Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Nehemias 4:1-23

4  At nangyari, nang marinig ni Sanbalat+ na muli naming itinatayo ang pader, siya ay nagalit+ at lubhang napoot, at patuloy niyang inalipusta+ ang mga Judio.  At pinasimulan niyang sabihin sa harap ng kaniyang mga kapatid+ at ng hukbong militar ng Samaria, oo, pinasimulan niyang sabihin: “Ano ang ginagawa nitong mahihinang Judio? Aasa ba sila sa kanilang sarili? Maghahain ba sila?+ Makatatapos ba sila sa isang araw? Bubuhayin ba nila ang mga bato mula sa mga bunton ng maalikabok na basura+ gayong nasunog na ang mga iyon?”  At si Tobia+ na Ammonita+ ay nasa tabi niya, at sinabi niya: “Maging yaong kanilang itinatayo, kung ang isang sorra+ ay sumampa roon, tiyak na magigiba nito ang kanilang batong pader.”  Dinggin mo,+ O aming Diyos, sapagkat kami ay naging tampulan ng paghamak;+ at ibalik mo ang kanilang pandurusta+ sa kanilang sariling ulo, at ibigay mo sila sa pandarambong sa lupain ng pagkabihag.  At huwag mong takpan ang kanilang kamalian+ at ang kanilang kasalanan mula sa harap mo. Huwag mong pawiin iyon, sapagkat nagkasala sila laban sa mga tagapagtayo.  Kaya patuloy naming itinayo ang pader, at ang buong pader ay napagdugtong hanggang sa kalahati ng taas nito, at ang bayan ay patuloy na nagtaglay ng puso para sa paggawa.+  At nangyari, nang marinig ni Sanbalat+ at ni Tobia+ at ng mga Arabe+ at ng mga Ammonita+ at ng mga Asdodita+ na ang pagkukumpuni ng mga pader ng Jerusalem ay sumulong na, sapagkat ang mga puwang ay nagsimula nang masarhan, sila ay lubhang nagalit.  At silang lahat ay nagsimulang magsabuwatang+ sama-sama upang pumaroon at makipaglaban sa Jerusalem at lumikha ng kaguluhan sa akin.  Ngunit kami ay nanalangin+ sa aming Diyos at naglagay ng isang bantay laban sa kanila araw at gabi dahil sa kanila. 10  At ang Juda ay nagsimulang magsabi: “Ang lakas ng tagapagdala ng pasan+ ay nanlupaypay, at napakarami ng basura;+ at hindi kami makapagtayo sa pader.” 11  Bukod diyan, ang aming mga kalaban ay patuloy na nagsabi: “Hindi nila malalaman+ at hindi nila makikita hanggang sa makarating tayo sa gitna nila, at tiyak na papatayin natin sila at patitigilin ang gawain.” 12  At nangyari, kailanma’t dumarating ang mga Judio na nananahanang malapit sa kanila, sinasabi nila sa amin nang sampung ulit: “[Sasampa sila] mula sa lahat ng dako na doon ay babalik kayo sa amin.” 13  Kaya naglagay ako ng mga lalaki sa pinakamabababang bahagi ng dako sa likuran ng pader sa mga hantad na dako, at inilagay ko ang bayan ayon sa mga pamilya taglay ang kanilang mga tabak,+ ang kanilang mga sibat+ at ang kanilang mga busog. 14  Nang makita ko ang kanilang pagkatakot ay kaagad akong tumindig at nagsabi sa mga taong mahal+ at sa mga kinatawang tagapamahala+ at sa iba pa sa bayan: “Huwag kayong matakot+ dahil sa kanila. Si Jehova na Isa na dakila+ at kakila-kilabot+ ang ingatan ninyo sa inyong isipan; at ipakipaglaban ninyo ang inyong mga kapatid,+ ang inyong mga anak na lalaki at ang inyong mga anak na babae, ang inyong mga asawa at ang inyong mga tahanan.” 15  At nangyari, nang marinig ng aming mga kaaway na iyon ay nahayag na sa amin, anupat binigo ng tunay na Diyos ang kanilang payo+ at kaming lahat ay bumalik na sa pader, ang bawat isa ay sa kaniyang gawain, 16  oo, nangyari nga mula nang araw na iyon, ang kalahati sa aking mga kabataang lalaki+ ay abala sa gawain at ang kalahati sa kanila ay may hawak na mga sibat, mga kalasag at mga busog at mga kutamaya;+ at ang mga prinsipe+ ay nasa likuran ng buong sambahayan ni Juda. 17  Kung tungkol sa mga tagapagtayo sa pader at sa mga bumubuhat ng pasanin ng mga tagapasan, ang bawat isa ay may isang kamay na abala sa gawain habang ang kabilang kamay+ ay may hawak na suligi.+ 18  At ang mga tagapagtayo ay nabibigkisan, ang bawat isa ay may tabak sa kaniyang balakang,+ habang nagtatayo;+ at ang tagahihip ng tambuli+ ay nasa tabi ko. 19  At sinabi ko sa mga taong mahal at sa mga kinatawang tagapamahala+ at sa iba pa sa bayan: “Ang gawain ay malaki at malawak, at tayo ay nakapangalat sa pader nang malayo sa isa’t isa. 20  Kung saang dako ninyo marinig ang tunog ng tambuli, doon kayo magtitipong kasama namin. Ang ating Diyos ang makikipaglaban para sa atin.”+ 21  Habang abala kami sa gawain, ang kalahati naman sa kanila ay may hawak na mga sibat, mula sa pagbubukang-liwayway hanggang sa paglitaw ng mga bituin. 22  Bukod dito, nang panahong iyon ay sinabi ko sa bayan: “Magpalipas ng gabi ang mga lalaki, ang bawat isa kasama ng kaniyang tagapaglingkod, sa loob ng Jerusalem,+ at maging bantay natin sila sa gabi at mga manggagawa sa araw.” 23  Kung tungkol sa akin+ at sa aking mga kapatid+ at sa aking mga tagapaglingkod+ at sa mga lalaking bantay+ na nasa likuran ko, hindi namin hinuhubad ang aming mga kasuutan, ang bawat isa ay may suligi+ sa kaniyang kanang kamay.

Talababa