Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Kawikaan 1:1-33

1  Ang mga kawikaan+ ni Solomon+ na anak ni David,+ na hari ng Israel,+  upang ang isa ay makaalam ng karunungan+ at disiplina,+ upang makakilala ng mga pananalita ng pagkaunawa,+  upang tumanggap ng disiplinang+ nagbibigay ng kaunawaan,+ katuwiran+ at kahatulan+ at katapatan,+  upang magbigay ng katalinuhan+ sa mga walang-karanasan, ng kaalaman+ at kakayahang mag-isip+ sa kabataan.  Ang taong marunong ay makikinig at kukuha ng higit pang turo,+ at ang taong may unawa ang siyang nagtatamo ng mahusay na patnubay,+  upang makaunawa ng kawikaan at ng palaisipang kasabihan,+ ng mga salita ng mga taong marurunong+ at ng kanilang mga bugtong.+  Ang pagkatakot kay Jehova ang pasimula ng kaalaman.+ Ang karunungan at disiplina ang siyang hinahamak ng mga mangmang.+  Makinig ka, anak ko, sa disiplina ng iyong ama,+ at huwag mong iiwan ang kautusan ng iyong ina.+  Sapagkat ang mga iyon ay putong na kaakit-akit sa iyong ulo+ at magandang kuwintas sa iyong leeg.+ 10  Anak ko, kung hihikayatin ka ng mga makasalanan, huwag kang pumayag.+ 11  Kung sasabihin nila: “Sumama ka sa amin. Manambang tayo upang magbubo ng dugo.+ Pakubli nating abangan nang walang dahilan ang mga taong walang-sala.+ 12  Lulunin natin silang buháy+ na gaya ng Sheol,+ kahit buo pa nga, tulad niyaong mga bumababa sa hukay.+ 13  Maghanap tayo ng lahat ng uri ng mahahalagang pag-aari.+ Punuin natin ng samsam+ ang ating mga bahay. 14  Makipagsapalaran ka sa gitna namin. Magkaroon tayong lahat ng isang supot lamang”+ 15  anak ko, huwag kang yumaong kasama nila sa daan.+ Pigilan mo ang iyong paa mula sa kanilang landas.+ 16  Sapagkat ang kanilang mga paa ay yaong mga tumatakbo patungo sa lubos na kasamaan,+ at lagi silang nagmamadaling magbubo ng dugo.+ 17  Sapagkat walang kabuluhan ang paglaladlad ng lambat sa harap ng mga mata ng anumang may mga pakpak.+ 18  Kaya naman tinatambangan nila ang dugo ng mga ito;+ pakubli nilang inaabangan ang mga kaluluwa+ ng mga ito. 19  Gayon ang mga landas ng lahat ng nagtitipon ng di-tapat na pakinabang.+ Kinukuha nito ang mismong kaluluwa ng mga may-ari nito.+ 20  Ang tunay na karunungan+ ay sumisigaw nang malakas sa lansangan.+ Sa mga liwasan ay inilalakas nito ang kaniyang tinig.+ 21  Sa pinakadulo ng maiingay na lansangan ay nananawagan ito.+ Sa mga pasukan ng mga pintuang-daan papasok sa lunsod ay nagsasabi ito ng kaniyang mga pananalita:+ 22  “Kayong mga walang-karanasan, hanggang kailan ninyo iibigin ang kawalang-karanasan,+ at kayong mga manunuya, hanggang kailan ninyo nanasain para sa inyo ang tahasang pagtuya,+ at kayong mga hangal, hanggang kailan kayo mapopoot sa kaalaman?+ 23  Manumbalik kayo dahil sa aking saway.+ Kung magkagayon ay pabubukalin ko sa inyo ang aking espiritu;+ ipaaalam ko sa inyo ang aking mga salita.+ 24  Sapagkat ako ay tumawag ngunit tumatanggi kayo,+ iniunat ko ang aking kamay ngunit walang nagbibigay-pansin,+ 25  at pinababayaan ninyo ang lahat ng aking payo,+ at ang aking saway ay hindi ninyo tinanggap,+ 26  pagtatawanan ko rin naman ang inyong kasakunaan,+ manlilibak ako kapag dumating ang inyong pinanghihilakbutan,+ 27  kapag ang inyong pinanghihilakbutan ay dumating na tulad ng bagyo, at ang inyong kasakunaan ay makarating dito na tulad ng bagyong hangin,+ kapag dumating sa inyo ang kabagabagan at mga panahon ng kahirapan.+ 28  Sa panahong iyon ay tatawagin nila ako, ngunit hindi ako sasagot;+ hahanapin nila ako, ngunit hindi nila ako masusumpungan,+ 29  sa dahilang kinapootan nila ang kaalaman,+ at ang pagkatakot kay Jehova ay hindi nila pinili.+ 30  Hindi sila sumang-ayon sa aking payo;+ winalang-galang nila ang lahat ng aking saway.+ 31  Kaya kakain sila mula sa bunga ng kanilang lakad,+ at malilipos sila ng kanilang sariling mga panukala.+ 32  Sapagkat ang pagkasuwail+ ng mga walang-karanasan ang papatay sa kanila,+ at ang pagwawalang-bahala ng mga hangal ang sisira sa kanila.+ 33  Kung tungkol sa sinumang nakikinig sa akin, tatahan siya nang tiwasay+ at hindi maliligalig ng panghihilakbot sa kapahamakan.”+

Talababa