Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Kawikaan 8:1-36

8  Hindi ba patuloy na tumatawag ang karunungan,+ at ang kaunawaan ay patuloy na naglalakas ng kaniyang tinig?+  Sa taluktok ng matataas na dako,+ sa tabi ng daan, sa may salubungan ng mga landas ay nakatayo ito.  Sa tabi ng mga pintuang-daan, sa bukana ng bayan,+ sa entrada ng mga pasukan ay patuloy itong sumisigaw nang malakas:+  “Sa inyo, O mga tao, ay tumatawag ako, at ang aking tinig ay sa mga anak ng mga tao.+  O mga walang-karanasan, unawain ninyo ang katalinuhan;+ at kayong mga hangal, unawain ninyo ang puso.+  Makinig kayo, sapagkat tungkol sa pangunahing mga bagay ang aking sinasalita,+ at ang buka ng aking mga labi ay tungkol sa katapatan.+  Sapagkat ang aking ngalangala ay pabulong na bumibigkas ng katotohanan;+ at ang kabalakyutan ay karima-rimarim sa aking mga labi.+  Ang lahat ng pananalita ng aking bibig ay sa katuwiran.+ Sa mga iyon ay walang anumang pilipit o liko.+  Ang lahat ng mga iyon ay tuwid sa may pang-unawa, at matuwid sa mga nakasusumpong ng kaalaman.+ 10  Tanggapin ninyo ang aking disiplina at huwag ang pilak, at ang kaalaman sa halip na piling ginto.+ 11  Sapagkat ang karunungan ay mas mabuti kaysa sa mga korales,+ at ang lahat ng iba pang kaluguran ay hindi maipapantay rito.+ 12  “Ako, ang karunungan, ako ay tumahang kasama ng katalinuhan+ at nasusumpungan ko ang kaalaman sa mga kakayahang mag-isip.+ 13  Ang pagkatakot kay Jehova ay nangangahulugan ng pagkapoot sa masama.+ Ang pagtataas sa sarili at pagmamapuri+ at ang masamang lakad at ang tiwaling bibig+ ay kinapopootan ko. 14  Ako ay may payo+ at praktikal na karunungan.+ Ako—ang pagkaunawa;+ ako ay may kapangyarihan.+ 15  Sa pamamagitan ko ay naghahari ang mga hari, at ang matataas na opisyal ay nagtatalaga ng katuwiran.+ 16  Sa pamamagitan ko ay namamahala ang mga prinsipe bilang mga prinsipe,+ at ang lahat ng mga taong mahal ay humahatol sa katuwiran.+ 17  Yaong mga umiibig sa akin ay iniibig ko,+ at yaong mga humahanap sa akin ang siyang nakasusumpong sa akin.+ 18  Ang kayamanan at ang kaluwalhatian ay nasa akin,+ mga pamanang yaman at katuwiran.+ 19  Ang aking bunga ay mas mabuti kaysa sa ginto, kaysa sa dalisay na ginto, at ang aking ani kaysa sa piling pilak.+ 20  Lumalakad ako sa landas ng katuwiran,+ sa gitna ng mga daan ng kahatulan,+ 21  upang pangyarihing magmay-ari ng yaman yaong mga umiibig sa akin;+ at ang kanilang mga imbakan ay pinananatili kong punô.+ 22  “Ginawa ako ni Jehova bilang ang pasimula ng kaniyang lakad,+ ang kauna-unahan sa kaniyang mga nagawa noong sinaunang panahon.+ 23  Mula nang panahong walang takda ay itinalaga na ako,+ mula nang pasimula, mula nang mga panahong nauna pa sa lupa.+ 24  Noong wala pang matubig na mga kalaliman ay iniluwal ako na waring may kasabay na mga kirot ng pagdaramdam,+ noong wala pang mga bukal na lubhang tigib ng tubig. 25  Bago pa nalagay ang mga bundok,+ una pa sa mga burol, ako ay iniluwal na waring may kasabay na mga kirot ng pagdaramdam, 26  noong hindi pa niya nagagawa ang lupa+ at ang mga hantad na lugar at ang unang bahagi ng makapal na alabok sa mabungang lupain.+ 27  Nang ihanda niya ang langit ay naroroon ako;+ nang magtalaga siya ng bilog sa ibabaw ng matubig na kalaliman,+ 28  nang itatag niya ang kaulapan sa itaas,+ nang patibayin niya ang mga bukal ng matubig na kalaliman,+ 29  nang itakda niya sa dagat ang kaniyang batas na ang tubig ay hindi dapat lumampas sa kaniyang iniutos,+ nang italaga niya ang mga pundasyon ng lupa,+ 30  noon ay nasa piling niya ako bilang isang dalubhasang manggagawa,+ at ako ang siyang lubhang kinagigiliwan+ niya araw-araw, at ako ay nagagalak sa harap niya sa lahat ng panahon,+ 31  na nagagalak sa mabungang lupain ng kaniyang lupa,+ at ang mga kinagigiliwan ko ay nasa mga anak ng mga tao.+ 32  “At ngayon, O mga anak, makinig kayo sa akin; oo, maligaya ang mga nag-iingat ng aking mga daan.+ 33  Makinig kayo sa disiplina at magpakarunong,+ at huwag kayong magpakita ng anumang kapabayaan.+ 34  Maligaya ang taong nakikinig sa akin sa pamamagitan ng pananatiling gising sa aking mga pintuan araw-araw, sa pamamagitan ng pagbabantay sa mga poste ng aking mga pasukan.+ 35  Sapagkat yaong nakasusumpong sa akin ay tiyak na makasusumpong ng buhay,+ at nagtatamo ng kabutihang-loob mula kay Jehova.+ 36  Ngunit ang sumasala sa akin ay gumagawa ng karahasan sa kaniyang kaluluwa;+ ang lahat niyaong masidhing napopoot sa akin ang siyang umiibig sa kamatayan.”+

Talababa