Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Nehemias 5:1-19

5  Gayunman, nagkaroon ng malakas na pagdaing+ ang bayan at ang kanilang mga asawa laban sa kanilang mga kapatid na Judio.+  At may mga nagsasabi: “Ang aming mga anak na lalaki at ang aming mga anak na babae ay ibinibigay namin bilang panagot upang makakuha kami ng butil at makakain at manatiling buháy.”+  At may mga nagsasabi: “Ang aming mga bukid at ang aming mga ubasan at ang aming mga bahay ay ibinibigay namin bilang panagot+ upang makakuha kami ng butil sa panahon ng kakapusan sa pagkain.”  At may mga nagsasabi: “Nanghiram kami ng salapi para sa tributong nauukol sa hari+ sa aming mga bukid at sa aming mga ubasan.+  At ngayon ang aming laman ay katulad ng laman ng aming mga kapatid;+ ang aming mga anak ay katulad ng kanilang mga anak, ngunit narito, ginagawa na nga naming mga alipin+ ang aming mga anak na lalaki at ang aming mga anak na babae, at ang ilan sa aming mga anak na babae ay ginawa na ngang gayon; at walang kapangyarihan sa aming mga kamay habang ang aming mga bukid at ang aming mga ubasan ay pag-aari ng iba.”  At lubha akong nagalit nang marinig ko ang kanilang pagdaing at ang mga salitang ito.  Kaya ang aking puso ay nagbulay-bulay sa loob ko, at pinasimulan kong kakitaan ng pagkakamali+ ang mga taong mahal at ang mga kinatawang tagapamahala, at sinabi ko sa kanila: “Labis na patubo+ ang inyong ipinapataw, ng bawat isa mula sa kaniyang sariling kapatid.” Karagdagan pa, nagsaayos ako ng isang malaking kapulungan dahil sa kanila.+  At sinabi ko sa kanila: “Tinubos+ namin ang aming sariling mga kapatid na Judio na ipinagbili sa mga bansa, sa abot ng aming makakaya; at inyo rin bang ipagbibili ang inyong sariling mga kapatid,+ at ipagbibili ba sila sa amin?” Dahil dito ay hindi sila nakaimik, at hindi sila nakasumpong ng isa mang salita.+  At ako ay nagsabi: “Ang bagay na ginagawa ninyo ay hindi mabuti.+ Hindi ba kayo dapat lumakad sa takot+ sa ating Diyos+ dahil sa pandurusta+ ng mga bansa, na mga kaaway natin?+ 10  At gayundin ako, ang aking mga kapatid at ang aking mga tagapaglingkod ay nagpapautang ng salapi at ng butil sa kanila. Tigilan natin, pakisuyo, itong pagpapahiram na may patubo.+ 11  Pakisuyo, isauli ninyo sa kanila sa araw na ito ang kanilang mga bukid,+ ang kanilang mga ubasan, ang kanilang mga taniman ng olibo at ang kanilang mga bahay, at ang ikasandaang bahagi ng salapi at ng butil, ng bagong alak at ng langis na inyong ipinapataw bilang patubo sa kanila.” 12  Dito ay sinabi nila: “Isasauli namin,+ at mula sa kanila ay wala kaming hihinging anuman.+ Gagawin namin ang gaya mismo ng sinasabi mo.”+ Kaya tinawag ko ang mga saserdote at pinasumpa ko sila na gawin ang ayon sa salitang ito.+ 13  Gayundin, pinagpagan ko ang aking dibdib at pagkatapos ay sinabi ko: “Sa ganitong paraan nawa ipagpag ng tunay na Diyos mula sa kaniyang bahay at mula sa kaniyang tinamong ari-arian ang bawat tao na hindi tumutupad ng salitang ito; at sa ganitong paraan nawa siya mapagpag at maalisan ng laman.” Dito ay sinabi ng buong kongregasyon: “Amen!”+ At pinasimulan nilang purihin si Jehova.+ At ginawa ng bayan ang ayon sa salitang ito.+ 14  Isang bagay pa: Mula nang araw na atasan niya ako na maging kanilang gobernador+ sa lupain ng Juda, mula nang ikadalawampung+ taon hanggang sa ikatatlumpu’t dalawang+ taon ni Artajerjes+ na hari, labindalawang taon, ako at ang aking mga kapatid ay hindi kumain ng tinapay na nauukol sa gobernador.+ 15  Kung tungkol sa mga dating gobernador na nauna sa akin, pinabigatan nila ang bayan, at patuloy silang kumuha ng apatnapung siklong pilak mula sa kanila para sa tinapay at alak araw-araw. Gayundin, ang kanilang mga tagapaglingkod ay nanaig sa bayan.+ Kung tungkol sa akin, hindi ko ginawa ang gayon+ dahil sa takot sa Diyos.+ 16  At, isa pa, sa gawain sa pader na ito ay tumulong ako,+ at ni isang bukid ay hindi kami nagtamo;+ at ang lahat ng aking mga tagapaglingkod ay tinipon doon para sa gawain. 17  At ang mga Judio at ang mga kinatawang tagapamahala, isang daan at limampung lalaki, at yaong mga pumaparoon sa amin mula sa mga bansang nasa palibot namin ay nasa aking mesa.+ 18  Kung tungkol sa inihahanda araw-araw, isang toro, anim na piling tupa at mga ibon ang inihahanda para sa akin, at minsan sa bawat sampung araw ay ang bawat uri ng alak+ na sagana. At kasama nito, ang tinapay na nauukol sa gobernador ay hindi ko hiningi, dahil ang paglilingkod na nakaatang sa bayang ito ay mabigat. 19  Alalahanin mo para sa akin,+ O Diyos ko, sa ikabubuti,+ ang lahat ng aking ginawa alang-alang sa bayang ito.+

Talababa