Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Oseas 1:1-11

1  Ang salita ni Jehova+ na dumating kay Oseas+ na anak ni Beeri nang mga araw+ nina Uzias,+ Jotam,+ Ahaz+ at Hezekias,+ na mga hari ng Juda, at nang mga araw ni Jeroboam+ na anak ni Joas,+ na hari ng Israel.  Nagpasimula ang salita ni Jehova sa pamamagitan ni Oseas, at sinabi ni Jehova kay Oseas: “Yumaon ka,+ kumuha ka sa ganang iyo ng isang asawang mapakiapid at ng mga anak sa pakikiapid, sapagkat sa pamamagitan ng pakikiapid ay talagang humihiwalay ang lupain mula sa pagsunod kay Jehova.”+  At yumaon siya at kinuha si Gomer na anak ni Diblaim, anupat ito ay nagdalang-tao at sa kalaunan ay nagsilang sa kaniya ng isang anak na lalaki.+  At sinabi ni Jehova sa kaniya: “Tawagin mong Jezreel+ ang kaniyang pangalan, sapagkat kaunting panahon pa at hihingi ako ng pagsusulit dahil sa mga pagbububo ng dugo sa Jezreel laban sa sambahayan ni Jehu,+ at paglalahuin ko ang maharlikang pamamahala ng sambahayan ng Israel.+  At mangyayari nga na sa araw na iyon ay babaliin ko ang busog+ ng Israel sa mababang kapatagan ng Jezreel.”  At ito ay muling nagdalang-tao at nagsilang ng isang anak na babae. At Siya ay nagsabi sa kaniya: “Tawagin mong Lo-ruhama+ ang kaniyang pangalan, sapagkat hindi na ako muling magpapakita ng awa+ sa sambahayan ng Israel, sapagkat walang pagsalang aalisin ko sila.+  Ngunit ang sambahayan ni Juda ay pagpapakitaan ko ng awa,+ at ililigtas ko sila sa pamamagitan ni Jehova na kanilang Diyos;+ ngunit hindi ko sila ililigtas sa pamamagitan ng busog o sa pamamagitan ng tabak o sa pamamagitan ng digmaan, sa pamamagitan ng mga kabayo o sa pamamagitan ng mga mangangabayo.”+  At sa kalaunan ay inawat nito sa suso si Lo-ruhama, at siya ay nagdalang-tao at nagsilang ng isang anak na lalaki.  Kaya sinabi Niya: “Tawagin mong Lo-ami ang kaniyang pangalan, sapagkat kayo ay hindi ko bayan at ako man ay hindi magiging inyo. 10  “At ang bilang ng mga anak ni Israel ay magiging gaya ng mga butil ng buhangin sa dagat na hindi matatakal o mabibilang.+ At mangyayari nga na sa dako na doon ay dating sinasabi sa kanila, ‘Kayo ay hindi ko bayan,’+ sasabihin sa kanila, ‘Ang mga anak ng Diyos na buháy.’+ 11  At ang mga anak ni Juda at ang mga anak ni Israel ay titipunin tungo sa pagkakaisa+ at magtatalaga sa kanilang sarili ng isang ulo at aahon mula sa lupain,+ sapagkat magiging dakila ang araw ng Jezreel.+

Talababa