Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Levitico 15:1-33

15  At si Jehova ay patuloy na nagsalita kay Moises at kay Aaron, na sinasabi:  “Magsalita kayo sa mga anak ni Israel, at sabihin ninyo sa kanila, ‘Kung ang sinumang lalaki ay may agas+ mula sa kaniyang ari, ang kaniyang agas ay marumi.  At ito ang magiging karumihan niya dahil sa kaniyang agas: Ang kaniyang ari man ay nilalabasan ng agas o ang kaniyang ari ay nagbabara dahil sa kaniyang agas, iyon ay kaniyang karumihan.  “‘Anumang higaan ang mahigaan ng isang inaagasan ay magiging marumi, at anumang bagay ang maupuan niya ay magiging marumi.  At ang isang tao na makahipo ng kaniyang higaan ay maglalaba ng kaniyang mga kasuutan, at siya ay maliligo sa tubig at magiging marumi hanggang sa gabi.+  At sinumang umupo sa bagay na inupuan ng isang inaagasan ay maglalaba+ ng kaniyang mga kasuutan, at siya ay maliligo sa tubig at magiging marumi hanggang sa gabi.  At sinumang humipo sa laman ng isang inaagasan+ ay maglalaba ng kaniyang mga kasuutan, at siya ay maliligo sa tubig at magiging marumi hanggang sa gabi.+  At kung maduraan ng isang inaagasan ang sinumang malinis, lalabhan niya ang kaniyang mga kasuutan at maliligo sa tubig at magiging marumi hanggang sa gabi.  At ang alinmang síya+ na masakyan ng isang inaagasan ay magiging marumi. 10  At sinumang humipo ng anumang bagay na napalagay sa ilalim niya ay magiging marumi hanggang sa gabi; at ang magdadala ng mga iyon ay maglalaba ng kaniyang mga kasuutan, at siya ay maliligo sa tubig at magiging marumi hanggang sa gabi. 11  At ang sinumang mahipo ng isang inaagasan+ kung hindi siya nakapagbanlaw ng kaniyang mga kamay sa tubig ay maglalaba nga ng kaniyang mga kasuutan at maliligo sa tubig at magiging marumi hanggang sa gabi. 12  At ang sisidlang luwad na mahipo ng isang inaagasan ay babasagin;+ at anumang sisidlang kahoy+ ay babanlawan ng tubig. 13  “‘At kung ang isang inaagasan ay maging malinis mula sa kaniyang agas, siya ay bibilang nga sa ganang kaniya ng pitong araw para sa kaniyang pagpapadalisay,+ at lalabhan niya ang kaniyang mga kasuutan at paliliguan ang kaniyang laman sa sariwang tubig;+ at siya ay magiging malinis. 14  At sa ikawalong araw ay kukuha siya para sa kaniyang sarili ng dalawang batu-bato+ o dalawang inakáy na kalapati, at paroroon siya sa harap ni Jehova sa pasukan ng tolda ng kapisanan at ibibigay niya ang mga iyon sa saserdote. 15  At ihahandog ng saserdote ang mga iyon, ang isa ay bilang handog ukol sa kasalanan at ang isa naman ay bilang handog na sinusunog;+ at ang saserdote ay magbabayad-sala para sa kaniya sa harap ni Jehova may kinalaman sa kaniyang agas. 16  “‘At kung ang isang lalaki ay labasan ng semilya,+ paliliguan nga niya ang kaniyang buong laman sa tubig at magiging marumi hanggang sa gabi. 17  At anumang kasuutan at anumang balat na malagyan ng lumabas na semilya ay huhugasan ng tubig at magiging marumi hanggang sa gabi.+ 18  “‘Kung tungkol sa isang babae na masipingan ng isang lalaki na nilabasan ng semilya, sila ay maliligo sa tubig at magiging marumi+ hanggang sa gabi. 19  “‘At kung ang isang babae ay inaagasan, at ang kaniyang agas sa kaniyang laman ay dugo,+ siya ay mananatili nang pitong araw sa kaniyang karumihan+ sa pagreregla,+ at sinumang humipo sa kaniya ay magiging marumi hanggang sa gabi. 20  At anumang bagay na mahigaan niya sa kaniyang karumihan sa pagreregla ay magiging marumi,+ at lahat ng maupuan niya ay magiging marumi. 21  At sinumang humipo ng kaniyang higaan ay maglalaba ng kaniyang mga kasuutan, at siya ay maliligo sa tubig at magiging marumi hanggang sa gabi.+ 22  At sinumang humipo ng anumang bagay na kaniyang inupuan ay maglalaba ng kaniyang mga kasuutan, at siya ay maliligo sa tubig at magiging marumi hanggang sa gabi.+ 23  At kung ang kaniyang inupuan ay higaan o iba pang bagay, kapag hinipo+ niya iyon ay magiging marumi siya hanggang sa gabi. 24  At kung ang isang lalaki ay sumiping sa kaniya at ang kaniyang karumihan sa pagreregla ay mapasalalaki,+ ito ay magiging marumi nga nang pitong araw, at alinmang higaan na mahigaan nito ay magiging marumi. 25  “‘Kung tungkol sa isang babae, kung ang agas ng kaniyang dugo ay umagos nang maraming araw+ gayong hindi naman iyon ang karaniwang panahon ng kaniyang karumihan sa pagreregla,+ o kung agusan siya nang mas matagal kaysa sa kaniyang karumihan sa pagreregla, ang lahat ng mga araw ng kaniyang maruming agas ay magiging gaya ng mga araw ng kaniyang karumihan sa pagreregla. Siya ay marumi. 26  Alinmang higaan na kaniyang mahigaan sa alinmang araw ng kaniyang agas ay magiging higaan niya ng kaniyang karumihan sa pagreregla,+ at anumang bagay na kaniyang maupuan ay magiging marumi tulad ng karumihan ng kaniyang karumihan sa pagreregla. 27  At sinumang humipo+ sa mga iyon ay magiging marumi, at siya ay maglalaba ng kaniyang mga kasuutan at maliligo sa tubig at magiging marumi hanggang sa gabi. 28  “‘Ngunit, kung siya ay maging malinis na mula sa kaniyang agas, siya ay bibilang din sa ganang kaniya ng pitong araw, at pagkatapos ay magiging malinis siya.+ 29  At sa ikawalong araw ay kukuha siya para sa kaniyang sarili ng dalawang batu-bato+ o dalawang inakáy na kalapati, at dadalhin niya ang mga iyon sa saserdote sa pasukan ng tolda ng kapisanan.+ 30  At ihahandog ng saserdote ang isa bilang handog ukol sa kasalanan at ang isa naman bilang handog na sinusunog;+ at ang saserdote ay magbabayad-sala+ para sa kaniya sa harap ni Jehova may kinalaman sa kaniyang maruming agas. 31  “‘At iingatan ninyong hiwalay ang mga anak ni Israel mula sa kanilang karumihan, upang hindi sila mamatay sa kanilang karumihan dahil sa pagpaparungis nila ng aking tabernakulo, na nasa gitna nila.+ 32  “‘Ito ang kautusan tungkol sa lalaking inaagasan+ at sa lalaking nilalabasan ng semilya+ anupat nagiging marumi siya dahil doon; 33  at sa babaing nireregla+ sa kaniyang karumihan, at sa sinumang inaagusan ng kaniyang agas,+ lalaki man o babae, at kung ang isang lalaki ay sumiping sa isang babaing marumi.’”

Talababa