Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Kawikaan 7:1-27

7  Anak ko, tuparin mo ang aking mga pananalita,+ at pakaingatan mo nawa sa iyo ang aking mga utos.+  Ingatan mo ang aking mga utos at patuloy kang mabuhay,+ at ang aking kautusan tulad ng balintataw+ ng iyong mga mata.  Itali mo ang mga iyon sa iyong mga daliri,+ at isulat mo sa tapyas ng iyong puso.+  Sabihin mo sa karunungan:+ “Ikaw ay aking kapatid na babae”; at ang pagkaunawa ay tawagin mo nawang “Kamag-anak na Babae,”  upang bantayan ka laban sa babaing di-kilala,+ laban sa banyaga na nagpapadulas ng kaniyang mga pananalita.+  Sapagkat sa bintana ng aking bahay, sa pagitan ng aking sala-sala+ ay dumungaw ako,  upang mapagmasdan ko ang mga walang-karanasan.+ Ibig kong makapagsuri sa gitna ng mga anak na lalaki ng isang kabataang lalaki na kapos ang puso,+  na dumaraan sa lansangang malapit sa kaniyang panulukan, at sa daang patungo sa kaniyang bahay ay humahayo ito,+  sa takipsilim, sa kinagabihan ng araw,+ sa pagsapit ng gabi at ng karimlan. 10  At, narito! may babaing sumasalubong sa kaniya, na may kasuutan ng patutot+ at katusuhan ng puso. 11  Siya ay maingay at sutil.+ Ang kaniyang mga paa ay hindi namamalagi sa kaniyang bahay.+ 12  Ngayon ay nasa labas siya, ngayon ay nasa mga liwasan siya,+ at nag-aabang siya sa tabi ng bawat panulukan.+ 13  At sinunggaban niya ang lalaki at hinalikan niya ito.+ Tinapangan niya ang kaniyang mukha, at pinasimulan niyang sabihin sa kaniya: 14  “Ang mga haing pansalu-salo ay naatang sa akin.+ Ngayon ay tinupad ko ang aking mga panata.+ 15  Kaya naman lumabas ako upang salubungin ka, upang hanapin ang iyong mukha, upang masumpungan kita. 16  Nilatagan ko ng mga kubrekama ang aking kama, ng mga bagay na may sari-saring kulay, ng lino ng Ehipto.+ 17  Nilagyan ko ang aking higaan ng mira, aloe at kanela.+ 18  Halika, inumin natin ang kalubusan ng ating pag-ibig hanggang sa umaga; masiyahan tayo sa isa’t isa sa mga kapahayagan ng pag-ibig.+ 19  Sapagkat ang asawang lalaki ay wala sa kaniyang bahay; naglakbay siya sa malayo.+ 20  Isang supot ng salapi ang dala niya sa kaniyang kamay. Sa araw ng kabilugan ng buwan ay uuwi siya sa kaniyang bahay.” 21  Iniligaw siya ng babae sa pamamagitan ng maraming panghihikayat nito.+ Sa pamamagitan ng dulas ng mga labi nito ay inaakit siya nito.+ 22  Kaagad niya itong sinundan,+ tulad ng toro na pumaparoon sa patayan, at para bang kinabitan ng pangaw na pandisiplina sa taong mangmang, 23  hanggang sa biyakin ng palaso ang kaniyang atay,+ gaya ng ibong nagmamadali sa pagpasok sa bitag,+ at hindi niya nalalamang nasasangkot dito ang kaniya mismong kaluluwa.+ 24  At ngayon, O mga anak, makinig kayo sa akin at magbigay-pansin kayo sa mga pananalita ng aking bibig.+ 25  Ang iyong puso ay huwag nawang lumiko sa kaniyang mga daan. Huwag kang gumala-gala sa kaniyang mga landas.+ 26  Sapagkat marami na siyang naibuwal na patay,+ at ang lahat ng kaniyang napapatay ay marami.+ 27  Ang kaniyang bahay ay mga daang patungo sa Sheol;+ ang mga iyon ay pababa sa mga loobang silid ng kamatayan.+

Talababa