Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Mikas 4:1-13

4  At mangyayari sa huling bahagi ng mga araw+ na ang bundok+ ng bahay+ ni Jehova ay matibay na matatatag na mataas pa sa taluktok ng mga bundok, at iyon ay mátataás pa nga sa mga burol;+ at doon ay huhugos ang mga bayan.+  At maraming bansa ang yayaon nga at magsasabi: “Halikayo,+ at umahon tayo sa bundok ni Jehova at sa bahay ng Diyos ni Jacob;+ at tuturuan niya tayo tungkol sa kaniyang mga daan,+ at lalakad tayo sa kaniyang mga landas.”+ Sapagkat mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ni Jehova mula sa Jerusalem.+  At siya ay maggagawad ng kahatulan sa gitna ng maraming bayan,+ at magtutuwid ng mga bagay-bagay+ may kinalaman sa makapangyarihang mga bansa sa malayo.+ At pupukpukin nila ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging mga karit na pampungos.+ Sila ay hindi magtataas ng tabak, bansa laban sa bansa, ni mag-aaral pa man sila ng pakikipagdigma.+  At uupo sila, ang bawat isa sa ilalim ng kaniyang punong ubas at sa ilalim ng kaniyang puno ng igos,+ at walang sinumang magpapanginig sa kanila;+ sapagkat ang mismong bibig ni Jehova ng mga hukbo ang nagsalita nito.+  Sapagkat ang lahat ng mga bayan, sa ganang kanila, ay lalakad bawat isa sa pangalan ng kaniyang diyos;+ ngunit tayo, sa ganang atin, ay lalakad sa pangalan ni Jehova na ating Diyos+ hanggang sa panahong walang takda, magpakailan-kailanman.+  “Sa araw na iyon,” ang sabi ni Jehova, “titipunin ko siya na umiika-ika;+ at siya na nanabog ay pipisanin ko,+ siya nga na pinakitunguhan ko nang masama.  At siya na umiika-ika ay tiyak na gagawin kong isang nalabi,+ at siya na dinala sa malayo ay gagawin kong makapangyarihang bansa;+ at si Jehova ay mamamahala bilang hari sa kanila sa Bundok Sion, mula ngayon at hanggang sa panahong walang takda.+  “At kung tungkol sa iyo, O tore ng kawan, ang gulod ng anak na babae ng Sion,+ darating iyon hanggang sa iyo, oo, ang unang pamunuan ay tiyak na darating,+ ang kaharian na nauukol sa anak na babae ng Jerusalem.+  “Ngayon ay bakit ka patuloy na sumisigaw nang malakas?+ Wala bang hari sa iyo, o naglaho ba ang iyong tagapayo, anupat pinanaigan ka ng mga hapdi na gaya ng sa babaing nanganganak?+ 10  Dumanas ka ng matitinding kirot at magluwal ka, O anak na babae ng Sion, gaya ng babaing nanganganak,+ sapagkat ngayon ay lalabas ka mula sa isang bayan, at tatahan ka sa parang.+ At makararating ka hanggang sa Babilonya.+ Doon ay ililigtas ka.+ Doon ay tutubusin ka ni Jehova mula sa palad ng iyong mga kaaway.+ 11  “At ngayon ay tiyak na matitipon laban sa iyo ang maraming bansa, yaong mga nagsasabi, ‘Marumhan siya, at mamasdan nawa ng ating mga mata ang Sion.’+ 12  Ngunit kung tungkol sa kanila, hindi nila nalalaman ang mga kaisipan ni Jehova, at hindi nila nauunawaan ang kaniyang layunin;+ sapagkat pipisanin niya sila sa giikan+ na gaya ng isang hanay ng kapuputol na uhay. 13  “Bumangon ka at gumiik, O anak na babae ng Sion;+ sapagkat ang iyong sungay ay gagawin kong bakal, at ang iyong mga kuko ay gagawin kong tanso, at dudurugin mo ang maraming bayan;+ at sa pamamagitan ng pagbabawal ay itatalaga mo nga kay Jehova ang kanilang di-tapat na pakinabang,+ at ang kanilang yaman, sa tunay na Panginoon ng buong lupa.”+

Talababa