Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Kawikaan 12:1-28

12  Ang maibigin sa disiplina ay maibigin sa kaalaman,+ ngunit ang napopoot sa saway ay walang katuwiran.+  Ang isa na mabuti ay nagtatamo ng pagsang-ayon ni Jehova,+ ngunit ang taong may balakyot na mga kaisipan ay inaari niyang balakyot.+  Walang taong matibay na matatatag sa pamamagitan ng kabalakyutan;+ ngunit kung tungkol sa pinakaugat ng mga matuwid, hindi ito makikilos.+  Ang asawang babaing may kakayahan ay korona sa nagmamay-ari sa kaniya,+ ngunit ang babaing gumagawi nang kahiya-hiya+ ay parang kabulukan sa kaniyang mga buto.  Ang mga kaisipan ng mga matuwid ay kahatulan;+ ang pag-ugit ng mga balakyot ay panlilinlang.+  Ang mga salita ng mga balakyot ay pag-aabang sa dugo,+ ngunit ang bibig ng mga matuwid ang magliligtas sa kanila.+  Ibinabagsak ang mga balakyot at sila ay wala na,+ ngunit ang bahay ng mga matuwid ay mananatiling nakatayo.+  Dahil sa kaniyang bibig na may karunungan ay pupurihin ang isang tao,+ ngunit ang may pilipit na puso ay hahamakin.+  Mas mabuti ang isang itinuturing na mababa ngunit may tagapaglingkod kaysa sa isang lumuluwalhati sa kaniyang sarili ngunit kapos sa tinapay.+ 10  Pinangangalagaan ng matuwid ang kaluluwa ng kaniyang alagang hayop,+ ngunit ang kaawaan ng mga balakyot ay malupit.+ 11  Ang nagsasaka ng kaniyang lupa ay mabubusog din sa tinapay,+ ngunit ang nagtataguyod ng mga bagay na walang kabuluhan ay kapos ang puso.+ 12  Ninanasa ng balakyot ang nasilo sa lambat ng masasamang tao;+ ngunit kung tungkol sa ugat ng mga matuwid, ito ay nagbubunga.+ 13  Dahil sa pagsalansang ng mga labi ay nasisilo ang masamang tao,+ ngunit ang matuwid ay nakalalabas sa kabagabagan.+ 14  Mula sa bunga ng bibig ng isang tao ay nasisiyahan siya sa kabutihan,+ at ang mismong gawain ng mga kamay ng isang tao ay babalik sa kaniya.+ 15  Ang lakad ng mangmang ay tama sa kaniyang sariling paningin,+ ngunit ang nakikinig sa payo ay marunong.+ 16  Mangmang ang taong naghahayag ng kaniyang pagkayamot sa araw ring iyon,+ ngunit ang matalino ay nagtatakip ng kasiraang-puri.+ 17  Siyang nagbubunsod ng katapatan ay magsasabi ng matuwid,+ ngunit ang bulaang saksi, ng panlilinlang.+ 18  May isa na nagsasalita nang di-pinag-iisipan na gaya ng mga saksak ng tabak,+ ngunit ang dila ng marurunong ay kagalingan.+ 19  Ang labi ng katotohanan+ ang matibay na matatatag magpakailanman,+ ngunit ang dila ng kabulaanan ay magiging kasintagal lamang ng isang sandali.+ 20  Ang panlilinlang ay nasa puso niyaong mga kumakatha ng kapinsalaan,+ ngunit yaong mga nagpapayo ng kapayapaan ay may kasayahan.+ 21  Walang anumang nakasasakit ang mangyayari sa matuwid,+ ngunit ang mga balakyot ang siyang malilipos ng kapahamakan.+ 22  Ang mga labing bulaan ay karima-rimarim kay Jehova,+ ngunit yaong mga gumagawing may katapatan ay kalugud-lugod sa kaniya.+ 23  Ang taong matalino ay nagtatakip ng kaalaman,+ ngunit ang puso ng mga hangal ay naghahayag ng kamangmangan.+ 24  Ang kamay ng mga masikap ang siyang mamamahala,+ ngunit ang kamay na makupad ay mauukol sa puwersahang pagtatrabaho.+ 25  Ang pagkabalisa sa puso ng tao ang siyang magpapayukod nito,+ ngunit ang mabuting salita ang siyang nagpapasaya nito.+ 26  Ang matuwid ay nagsisiyasat sa kaniyang sariling pastulan, ngunit ang lakad ng mga balakyot ang nagliligaw sa kanila.+ 27  Ang pagkamakupad ay hindi makatutugis sa pangangasuhing mga hayop ng isa,+ ngunit ang masikap ay mahalagang yaman ng isang tao. 28  Sa landas ng katuwiran ay may buhay,+ at sa paglalakbay sa daan nito ay walang kamatayan.+

Talababa