Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Kawikaan 26:1-28

26  Tulad ng niyebe sa tag-araw at tulad ng ulan sa panahon ng pag-aani,+ ang kaluwalhatian ay hindi rin nararapat sa hangal.+  Gaya ng ibong may dahilan sa pagtakas at gaya ng langay-langayan sa paglipad, ang sumpa ay hindi rin dumarating nang walang tunay na dahilan.+  Ang panghagupit ay para sa kabayo,+ ang renda+ ay para sa asno, at ang pamalo ay para sa likod ng mga taong hangal.+  Huwag mong sagutin ang sinumang hangal ayon sa kaniyang kamangmangan, upang hindi ka rin maging katulad niya.+  Sagutin mo ang hangal ayon sa kaniyang kamangmangan, upang hindi siya maging marunong sa kaniyang sariling paningin.+  Gaya ng isa na pumuputol ng kaniyang mga paa, gaya ng isa na umiinom ng karahasan, gayon siya na naglalagak ng mga bagay sa kamay ng hangal.+  Sumalok ba ng tubig ang mga binti ng pilay? Kung gayon ay may kawikaan sa bibig ng mga taong hangal.+  Tulad ng isa na nagtatago ng bato sa bunton ng mga bato, gayon ang isa na nagbibigay ng kaluwalhatian sa isang hangal.+  Kung paanong ang matinik na panirang-damo ay napasakamay ng lasenggo, gayon ang kawikaan sa bibig ng mga taong hangal.+ 10  Gaya ng mamamana na umuulos ng lahat ng bagay ay gayon ang umuupa sa hangal+ o ang umuupa sa mga nagdaraan. 11  Tulad ng asong bumabalik sa kaniyang suka, inuulit ng hangal ang kaniyang kamangmangan.+ 12  Nakakita ka na ba ng taong marunong sa kaniyang sariling paningin?+ May higit pang pag-asa para sa hangal+ kaysa sa kaniya. 13  Sinasabi ng tamad: “May batang leon sa daan, isang leon sa gitna ng mga liwasan.”+ 14  Ang pinto ay pumipihit sa paikutan nito, at ang tamad sa kaniyang higaan.+ 15  Itinatago ng tamad ang kaniyang kamay sa mangkok na pampiging; labis siyang nanghihimagod upang ibalik iyon sa kaniyang bibig.+ 16  Ang tamad ay mas marunong sa kaniyang sariling paningin+ kaysa sa pito na tumutugon nang may katinuan. 17  Gaya ng isa na sumusunggab sa mga tainga ng aso ang sinumang dumaraan na ikinagagalit ang pag-aaway na hindi kaniya.+ 18  Tulad ng baliw na nagpapahilagpos ng nagliliyab na mga suligi,+ mga palaso at kamatayan, 19  gayon ang taong nandaraya sa kaniyang kapuwa at nagsasabi: “Hindi ba nagbibiro lamang ako?”+ 20  Kung saan walang kahoy ay namamatay ang apoy, at kung saan walang maninirang-puri ay natitigil ang pagtatalo.+ 21  Gaya ng uling para sa mga baga at ng kahoy para sa apoy, gayon ang taong mahilig makipagtalo na nagpapaningas ng pag-aaway.+ 22  Ang mga salita ng isang maninirang-puri ay tulad ng mga bagay na nilululon nang may kasibaan, na bumababa sa mga kaloob-loobang bahagi ng tiyan.+ 23  Gaya ng pampakintab na pilak na ikinakalupkop sa bibingang luwad ang maaalab na labi na may masamang puso.+ 24  Ang napopoot ay nagbabalatkayo sa pamamagitan ng kaniyang mga labi, ngunit sa loob niya ay naglalagay siya ng panlilinlang.+ 25  Bagaman ginagawa niyang magiliw ang kaniyang tinig,+ huwag mo siyang paniwalaan,+ sapagkat may pitong karima-rimarim na bagay+ sa kaniyang puso. 26  Ang pagkapoot ay tinatakpan ng panlilinlang. Ang kaniyang kasamaan ay malalantad sa kongregasyon.+ 27  Siyang dumudukal ng hukay ay doon din mahuhulog,+ at siyang nagpapagulong ng bato—sa kaniya rin iyon babalik.+ 28  Ang dilang bulaan ay napopoot sa isa na sinisiil nito,+ at ang bibig na labis na mapamuri ay nagpapangyari ng pagbagsak.+

Talababa