Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Kawikaan 13:1-25

13  Ang anak ay marunong kapag may disiplina ng ama,+ ngunit ang manunuya ay yaong hindi nakarinig ng pagsaway.+  Mula sa bunga ng kaniyang bibig ay kakain ng mabuti ang isang tao,+ ngunit ang mismong kaluluwa ng mga nakikitungo nang may kataksilan ay karahasan.+  Ang nagbabantay ng kaniyang bibig ay nag-iingat ng kaniyang kaluluwa.+ Ang nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi—magkakaroon siya ng kapahamakan.+  Ang tamad ay nagnanasa, ngunit ang kaniyang kaluluwa ay wala ni anuman.+ Gayunman, ang kaluluwa ng mga masikap ay patatabain.+  Ang bulaang salita ang siyang kinapopootan ng matuwid,+ ngunit ang mga balakyot ay gumagawi nang kahiya-hiya at nagpapangyari ng kanilang sariling pagkadusta.+  Ang katuwiran ay nag-iingat sa kaniya na ang lakad ay hindi mapaminsala,+ ngunit kabalakyutan ang gugupo sa makasalanan.+  May nagkukunwaring mayaman gayunma’y wala siyang anumang pag-aari;+ may nagkukunwaring dukha gayunma’y marami siyang mahahalagang pag-aari.  Ang pantubos sa kaluluwa ng isang tao ay ang kaniyang kayamanan,+ ngunit ang dukha ay hindi nakarinig ng pagsaway.+  Ang liwanag ng mga matuwid ay magsasaya;+ ngunit ang lampara ng mga balakyot—ito ay papatayin.+ 10  Dahil sa kapangahasan ang isa ay lumilikha lamang ng pagtatalo,+ ngunit sa mga nagsasanggunian ay may karunungan.+ 11  Ang mahahalagang pag-aaring nagmumula sa kawalang-kabuluhan ay kumakaunti,+ ngunit ang nagtitipon sa pamamagitan ng kamay ang siyang nagpaparami.+ 12  Ang inaasam na nagluluwat ay nagpapasakit ng puso,+ ngunit ang bagay na ninanasa ay punungkahoy ng buhay kapag ito ay dumating.+ 13  Siyang humahamak sa salita,+ aagawin sa kaniya ang panagot ng may utang; ngunit ang natatakot sa utos ang siyang gagantihan.+ 14  Ang kautusan ng marunong ay bukal ng buhay,+ upang ilayo ang isa mula sa mga silo ng kamatayan.+ 15  Ang mabuting kaunawaan ay nagbibigay ng lingap,+ ngunit ang daan niyaong mga nakikitungo nang may kataksilan ay baku-bako.+ 16  Ang bawat matalino ay gagawi nang may kaalaman,+ ngunit ang hangal ay magkakalat ng kamangmangan.+ 17  Ang mensaherong balakyot ay mahuhulog sa kasamaan,+ ngunit ang tapat na sugo ay kagalingan.+ 18  Ang nagpapabaya sa disiplina ay dumarating sa karalitaan at kasiraang-puri,+ ngunit ang nag-iingat ng saway ang siyang niluluwalhati.+ 19  Ang pagnanasang natupad ay kalugud-lugod sa kaluluwa;+ ngunit nakamumuhi sa mga hangal ang lumayo sa kasamaan.+ 20  Siyang lumalakad na kasama ng marurunong ay magiging marunong,+ ngunit siyang nakikipag-ugnayan sa mga hangal ay mapapariwara.+ 21  Mga makasalanan ang tinutugis ng kapahamakan,+ ngunit mga matuwid ang ginagantihan ng mabuti.+ 22  Ang isa na mabuti ay mag-iiwan ng mana sa mga anak ng mga anak, at ang yaman ng makasalanan ay nakaimbak para sa matuwid.+ 23  Ang inararong lupa ng mga taong dukha ay namumunga ng napakaraming pagkain,+ ngunit may nalilipol dahil sa kakulangan ng kahatulan.+ 24  Ang nag-uurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa kaniyang anak,+ ngunit ang umiibig sa kaniya ay yaong humahanap sa kaniya taglay ang disiplina.+ 25  Ang matuwid ay kumakain hanggang sa mabusog ang kaniyang kaluluwa,+ ngunit ang tiyan ng mga balakyot ay hindi malalagyan ng laman.+

Talababa