Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Mateo 3:1-17

3  Nang mga araw na iyon si Juan Bautista+ ay dumating na nangangaral sa ilang+ ng Judea,  na nagsasabi: “Magsisi kayo,+ sapagkat ang kaharian ng langit ay malapit na.”+  Ito, sa katunayan, ang isa na tinutukoy sa pamamagitan ni Isaias na propeta+ sa mga salitang ito: “Makinig kayo! May sumisigaw sa ilang, ‘Ihanda+ ninyo ang daan ni Jehova! Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.’ ”  Ngunit ang mismong Juan na ito ay may pananamit na balahibo+ ng kamelyo at pamigkis na katad+ sa kaniyang mga balakang; ang kaniya ring pagkain ay mga kulisap na balang+ at pulot-pukyutang ligáw.+  Nang magkagayon ay lumabas patungo sa kaniya ang Jerusalem at ang buong Judea at ang buong lupain sa palibot ng Jordan,  at ang mga tao ay binautismuhan niya sa Ilog Jordan,+ na hayagang nagtatapat ng kanilang mga kasalanan.  Nang makita niya ang marami sa mga Pariseo at mga Saduceo+ na pumaparoon sa bautismo, sinabi niya sa kanila: “Kayong supling ng mga ulupong,+ sino ang nagbigay-alam sa inyo upang tumakas mula sa dumarating na poot?+  Kaya nga magluwal kayo ng bunga na angkop sa pagsisisi;+  at huwag ninyong ipagpalagay na sabihin sa inyong sarili, ‘Bilang ama ay taglay namin si Abraham.’+ Sapagkat sinasabi ko sa inyo na ang Diyos ay makapagbabangon ng mga anak kay Abraham+ mula sa mga batong ito. 10  Ang palakol+ ay nakalapag na sa ugat ng mga punungkahoy; bawat punungkahoy, kung gayon, na hindi nagluluwal ng mainam na bunga ay puputulin+ at ihahagis sa apoy.+ 11  Ako, sa ganang akin, ay nagbabautismo sa inyo sa tubig+ dahil sa inyong pagsisisi;+ ngunit ang isa na dumarating+ na kasunod ko ay mas malakas kaysa sa akin, na sa kaniyang mga sandalyas ay hindi ako nararapat mag-alis.+ Babautismuhan kayo ng isang iyon sa banal na espiritu+ at sa apoy.+ 12  Ang kaniyang palang pantahip ay nasa kamay niya, at lubusan niyang lilinisin ang kaniyang giikan, at titipunin sa kamalig ang kaniyang trigo,+ ngunit ang ipa ay kaniyang susunugin+ sa apoy na hindi mapapatay.” 13  Nang magkagayon ay dumating si Jesus mula sa Galilea+ patungo kay Juan sa Jordan, upang magpabautismo+ sa kaniya. 14  Ngunit tinangka siyang pigilan nitong huling nabanggit, na sinasabi: “Ako ang nangangailangang mabautismuhan mo, at ikaw pa ba ang pumaparito sa akin?” 15  Bilang tugon ay sinabi ni Jesus sa kaniya: “Hayaan mo na, sa pagkakataong ito, sapagkat ganito ang nararapat sa atin upang maisakatuparan ang lahat ng matuwid.”+ Nang magkagayon ay huminto siya sa pagpigil sa kaniya. 16  Pagkatapos na mabautismuhan ay kaagad na umahon si Jesus mula sa tubig; at, narito! ang langit ay nabuksan,+ at nakita niyang bumababa na tulad ng isang kalapati+ ang espiritu ng Diyos na lumalapag sa kaniya.+ 17  Narito! May tinig+ din mula sa langit na nagsabi: “Ito ang aking Anak,+ ang minamahal,+ na aking sinang-ayunan.”+

Talababa