Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Mikas 1:1-16

1  Ang salita ni Jehova na dumating kay Mikas+ ng Moreset, nang mga araw nina Jotam,+ Ahaz,+ Hezekias,+ na mga hari ng Juda,+ na nakita niya sa pangitain may kinalaman sa Samaria+ at Jerusalem:+  “Dinggin ninyong lahat na mga bayan; magbigay-pansin ka, O lupa at ang lahat ng naririyan sa iyo,+ at ang Soberanong Panginoong Jehova nawa ay maging saksi laban sa inyo,+ si Jehova mula sa kaniyang banal na templo.+  Sapagkat, narito! si Jehova ay lumalabas mula sa kaniyang dako,+ at siya ay tiyak na bababa at yayapak sa matataas na dako sa lupa.+  At ang mga bundok ay matutunaw sa ilalim niya,+ at ang mabababang kapatagan ay mabibiyak, gaya ng pagkit dahil sa apoy,+ gaya ng tubig na ibinubuhos sa isang dakong matarik.  “Dahil sa pagsalansang ng Jacob kung kaya nangyayari ang lahat ng ito, dahil nga sa mga kasalanan ng sambahayan ng Israel.+ Ano ang pagsalansang ng Jacob? Hindi ba ang Samaria?+ At ano ang matataas na dako ng Juda?+ Hindi ba ang Jerusalem?  At ang Samaria ay gagawin kong isang bunton ng mga guho sa parang,+ ang mga dakong taniman ng ubasan; at ibubuhos ko sa libis ang kaniyang mga bato, at ang kaniyang mga pundasyon ay ihahantad ko.+  At ang lahat ng kaniyang mga nililok na imahen ay pagdudurug-durugin,+ at ang lahat ng mga kaloob na ibinigay sa kaniya bilang kaniyang upa ay susunugin sa apoy;+ at ang lahat ng kaniyang mga idolo ay gagawin kong tiwangwang na kaguhuan. Sapagkat mula sa mga bagay na ibinigay bilang upa sa isang patutot ay tinipon niya ang mga iyon, at sa bagay na ibinigay bilang upa sa isang patutot ay babalik ang mga iyon.”+  Dahil dito ay hahagulhol ako at magpapalahaw;+ lalakad ako nang nakatapak at hubad.+ Ako ay hahagulhol na gaya ng mga chakal, at magdadalamhating gaya ng mga babaing avestruz.  Sapagkat ang sugat niya ay wala nang paggaling;+ sapagkat nakarating iyon hanggang sa Juda,+ ang salot hanggang sa pintuang-daan ng aking bayan, hanggang sa Jerusalem.+ 10  “Sa Gat ay huwag ninyong ipahayag iyon; huwag nga kayong tumangis.+ “Sa bahay ng Apra ay gumumon ka sa mismong alabok.+ 11  Magdaan ka na nasa kahiya-hiyang kahubaran,+ O babaing tumatahan sa Sapir. Ang babaing tumatahan sa Zaanan ay hindi lumabas. Kukunin sa inyo ng paghagulhol ng Bet-ezel ang kinatatayuan nito. 12  Sapagkat ang babaing tumatahan sa Marot ay naghintay ng kabutihan,+ ngunit yaong masama ang bumaba mula kay Jehova hanggang sa pintuang-daan ng Jerusalem.+ 13  Isingkaw mo ang karo sa pulutong ng mga kabayo, O babaing tumatahan sa Lakis.+ Siya ang naging pasimula ng kasalanan para sa anak na babae ng Sion,+ sapagkat sa iyo nasumpungan ang mga pagsalansang ng Israel.+ 14  Kaya magbibigay ka ng pamamaalam na mga kaloob sa Moreset-gat.+ Ang mga bahay ng Aczib+ ay naging gaya ng bagay na mapanlinlang sa mga hari ng Israel. 15  Ang tagapagtaboy ay dadalhin ko pa sa iyo,+ O babaing tumatahan sa Maresa.+ Hanggang sa Adulam+ ay darating ang kaluwalhatian ng Israel. 16  Magpakalbo ka, at gupitin mo ang iyong buhok dahil sa iyong mga anak ng masidhing kaluguran.+ Palaparin mo ang iyong pagkakalbo na gaya ng sa agila, sapagkat lumisan na sila mula sa iyo tungo sa pagkatapon.”+

Talababa