Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Kawikaan 15:1-33

15  Ang sagot, kapag mahinahon, ay pumapawi ng pagngangalit,+ ngunit ang salitang nakasasakit ay pumupukaw ng galit.+  Ang dila ng marurunong ay gumagawa ng mabuti dahil sa kaalaman,+ ngunit ang bibig ng mga hangal ay binubukalan ng kamangmangan.+  Ang mga mata ni Jehova ay nasa lahat ng dako,+ nagbabantay sa masasama at sa mabubuti.+  Ang kahinahunan ng dila ay punungkahoy ng buhay,+ ngunit ang pagpilipit nito ay pagkalugmok ng espiritu.+  Ang sinumang mangmang ay nagwawalang-galang sa disiplina ng kaniyang ama,+ ngunit ang sinumang nagpapakundangan sa saway ay matalino.+  Sa bahay ng matuwid ay sagana ang nakaimbak,+ ngunit sa ani ng balakyot ay may pagsumpa.+  Ang mga labi ng marurunong ay laging nagsasabog ng kaalaman,+ ngunit ang puso ng mga hangal ay hindi gayon.+  Ang hain ng mga balakyot ay karima-rimarim kay Jehova,+ ngunit ang panalangin ng mga matuwid ay kalugud-lugod sa kaniya.+  Ang lakad ng balakyot ay karima-rimarim kay Jehova,+ ngunit ang nagtataguyod ng katuwiran ay iniibig niya.+ 10  Ang disiplina ay masama sa isa na lumilihis ng landas;+ ang sinumang napopoot sa saway ay mamamatay.+ 11  Ang Sheol at ang dako ng pagkapuksa+ ay nasa harap ni Jehova.+ Gaano pa kaya ang mga puso ng mga anak ng sangkatauhan!+ 12  Ang manunuya ay hindi umiibig sa sumasaway sa kaniya.+ Sa marurunong ay hindi siya paroroon.+ 13  Ang masayang puso ay may mabuting epekto sa mukha,+ ngunit dahil sa kirot sa puso ay may bagbag na espiritu.+ 14  Ang pusong may unawa ay yaong naghahanap ng kaalaman,+ ngunit ang bibig ng mga taong hangal ay yaong nagmimithi ng kamangmangan.+ 15  Ang lahat ng mga araw ng isang napipighati ay masama;+ ngunit ang may mabuting puso ay laging may piging.+ 16  Mas mabuti ang kaunti na may pagkatakot kay Jehova+ kaysa sa saganang panustos na may kasamang kalituhan.+ 17  Mas mabuti ang pagkaing gulay na doon ay may pag-ibig+ kaysa sa pinatabang toro na may kasamang poot.+ 18  Ang taong nagngangalit ay pumupukaw ng pagtatalo,+ ngunit ang mabagal sa pagkagalit ay nagpapatahimik ng pag-aaway.+ 19  Ang daan ng tamad ay tulad ng bakod na matinik na palumpong,+ ngunit ang landas ng mga matuwid ay patag na daan.+ 20  Ang anak na marunong ay yaong nagpapasaya sa ama,+ ngunit ang taong hangal ay humahamak sa kaniyang ina.+ 21  Ang kamangmangan ay kasayahan niyaong kapos ang puso,+ ngunit ang taong may kaunawaan ay yumayaong deretso sa unahan.+ 22  Nabibigo ang mga plano kung saan walang matalik na usapan,+ ngunit sa karamihan ng mga tagapayo ay may naisasagawa.+ 23  Ang tao ay may kasayahan sa sagot ng kaniyang bibig,+ at ang salita sa tamang panahon, O anong buti!+ 24  Ang landas ng buhay ay paitaas sa isa na kumikilos nang may kaunawaan,+ upang makaiwas sa Sheol sa ibaba.+ 25  Ang bahay ng mga palalo ay gigibain ni Jehova,+ ngunit itatatag niya ang hangganan ng babaing balo.+ 26  Ang mga pakana ng masama ay karima-rimarim kay Jehova,+ ngunit ang kaiga-igayang mga pananalita ay malinis.+ 27  Ang nagtitipon ng di-tapat na pakinabang ay nagdadala ng sumpa sa kaniyang sariling sambahayan,+ ngunit ang napopoot sa mga kaloob ang siyang mananatiling buháy.+ 28  Ang puso ng matuwid ay nagbubulay-bulay upang makasagot,+ ngunit ang bibig ng mga balakyot ay binubukalan ng masasamang bagay.+ 29  Si Jehova ay malayo sa mga balakyot,+ ngunit ang panalangin ng mga matuwid ay dinirinig niya.+ 30  Ang ningning ng mga mata+ ay nagpapasaya ng puso;+ ang mabuting ulat+ ay nagpapataba ng mga buto.+ 31  Ang taingang nakikinig sa saway+ ng buhay ay tumatahan sa gitna mismo ng mga taong marurunong.+ 32  Ang sinumang umiiwas sa disiplina+ ay nagtatakwil ng sarili niyang kaluluwa, ngunit ang nakikinig sa saway ay nagtatamo ng puso.+ 33  Ang pagkatakot kay Jehova ay disiplinang patungo sa karunungan,+ at bago ang kaluwalhatian ay may kapakumbabaan.+

Talababa