Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Levitico 2:1-16

2  “‘At kung may kaluluwang maghahandog ng handog na mga butil bilang handog+ kay Jehova, ang kaniyang handog ay dapat na mainam na harina;+ at bubuhusan niya ito ng langis at lalagyan niya ito ng olibano.  At dadalhin niya ito sa mga anak ni Aaron, na mga saserdote, at ang saserdote ay dadakot mula rito ng kaniyang sandakot ng mainam na harina nito at ng langis nito kasama na ang lahat ng olibano nito; at pauusukin niya ito bilang tagapagpaalaala+ nito sa ibabaw ng altar, bilang handog na pinaraan sa apoy na nakagiginhawang amoy para kay Jehova.  At ang matitira sa handog na mga butil ay kay Aaron at sa kaniyang mga anak,+ bilang kabanal-banalang bagay+ mula sa mga handog kay Jehova na pinaraan sa apoy.  “‘At kung ihahandog mo bilang handog ang isang handog na mga butil na niluto sa pugon, iyon ay dapat na gawa mula sa mainam na harina, mga tinapay na hugis-singsing+ na walang pampaalsa na nilagyan ng langis o maninipis na tinapay na walang pampaalsa+ na pinahiran ng langis.+  “‘At kung ang iyong handog ay handog na mga butil mula sa ihawan,+ iyon ay dapat na gawa mula sa mainam na harina na nilagyan ng langis at walang pampaalsa.  Pagpuputul-putulin iyon, at bubuhusan mo iyon ng langis.+ Iyon ay handog na mga butil.  “‘At kung ang iyong handog ay handog na mga butil mula sa kawa, iyon ay dapat na gawa mula sa mainam na harina na may langis.  At dadalhin mo kay Jehova ang handog na mga butil na gawa mula sa mga ito; at dadalhin iyon sa saserdote at ilalapit niya iyon sa altar.  At ang saserdote ay kukuha mula sa handog na mga butil bilang tagapagpaalaala+ niyaon at pauusukin niya iyon sa ibabaw ng altar, bilang handog na pinaraan sa apoy na nakagiginhawang amoy para kay Jehova.+ 10  At ang matitira sa handog na mga butil ay kay Aaron at sa kaniyang mga anak, bilang kabanal-banalang bagay mula sa mga handog kay Jehova na idinaan sa apoy.+ 11  “‘Walang handog na mga butil na ihahandog ninyo kay Jehova ang gagawing bagay na may lebadura,+ sapagkat hindi kayo magpapausok ng pinaasim na masa at ng pulot-pukyutan bilang handog na pinaraan sa apoy para kay Jehova. 12  “‘Bilang handog na mga unang bunga+ ay ihahandog ninyo kay Jehova ang mga iyon, at ang mga iyon ay hindi sasampa sa altar upang maging nakagiginhawang amoy. 13  “‘At ang lahat ng handog mula sa iyong handog na mga butil ay titimplahan mo ng asin;+ at huwag mong pababayaang mawala ang asin ng tipan+ ng iyong Diyos mula sa iyong handog na mga butil. Ang lahat ng iyong handog ay ihahandog mong may asin. 14  “‘At kung ihahandog mo kay Jehova ang handog na mga butil ng mga unang hinog na bunga, maghahandog ka ng mga luntiang uhay na inihaw sa apoy, ang mga ligis ng bagong butil, bilang handog na mga butil ng iyong mga unang hinog na bunga.+ 15  At bubuhusan mo iyon ng langis at lalagyan mo iyon ng olibano. Iyon ay handog na mga butil.+ 16  At pauusukin ng saserdote ang tagapagpaalaala+ niyaon, samakatuwid ay ang bahagi ng mga ligis at langis nito, kasama ng lahat ng olibano nito, bilang handog na pinaraan sa apoy para kay Jehova.

Talababa