Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Nehemias 9:1-38

9  At nang ikadalawampu’t apat na araw ng buwang+ ito ay nagpisan ang mga anak ni Israel na may pag-aayuno+ at may telang-sako+ at lupa+ sa kanilang sarili.  At ang binhi ng Israel ay bumukod+ mula sa lahat ng banyaga,+ at tumayo at nagtapat+ ng kanilang sariling mga kasalanan+ at ng mga kamalian ng kanilang mga ama.+  Pagkatapos ay tumindig sila sa kanilang dako+ at bumasa sila nang malakas mula sa aklat ng kautusan+ ni Jehova na kanilang Diyos nang sangkapat na bahagi ng araw na iyon;+ at sa sangkapat na bahagi ay nagtapat+ sila at yumukod kay Jehova na kanilang Diyos.+  At sina Jesua at Bani, Kadmiel, Sebanias, Bunni, Serebias,+ Bani at Kenani ay tumindig sa plataporma+ ng mga Levita at humiyaw sa isang malakas na tinig+ kay Jehova na kanilang Diyos.  At ang mga Levita na sina Jesua at Kadmiel, Bani, Hasabneias, Serebias, Hodias, Sebanias at Petahias ay nagsabi: “Tumindig kayo, pagpalain+ ninyo si Jehova na inyong Diyos mula sa panahong walang takda hanggang sa panahong walang takda.+ At pagpalain nila ang iyong maluwalhating pangalan,+ na itinaas sa lahat ng pagpapala at papuri.  “Ikaw ang tanging si Jehova;+ ikaw ang gumawa ng mga langit,+ maging ng langit ng mga langit, at ng buong hukbo+ nila, ng lupa+ at ng lahat ng nasa ibabaw nito,+ ng mga dagat+ at ng lahat ng naroroon;+ at iniingatan mong buháy ang lahat ng mga iyon; at ang hukbo+ ng langit ay yumuyukod sa iyo.  Ikaw ay si Jehova na tunay na Diyos, na pumili kay Abram+ at naglabas sa kaniya mula sa Ur ng mga Caldeo+ at nagbigay sa kaniya ng pangalang Abraham.+  At nasumpungan mong tapat ang kaniyang puso sa harap mo;+ kaya itinatag ang tipan+ sa kaniya na ibibigay sa kaniya ang lupain ng mga Canaanita, ng mga Hiteo, ng mga Amorita at ng mga Perizita at ng mga Jebusita at ng mga Girgasita, na ibibigay iyon sa kaniyang binhi;+ at tinupad mo ang iyong mga salita, sapagkat ikaw ay matuwid.+  “Kaya nakita+ mo ang kapighatian ng aming mga ninuno sa Ehipto, at ang kanilang pagdaing sa Dagat na Pula ay narinig mo.+ 10  Nang magkagayon ay nagbigay ka ng mga tanda at mga himala laban kay Paraon at sa lahat ng kaniyang mga lingkod at sa buong bayan ng kaniyang lupain,+ sapagkat nalaman mo na ang mga iyon ay kumilos nang may kapangahasan+ laban sa kanila; at ikaw ay gumawa ng pangalan+ para sa iyong sarili gaya ng sa araw na ito. 11  At ang dagat ay hinati+ mo sa harap nila, kung kaya nakatawid sila sa gitna ng dagat sa tuyong lupa;+ at ang mga tumutugis sa kanila ay inihagis mo sa mga kalaliman+ tulad ng isang bato+ sa malalakas na tubig.+ 12  At sa pamamagitan ng isang haliging ulap ay pinatnubayan mo sila sa araw,+ at sa pamamagitan ng isang haliging apoy sa gabi,+ upang liwanagan+ para sa kanila ang daan na dapat nilang lakaran. 13  At sa ibabaw ng Bundok Sinai ay bumaba+ ka at nakipag-usap sa kanila mula sa langit+ at nagbigay sa kanila ng matuwid na mga hudisyal na pasiya+ at mga kautusan ng katotohanan,+ mabubuting tuntunin+ at mga utos.+ 14  At ang iyong banal na sabbath+ ay ipinaalam mo sa kanila, at ang mga utos at mga tuntunin at isang kautusan ay iniutos mo sa kanila sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod.+ 15  At binigyan mo sila ng tinapay mula sa langit para sa kanilang pagkagutom,+ at ang tubig mula sa malaking bato ay pinabukal mo sa kanila para sa kanilang pagkauhaw,+ at sinabi mo sa kanila na pumasok+ at ariin ang lupain na ipinagtaas mo ng iyong kamay sa panunumpa upang ibigay sa kanila.+ 16  “At sila, ang amin ngang mga ninuno, ay kumilos nang may kapangahasan+ at pinatigas ang kanilang leeg,+ at hindi nila pinakinggan ang iyong mga utos. 17  Kaya tumanggi silang makinig,+ at hindi nila inalaala+ ang iyong mga kamangha-manghang pagkilos na iyong isinagawa sa kanila, kundi pinatigas nila ang kanilang leeg+ at nag-atas sila ng isang ulo+ upang bumalik sa kanilang pagkaalipin sa Ehipto. Ngunit ikaw ay isang Diyos ng mga pagpapatawad,+ magandang-loob+ at maawain,+ mabagal sa pagkagalit+ at sagana+ sa maibiging-kabaitan, at hindi mo sila iniwan.+ 18  Oo, nang gumawa sila para sa kanilang sarili ng binubong estatuwa ng isang guya+ at magsimulang magsabi, ‘Ito ang iyong Diyos na nag-ahon sa iyo mula sa Ehipto,’+ at gumawa sila ng matitinding gawang kawalang-galang, 19  ikaw, ikaw nga, sa iyong saganang awa ay hindi mo sila iniwan+ sa ilang. Ang haliging ulap ay hindi lumisan mula sa ibabaw nila sa araw upang patnubayan sila sa daan,+ ni ang haliging apoy man sa gabi upang liwanagan para sa kanila ang daan na dapat nilang lakaran.+ 20  At ang iyong mabuting espiritu+ ay ibinigay mo upang gawin silang pantas, at ang iyong manna ay hindi mo ipinagkait sa kanilang bibig,+ at ang tubig ay ibinigay mo sa kanila para sa kanilang pagkauhaw.+ 21  At sa loob ng apatnapung+ taon ay naglaan ka sa kanila ng pagkain sa ilang. Hindi sila nagkulang ng anuman.+ Ang mismong mga kasuutan nila ay hindi naluma,+ at ang kanilang mga paa ay hindi namaga.+ 22  “At binigyan mo sila ng mga kaharian+ at mga bayan, at hinati-hati mo ang mga iyon nang pira-piraso;+ kung kaya inari nila ang lupain ni Sihon,+ maging ang lupain ng hari ng Hesbon,+ at ang lupain ni Og+ na hari ng Basan.+ 23  At ang kanilang mga anak ay ginawa mong sindami ng mga bituin sa langit.+ Pagkatapos ay dinala mo sila sa lupain+ na ipinangako mo sa kanilang mga ninuno+ na papasukin nila upang ariin. 24  Kaya pumasok ang kanilang mga anak+ at inari nila ang lupain,+ at sinupil+ mo sa harap nila ang mga tumatahan sa lupain, ang mga Canaanita,+ at ibinigay mo ang mga iyon sa kanilang kamay, maging ang kanilang mga hari+ at ang mga bayan ng lupain,+ upang gawin sa mga iyon ang ayon sa kagustuhan nila.+ 25  At bumihag sila ng mga nakukutaang lunsod+ at ng matabang lupa+ at inari nila ang mga bahay na punô ng lahat ng mabubuting bagay,+ mga imbakang-tubig na hinukay,+ mga ubasan at mga taniman ng olibo+ at mga punungkahoy bilang pagkaing sagana, at nagsimula silang kumain at mabusog+ at tumaba+ at masiyahan sa iyong malaking kabutihan.+ 26  “Gayunman, sila ay naging masuwayin+ at naghimagsik laban sa iyo+ at patuloy na itinatapon ang iyong kautusan sa kanilang likuran,+ at ang iyong mga propeta ay kanilang pinatay,+ na nagpatotoo laban sa kanila upang ipanumbalik sila sa iyo;+ at sila ay nagsigawa ng mga gawa ng matinding kawalang-galang.+ 27  Dahil dito ay ibinigay mo sila sa kamay ng kanilang mga kalaban,+ na patuloy na pumipighati sa kanila;+ ngunit sa panahon ng kanilang kabagabagan ay dumaraing sila sa iyo,+ at ikaw ay dumirinig mula sa mismong langit;+ at ayon sa iyong saganang awa+ ay binibigyan mo sila ng mga tagapagligtas+ na nagliligtas sa kanila mula sa kamay ng kanilang mga kalaban.+ 28  “Ngunit kapag sila ay nagpapahinga na, muli silang gumagawa ng masama sa harap mo,+ at pinababayaan mo sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, na yumuyurak naman sa kanila.+ Pagkatapos ay bumabalik sila at humihingi sa iyo ng saklolo,+ at ikaw ay dumirinig mula sa mismong langit+ at inililigtas mo sila ayon sa iyong saganang awa, muli at muli.+ 29  Bagaman nagpapatotoo+ ka laban sa kanila upang ibalik sila sa iyong kautusan,+ sila ay kumilos pa man din nang may kapangahasan+ at hindi nakinig sa iyong mga utos; at sila ay nagkasala+ laban sa iyong mga hudisyal na pasiya,+ na kung gagawin ng isang tao ay mabubuhay rin siya sa pamamagitan ng mga iyon.+ At patuloy silang naghaharap ng sutil na balikat,+ at ang leeg nila ay kanilang pinatigas,+ at hindi sila nakinig.+ 30  Ngunit ikaw ay mapagparaya sa kanila sa loob ng maraming taon+ at patuloy na nagpatotoo+ laban sa kanila ng iyong espiritu sa pamamagitan ng iyong mga propeta, at hindi sila nakinig.+ Nang dakong huli ay ibinigay mo sila sa kamay ng mga bayan ng mga lupain.+ 31  At sa iyong saganang awa ay hindi mo isinagawa ang paglipol sa kanila+ o iniwan+ man sila; sapagkat ikaw ay Diyos na magandang-loob+ at maawain.+ 32  “At ngayon, O aming Diyos, ang Diyos na dakila,+ makapangyarihan+ at kakila-kilabot,+ na nag-iingat ng tipan+ at ng maibiging-kabaitan,+ huwag nawang maliitin sa harap mo+ ang lahat ng paghihirap na sumapit sa amin,+ sa aming mga hari,+ sa aming mga prinsipe+ at sa aming mga saserdote+ at sa aming mga propeta+ at sa aming mga ninuno+ at sa iyong buong bayan mula nang mga araw ng mga hari ng Asirya hanggang sa araw na ito.+ 33  At ikaw ay matuwid+ kung tungkol sa lahat ng sumapit sa amin, sapagkat ikaw ay kumilos nang may katapatan,+ ngunit kami ang siyang gumawa nang may kabalakyutan.+ 34  Kung tungkol sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, sa aming mga saserdote at sa aming mga ninuno,+ hindi nila isinagawa ang iyong kautusan,+ ni nagbigay-pansin man sa iyong mga utos+ o sa iyong mga patotoo na iyong pinatotohanan+ laban sa kanila. 35  At sila—sa panahon ng kanilang kaharian+ at sa gitna ng iyong saganang mabubuting bagay+ na ibinigay mo sa kanila at sa malawak at matabang lupain+ na inilaan mo sa kanila, sila ay hindi naglingkod sa iyo+ at hindi tumalikod mula sa kanilang masasamang gawa.+ 36  Narito! Kami ngayon ay mga alipin;+ at kung tungkol sa lupain na ibinigay mo sa aming mga ninuno upang kumain ng mga bunga niyaon at ng mabubuting bagay niyaon, narito! kami ay mga alipin doon,+ 37  at ang ani niyaon ay nananagana+ para sa mga hari+ na inilagay mo upang mamahala sa amin dahil sa aming mga kasalanan,+ at sa aming mga katawan ay namamahala sila at sa aming mga alagang hayop, ayon sa kanilang kagustuhan, at kami ay nasa malaking kabagabagan.+ 38  “Kaya dahil sa lahat ng ito ay nagtatatag kami ng isang mapagkakatiwalaang kaayusan,+ kapuwa sa sulat at pinatotohanan sa pamamagitan ng tatak+ ng aming mga prinsipe, ng aming mga Levita at ng aming mga saserdote.”+

Talababa