Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Oseas 11:1-12

11  “Noong bata pa ang Israel ay inibig ko siya,+ at mula sa Ehipto ay tinawag ko ang aking anak.+  “Tinawag nila sila.+ Sa gayunding paraan ay umalis sila mula sa harap nila.+ Sa mga imahen ni Baal ay naghain sila,+ at sa mga nililok na imahen ay nagsimula silang gumawa ng haing usok.+  Ngunit ako naman, tinuruan kong lumakad+ ang Efraim, na binubuhat sila sa aking mga bisig;+ at hindi nila kinilala na pinagaling ko sila.+  Sa pamamagitan ng mga lubid ng makalupang tao ay patuloy ko silang hinila, sa pamamagitan ng mga panali ng pag-ibig,+ anupat sa kanila ay naging gaya ako niyaong mga nag-aalis ng pamatok sa kanilang mga panga,+ at banayad akong nagdala ng pagkain sa bawat isa.+  Hindi siya babalik sa lupain ng Ehipto, ngunit Asirya ang magiging kaniyang hari,+ sapagkat tumanggi silang manumbalik.+  At isang tabak ang tiyak na magpapainug-inog sa kaniyang mga lunsod+ at tatapos sa kaniyang mga halang at manlalamon+ dahil sa kanilang mga payo.+  At ang aking bayan ay nakahilig sa kawalang-katapatan sa akin.+ At paitaas ang tawag nila rito; walang sinumang tumitindig.  “Paano kita mapababayaan, O Efraim?+ Paano kita maibibigay, O Israel?+ Paano kita magagawang gaya ng Adma?+ Paano kita mailalagay na tulad ng Zeboiim?+ Ang aking puso ay nabago sa loob ko;+ kasabay nito ay nag-init ang aking habag.  Hindi ko ilalabas ang aking nag-aapoy na galit.+ Hindi ko na muling wawasakin ang Efraim,+ sapagkat ako ay Diyos+ at hindi tao, ang Banal sa gitna mo;+ at hindi ako darating na nababagabag. 10  Lalakad silang kasunod ni Jehova.+ Uungal siyang gaya ng leon;+ sapagkat siya mismo ay uungal,+ at ang mga anak ay nanginginig na darating mula sa kanluran.+ 11  Gaya ng isang ibon ay nanginginig silang darating mula sa Ehipto,+ at gaya ng isang kalapati mula sa lupain ng Asirya;+ at tiyak na patatahanin ko sila sa kanilang mga bahay,” ang sabi ni Jehova.+ 12  “Pinalibutan ako ng Efraim ng pagsisinungaling,+ at ng panlilinlang naman ng sambahayan ng Israel. Ngunit ang Juda ay lumilibot pang kasama ng Diyos,+ at sa Kabanal-banalan ay mapagkakatiwalaan siya.”

Talababa