Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Oseas 12:1-14

12  “Ang Efraim ay kumakain ng hangin+ at humahabol sa hanging silangan sa buong araw.+ Pagsisinungaling at pananamsam ang pinararami niya.+ At nakikipagtipan sila sa Asirya,+ at ang Ehipto ay dinadalhan ng langis.  “At si Jehova ay may usapin sa batas laban sa Juda,+ upang humingi ng pagsusulit laban sa Jacob ayon sa kaniyang mga lakad;+ ayon sa kaniyang mga pakikitungo ay gagantihan niya siya.+  Habang nasa tiyan ay sinunggaban niya sa sakong ang kaniyang kapatid,+ at sa pamamagitan ng kaniyang dinamikong lakas ay nakipagpunyagi siya sa Diyos.+  At patuloy siyang nakipagpunyagi sa isang anghel at nang maglaon ay nanaig.+ Tumangis siya, upang makapamanhik siya para sa kaniyang sarili.”+ Sa Bethel ay Kaniyang nasumpungan siya,+ at doon ay pinasimulan Niyang makipag-usap sa atin.+  At Jehova na Diyos ng mga hukbo,+ Jehova ang kaniyang pinakaalaala.+  “At may kinalaman sa iyo, sa iyong Diyos ay dapat kang manumbalik,+ na nag-iingat ng maibiging-kabaitan+ at katarungan;+ at umasa nawang palagi sa iyong Diyos.+  Kung tungkol sa negosyante, nasa kaniyang kamay ang timbangang mapanlinlang;+ ang makapandaya ang ibig niya.+  At ang Efraim ay laging nagsasabi, ‘Tunay ngang yumaman ako;+ nakasumpong ako ng mahahalagang bagay para sa aking sarili.+ Kung tungkol sa lahat ng aking pagpapagal, sa akin ay wala silang masusumpungang kamalian na kasalanan.’+  “Ngunit ako ay si Jehova na iyong Diyos mula sa lupain ng Ehipto.+ Patatahanin pa kita sa mga tolda gaya noong mga araw ng isang takdang panahon. 10  At nagsalita ako sa mga propeta,+ at pinarami ko ang mga pangitain, at sa pamamagitan ng kamay ng mga propeta ay patuloy akong gumagawa ng mga paghahalintulad.+ 11  “Sa Gilead ay nangyari ang bagay na mahiwaga,+ gayundin ang kabulaanan.+ Sa Gilgal ay naghain sila ng mga toro.+ Bukod diyan, ang kanilang mga altar ay parang mga bunton ng mga bato sa mga tudling ng malawak na parang.+ 12  At si Jacob ay tumakas patungo sa parang ng Sirya,+ at si Israel+ ay patuloy na naglingkod ukol sa isang asawa,+ at ukol sa isang asawa ay nagbantay siya ng mga tupa.+ 13  At sa pamamagitan ng isang propeta ay iniahon ni Jehova ang Israel mula sa Ehipto,+ at sa pamamagitan ng isang propeta ay binantayan siya.+ 14  Ang Efraim ay pumukaw ng galit hanggang sa kapaitan,+ at ang kaniyang mga pagbububo ng dugo ay iniiwan niya sa kaniyang sarili,+ at ang kaniyang pandurusta ay igaganti sa kaniya ng kaniyang Dakilang Panginoon.”+

Talababa