Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Malakias 3:1-18

3  “Narito! Isinusugo ko ang aking mensahero,+ at hahawanin niya ang daan sa harap ko.+ At biglang darating sa Kaniyang templo+ ang tunay na Panginoon,+ na hinahanap ninyo, at ang mensahero+ ng tipan+ na siyang kinalulugdan ninyo.+ Narito! Siya ay tiyak na darating,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.+  “Ngunit sino ang makatatagal sa araw ng kaniyang pagdating,+ at sino ang tatayo kapag nagpakita siya?+ Sapagkat siya ay magiging gaya ng apoy ng tagapagdalisay+ at gaya ng lihiya+ ng mga tagapaglaba.+  At siya ay uupong gaya ng tagapagdalisay at tagapaglinis ng pilak+ at lilinisin niya ang mga anak ni Levi;+ at dadalisayin niya silang parang ginto+ at parang pilak, at kay Jehova sila ay magiging bayan na nagdadala ng isang handog na kaloob+ sa katuwiran.  At ang handog na kaloob ng Juda at ng Jerusalem ay magiging kasiya-siya kay Jehova,+ gaya ng mga araw noong sinaunang panahon at gaya ng mga taon noong unang panahon.+  “At lalapit ako sa inyo ukol sa paghatol,+ at ako ay magiging mabilis na saksi+ laban sa mga manggagaway,+ at laban sa mga mangangalunya,+ at laban sa mga sumusumpa nang may kabulaanan,+ at laban sa mga gumagawi nang may pandaraya sa kabayaran ng bayarang manggagawa,+ sa babaing balo+ at sa batang lalaking walang ama,+ at sa mga nagtataboy sa naninirahang dayuhan,+ samantalang hindi nila ako kinatatakutan,”+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.  “Sapagkat ako ay si Jehova; hindi ako nagbabago.+ At kayo ay mga anak ni Jacob; hindi pa kayo dumarating sa inyong katapusan.+  Mula noong mga araw ng inyong mga ninuno ay nililihisan ninyo ang aking mga tuntunin at hindi ninyo tinutupad ang mga iyon.+ Manumbalik kayo sa akin, at manunumbalik ako sa inyo,”+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo. At sinabi ninyo: “Sa anong paraan kami manunumbalik?”  “Pagnanakawan ba ng makalupang tao ang Diyos? Ngunit ninanakawan ninyo ako.” At sinabi ninyo: “Sa anong paraan ka namin ninakawan?” “Sa mga ikasampung bahagi at sa mga abuloy.  Sa pamamagitan ng sumpa ay isinusumpa ninyo ako,+ at ako ay ninanakawan ninyo—ang bansa sa kabuuan nito. 10  Dalhin ninyo sa kamalig ang lahat ng ikasampung bahagi,+ upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay;+ at subukin ninyo ako sa bagay na ito,+ pakisuyo,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, “kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga pintuan ng tubig sa langit+ at ibubuhos sa inyo ang isang pagpapala hanggang sa wala nang kakulangan.”+ 11  “At sasawayin ko para sa inyo yaong nanlalamon,+ at hindi nito sisirain sa inyo ang bunga ng lupa, ni ang punong ubas man sa bukid ay mawawalan ng bunga para sa inyo,”+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo. 12  “At ipahahayag kayong maligaya ng lahat ng mga bansa,+ sapagkat kayo ay magiging lupain ng kaluguran,”+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo. 13  “Matitindi ang inyong mga salita laban sa akin,”+ ang sabi ni Jehova. At sinabi ninyo: “Ano ang sinalita namin sa isa’t isa laban sa iyo?”+ 14  “Sinabi ninyo, ‘Walang kabuluhan ang maglingkod sa Diyos.+ At ano ang pakinabang sa pagtupad natin ng katungkulan sa kaniya, at sa paglakad natin nang may lumbay dahil kay Jehova ng mga hukbo?+ 15  At sa kasalukuyan ay ipinahahayag nating maligaya ang mga taong pangahas.+ Gayundin, ang mga gumagawa ng kabalakyutan ay napatitibay.+ Gayundin, sinusubok nila ang Diyos at lagi silang nakatatakas.’ ”+ 16  Nang panahong iyon ay nagsalita sa isa’t isa yaong mga natatakot kay Jehova,+ bawat isa ay sa kaniyang kasamahan, at si Jehova ay patuloy na nagbigay-pansin at nakinig.+ At isang aklat ng alaala ang pinasimulang isulat sa harap niya+ para sa mga natatakot kay Jehova at para sa mga palaisip sa kaniyang pangalan.+ 17  “At sila ay tiyak na magiging akin,”+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, “sa araw na ako ay maglalabas ng isang pantanging pag-aari.+ At mahahabag ako sa kanila, gaya ng pagkahabag ng isang tao sa kaniyang anak na naglilingkod sa kaniya.+ 18  At tiyak na makikita ninyong muli ang pagkakaiba sa pagitan ng matuwid at ng balakyot,+ sa pagitan ng isa na naglilingkod sa Diyos at ng isa na hindi naglilingkod sa kaniya.”+

Talababa