mula sa kaniyang bibig,+ at hindi na sila aalalahanin pa ayon sa kanilang pangalan.+ 18  At para sa kanila ay makikipagtipan ako sa araw na iyon may kaugnayan sa mabangis na hayop sa parang+ at sa lumilipad na nilalang sa langit at sa gumagapang na bagay sa lupa,+ at ang busog at ang tabak at digmaan ay papawiin ko mula sa lupain, at pahihigain ko sila nang tiwasay.+ 19  At ipakikipagtipan kita sa akin hanggang sa panahong walang takda,+ at ipakikipagtipan kita sa akin sa katuwiran at sa katarungan at sa maibiging-kabaitan at sa kaawaan.+ 20  At ipakikipagtipan kita sa akin sa katapatan; at tiyak na makikilala mo si Jehova.’+ 21  “ ‘At mangyayari nga na sa araw na iyon ay sasagot ako,’ ang sabi ni Jehova, ‘sasagutin ko ang mga langit, at sasagutin naman nila ang lupa;+ 22  at sasagutin naman ng lupa ang butil+ at ang matamis na alak at ang langis; at sasagutin naman nila ang Jezreel [‘ang Diyos ay maghahasik ng binhi’].+ 23  At tiyak na ihahasik ko siya sa lupa na gaya ng binhi para sa akin,+ at ako ay magpapakita ng awa sa kaniya na hindi pinagpakitaan ng awa,+ at sasabihin ko sa kanila na hindi ko bayan: “Kayo ang aking bayan”;+ at sasabihin naman nila: “Ikaw ang aking Diyos.” ’ ”+

Talababa