Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Levitico 3:1-17

3  “‘At kung ang kaniyang handog ay haing pansalu-salo,+ kung ihahandog niya iyon mula sa bakahan, lalaki man o babae, yaong malusog+ ang ihahandog niya sa harap ni Jehova.  At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo+ ng kaniyang handog, at papatayin iyon sa pasukan ng tolda ng kapisanan; at iwiwisik ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote, ang dugo sa palibot ng altar.  At ihahandog niya ang ilang bahagi ng haing pansalu-salo bilang handog na pinaraan sa apoy para kay Jehova, samakatuwid ay ang taba+ na bumabalot sa mga bituka, lahat nga ng taba na nasa ibabaw ng mga bituka,+  at ang dalawang bato+ at ang taba na nasa ibabaw ng mga iyon, yaon ngang nasa mga balakang. At kung tungkol sa lamad na nasa ibabaw ng atay, aalisin niya iyon kasama ng mga bato.  At pauusukin+ iyon ng mga anak ni Aaron+ sa ibabaw ng altar, sa ibabaw ng handog na sinusunog na nasa ibabaw ng kahoy+ na nasa apoy, bilang handog na pinaraan sa apoy na nakagiginhawang amoy+ para kay Jehova.  “‘At kung ang kaniyang handog ay mula sa kawan bilang haing pansalu-salo para kay Jehova, isang lalaki o isang babae, yaong malusog+ ang ihahandog niya.  Kung ang ihahandog niya ay isang batang barakong tupa bilang kaniyang handog, ihahandog nga niya iyon sa harap ni Jehova.+  At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo+ ng kaniyang handog, at papatayin+ iyon sa harap ng tolda ng kapisanan; at iwiwisik ng mga anak ni Aaron ang dugo nito sa palibot ng altar.  At mula sa haing pansalu-salo ay ihahandog niya ang taba nito bilang handog na pinaraan sa apoy para kay Jehova.+ Ang buong matabang buntot+ ang aalisin niya malapit sa gulugod, at ang taba na bumabalot sa mga bituka, lahat nga ng taba na nasa ibabaw ng mga bituka,+ 10  at ang dalawang bato at ang taba na nasa ibabaw ng mga iyon, yaon ngang nasa mga balakang. At kung tungkol sa lamad+ na nasa ibabaw ng atay, aalisin niya iyon kasama ng mga bato. 11  At pauusukin+ iyon ng saserdote sa ibabaw ng altar bilang pagkain,+ isang handog na pinaraan sa apoy para kay Jehova. 12  “‘At kung ang kaniyang handog ay isang kambing,+ ihahandog nga niya iyon sa harap ni Jehova. 13  At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo nito,+ at papatayin+ iyon sa harap ng tolda ng kapisanan; at iwiwisik ng mga anak ni Aaron ang dugo nito sa palibot ng altar. 14  At mula roon ay ihahandog niya bilang kaniyang handog, bilang handog na pinaraan sa apoy para kay Jehova, ang taba na bumabalot sa mga bituka, lahat nga ng taba na nasa ibabaw ng mga bituka,+ 15  at ang dalawang bato at ang taba na nasa ibabaw ng mga iyon, yaon ngang nasa mga balakang. At kung tungkol sa lamad na nasa ibabaw ng atay, aalisin niya iyon kasama ng mga bato. 16  At pauusukin ng saserdote ang mga iyon sa ibabaw ng altar bilang pagkain, isang handog na pinaraan sa apoy bilang nakagiginhawang amoy. Ang lahat ng taba ay kay Jehova.+ 17  “‘Ito ay isang batas hanggang sa panahong walang takda para sa inyong mga salinlahi, sa lahat ng inyong mga tahanang dako: Huwag kayong kakain ng anumang taba o ng anumang dugo.’”+

Talababa