Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Nehemias 1:1-11

1  Ang mga salita ni Nehemias+ na anak ni Hacalias: At nangyari nang buwan ng Kislev,+ noong ikadalawampung+ taon, na ako nga ay nasa kastilyo ng Susan.+  Nang magkagayon si Hanani,+ na isa sa aking mga kapatid, ay pumasok, siya at ang iba pang mga lalaki mula sa Juda, at nagtanong+ ako sa kanila tungkol sa mga Judio,+ yaong mga nakatakas,+ na natira mula sa pagkabihag,+ at tungkol din sa Jerusalem.  At sinabi nila sa akin: “Yaong mga natira, na natira mula sa pagkabihag, doon sa nasasakupang distrito,+ ay nasa napakasamang kalagayan+ at kadustaan;+ at ang pader+ ng Jerusalem ay giba, at ang mismong mga pintuang-daan+ nito ay nasunog sa apoy.”  At nangyari, nang marinig ko ang mga salitang ito, ako ay umupo at nagsimulang tumangis at magdalamhati nang ilang araw, at patuluyan akong nag-ayuno+ at nanalangin sa harap ng Diyos ng langit.+  At sinabi ko: “Ah, Jehova na Diyos ng langit, ang Diyos na dakila at kakila-kilabot,+ na nag-iingat ng tipan+ at ng maibiging-kabaitan doon sa mga umiibig sa kaniya+ at nag-iingat ng kaniyang mga utos,+  pakisuyo, magbigay-pansin nawa ang iyong tainga+ at dumilat ang iyong mga mata, upang dinggin ang panalangin ng iyong lingkod,+ na idinadalangin ko sa harap mo ngayon, araw at gabi,+ may kinalaman sa mga anak ni Israel na iyong mga lingkod, samantalang nagtatapat+ may kinalaman sa mga kasalanan+ ng mga anak ni Israel na ipinagkasala namin laban sa iyo. Kami ay nagkasala, kapuwa ako at ang sambahayan ng aking ama.+  Kami ay walang pagsalang gumawi nang may kalikuan laban sa iyo+ at hindi nag-ingat ng mga utos+ at ng mga tuntunin+ at ng mga hudisyal na pasiya+ na iniutos mo kay Moises na iyong lingkod.+  “Alalahanin mo,+ pakisuyo, ang salita na iniutos mo kay Moises na iyong lingkod, na nagsasabi, ‘Kung kayo, sa ganang inyo, ay gagawi nang di-tapat, pangangalatin ko naman kayo sa gitna ng mga bayan.+  Kapag bumalik na kayo sa akin+ at tumupad ng aking mga utos+ at ginawa ang mga iyon,+ bagaman ang inyong nangalat na bayan ay mapasadulo ng langit, mula roon ay titipunin+ ko sila at tiyak na dadalhin ko sila+ sa dako na aking pinili upang doon patahanin ang aking pangalan.’+ 10  At sila ay iyong mga lingkod+ at iyong bayan,+ na tinubos mo sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan+ at sa pamamagitan ng iyong malakas na kamay.+ 11  Ah, Jehova, pakisuyo, magbigay-pansin nawa ang iyong tainga sa panalangin ng iyong lingkod at sa panalangin+ ng iyong mga lingkod na nalulugod na matakot sa iyong pangalan;+ at, pakisuyo, maggawad ka ng tagumpay sa iyong lingkod ngayon+ at pangyarihin mong kahabagan siya sa harap ng lalaking ito.”+ Ako noon ay katiwala ng kopa+ ng hari.

Talababa