Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Levitico 11:1-47

11  At nagsalita si Jehova kay Moises at kay Aaron, na sinasabi sa kanila:  “Salitain ninyo sa mga anak ni Israel, na sinasabi, ‘Ito ang nilalang na buháy na makakain+ ninyo sa lahat ng hayop na nasa ibabaw ng lupa:  Bawat nilalang na may hati ang kuko at may biyak ang mga kuko at ngumunguya ng dating kinain sa gitna ng mga hayop, iyon ang makakain ninyo.+  “‘Gayunma’y ito ang hindi ninyo kakainin sa mga ngumunguya ng dating kinain at sa mga may hati ang kuko: ang kamelyo, sapagkat ito ay ngumunguya ng dating kinain ngunit walang hati ang kuko. Ito ay marumi para sa inyo.+  Gayundin ang kuneho sa batuhan,+ sapagkat ito ay ngumunguya ng dating kinain ngunit walang hati ang kuko. Ito ay marumi para sa inyo.  Gayundin ang kuneho,+ sapagkat ito ay ngumunguya ng dating kinain ngunit wala itong hati sa kuko. Ito ay marumi para sa inyo.  Gayundin ang baboy,+ sapagkat ito ay may hati sa kuko at may biyak sa kuko, ngunit hindi nito nginunguya ang dating kinain. Ito ay marumi para sa inyo.  Huwag ninyong kakainin ang alinman sa kanilang karne, at huwag ninyong hihipuin ang kanilang bangkay.+ Ang mga iyon ay marumi para sa inyo.+  “‘Ito ang makakain ninyo sa lahat ng nasa tubig:+ Lahat ng may mga palikpik at mga kaliskis+ sa tubig, sa mga dagat at sa mga ilog, ang mga iyon ay makakain ninyo. 10  At lahat ng nasa mga dagat at mga ilog na walang palikpik at kaliskis, mula sa lahat ng nagkukulupong nilalang sa tubig at mula sa lahat ng kaluluwang buháy na nasa tubig, ang mga iyon ay karima-rimarim na bagay para sa inyo. 11  Oo, ang mga iyon ay magiging karima-rimarim na bagay sa inyo. Huwag ninyong kakainin ang alinman sa kanilang karne,+ at dapat kayong marimarim sa kanilang bangkay. 12  Ang lahat ng nasa tubig na walang palikpik at kaliskis ay karima-rimarim na bagay sa inyo. 13  “‘At ito ang magiging mga karima-rimarim sa inyo sa mga lumilipad na nilalang.+ Ang mga iyon ay hindi dapat kainin. Ang mga iyon ay karima-rimarim na bagay: ang agila+ at ang lawing-dagat at ang buwitreng itim, 14  at ang lawing pula at ang lawing itim+ ayon sa uri nito, 15  at lahat ng uwak+ ayon sa uri nito, 16  at ang avestruz+ at ang kuwago at ang golondrina at ang halkon ayon sa uri nito, 17  at ang munting kuwago at ang kormoran at ang kuwagong may mahahabang tainga,+ 18  at ang sisne at ang pelikano at ang buwitre,+ 19  at ang siguana, ang kandangaok ayon sa uri nito, at ang abubilya at ang paniki.+ 20  Lahat ng may-pakpak at nagkukulupong nilalang na lumalakad na may apat na paa ay karima-rimarim na bagay sa inyo.+ 21  “‘Gayunma’y ito ang makakain ninyo sa lahat ng may-pakpak at nagkukulupong nilalang na lumalakad na may apat na paa, yaong may mga panluksong binti sa itaas na bahagi ng kanilang mga paa na maipanlulukso sa lupa. 22  Ito ang mga makakain ninyo sa mga iyon: ang nandarayuhang balang+ ayon sa uri nito, at ang nakakaing balang+ ayon sa uri nito, at ang kuliglig ayon sa uri nito, at ang tipaklong+ ayon sa uri nito. 23  At lahat ng iba pang may-pakpak at nagkukulupong nilalang na may apat na paa ay karima-rimarim+ na bagay sa inyo. 24  Kaya dahil sa mga ito ay magiging marumi kayo. Lahat ng humipo sa kanilang mga bangkay ay magiging marumi hanggang sa gabi.+ 25  At lahat ng bumuhat ng alinman sa kanilang mga bangkay ay maglalaba+ ng kaniyang mga kasuutan, at siya ay magiging marumi hanggang sa gabi. 26  “‘Kung tungkol sa alinmang hayop na may hati ang kuko ngunit walang biyak at hindi ngumunguya ng dating kinain, ang mga iyon ay marumi para sa inyo. Lahat ng humipo sa mga iyon ay magiging marumi.+ 27  Kung tungkol sa bawat nilalang na inilalakad ang kaniyang mga pangalmot sa gitna ng lahat ng nilalang na buháy na lumalakad na may apat na paa, ang mga iyon ay marumi sa inyo. Lahat ng humipo sa kanilang mga bangkay ay magiging marumi hanggang sa gabi. 28  At ang bumuhat ng kanilang mga bangkay+ ay maglalaba ng kaniyang mga kasuutan,+ at siya ay magiging marumi hanggang sa gabi. Ang mga iyon ay marumi sa inyo. 29  “‘At ito ang marumi sa inyo sa mga nagkukulupong nilalang na nagkukulupon sa ibabaw ng lupa:+ ang dagang lupa at ang herboa+ at ang bayawak ayon sa uri nito, 30  at ang tuko na malalapad ang paa at ang malaking bayawak at ang butiking-tubig at ang bayawak-buhangin at ang hunyango. 31  Ang mga ito ay marurumi sa inyo sa lahat ng nagkukulupong nilalang.+ Lahat ng humipo sa mga iyon kapag patay na ang mga ito ay magiging marumi hanggang sa gabi.+ 32  “‘At anumang bagay na mahulugan ng alinman sa mga iyon kapag patay na ang mga ito ay magiging marumi, iyon man ay sisidlang kahoy+ o kasuutan o balat+ o telang-sako.+ Alinmang sisidlan na may pinaggagamitan ay ilulubog sa tubig, at iyon ay magiging marumi hanggang sa gabi at pagkatapos ay magiging malinis. 33  Kung tungkol sa anumang sisidlang luwad+ na mahulugan ng alinman sa mga iyon, anumang bagay na nasa loob niyaon ay magiging marumi, at babasagin ninyo iyon.+ 34  Anumang uri ng pagkaing makakain na mapapatakan ng tubig mula roon ay magiging marumi, at anumang inuming maiinom sa alinmang sisidlan ay magiging marumi. 35  At lahat ng mahulugan ng alinman sa kanilang mga bangkay ay magiging marumi. Maging pugon o patungan ng banga, iyon ay babasagin. Ang mga iyon ay marumi, at ang mga iyon ay magiging marumi sa inyo. 36  Tanging ang bukal at ang hukay ng natipong tubig ang mananatiling malinis, ngunit sinumang humipo sa kanilang mga bangkay ay magiging marumi. 37  At kung ang alinman sa kanilang mga bangkay ay mahulog sa anumang binhi ng tanim na ihahasik, iyon ay malinis. 38  Ngunit kung ang binhi ay malagyan ng tubig at ang anumang mula sa kanilang mga bangkay ay mahulog doon, iyon ay marumi sa inyo. 39  “‘At kung ang anumang hayop ninyo na makakain ay mamatay, ang humipo sa bangkay nito ay magiging marumi hanggang sa gabi.+ 40  At ang kumain+ ng anumang mula sa bangkay nito ay maglalaba ng kaniyang mga kasuutan, at siya ay magiging marumi hanggang sa gabi; at ang bumuhat ng bangkay nito ay maglalaba ng kaniyang mga kasuutan, at siya ay magiging marumi hanggang sa gabi. 41  At lahat ng nagkukulupong nilalang na nagkukulupon sa ibabaw ng lupa ay karima-rimarim na bagay.+ Hindi iyon kakainin. 42  Kung tungkol sa alinmang nilalang na inilalakad ang kaniyang tiyan+ at alinmang nilalang na lumalakad na may apat na paa o maraming paa mula sa lahat ng nagkukulupong nilalang na nagkukulupon sa ibabaw ng lupa, huwag ninyong kakainin ang mga iyon, sapagkat ang mga iyon ay karima-rimarim na bagay.+ 43  Huwag ninyong gawing karima-rimarim ang inyong mga kaluluwa dahil sa alinmang nagkukulupong nilalang na nagkukulupon, at huwag kayong magpapakarumi dahil sa mga iyon at maging marumi nga dahil sa mga iyon.+ 44  Sapagkat ako ay si Jehova na inyong Diyos;+ at pabanalin ninyo ang inyong sarili at magpakabanal kayo,+ sapagkat ako ay banal.+ Kaya huwag ninyong parumihin ang inyong mga kaluluwa dahil sa alinmang nagkukulupong nilalang na gumagala sa ibabaw ng lupa. 45  Sapagkat ako ay si Jehova na nag-ahon sa inyo mula sa lupain ng Ehipto upang ako ay maging Diyos sa inyo;+ at magpakabanal kayo,+ sapagkat ako ay banal.+ 46  “‘Ito ang kautusan tungkol sa hayop at sa lumilipad na nilalang at sa lahat ng kaluluwang buháy na gumagalaw sa tubig+ at may kinalaman sa lahat ng kaluluwang nagkukulupon sa ibabaw ng lupa, 47  upang makilala ang pagkakaiba+ sa pagitan ng marumi at ng malinis at sa pagitan ng nilalang na buháy na makakain at ng nilalang na buháy na hindi makakain.’”

Talababa