Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Juan 6:1-71

6  Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumawid si Jesus sa kabilang ibayo ng dagat ng Galilea, o Tiberias.+  Ngunit isang malaking pulutong ang patuloy na sumusunod sa kaniya, sapagkat namamasdan nila ang mga tanda na ginagawa niya sa mga may karamdaman.+  Kaya si Jesus ay umahon sa isang bundok,+ at doon ay nakaupo siyang kasama ng kaniyang mga alagad.  Ang paskuwa nga,+ ang kapistahan ng mga Judio, ay malapit na.  Sa gayon, nang itingin ni Jesus ang kaniyang mga mata at mamasdan na may malaking pulutong na paparating sa kaniya, sinabi niya kay Felipe: “Saan tayo bibili ng mga tinapay upang makain ng mga ito?”+  Gayunman, sinasabi niya ito upang subukin siya, sapagkat alam naman niya kung ano ang kaniyang gagawin.  Sumagot si Felipe sa kaniya: “Ang halagang dalawang daang denariong tinapay ay hindi sapat sa kanila, upang makakuha ng tigkakaunti ang bawat isa.”+  Ang isa sa kaniyang mga alagad, si Andres na kapatid ni Simon Pedro, ay nagsabi sa kaniya:  “Narito ang isang batang lalaki na may limang tinapay na sebada+ at dalawang maliliit na isda. Ngunit gaano na ang mga ito sa ganito karami?”+ 10  Sinabi ni Jesus: “Pahiligin ninyo ang mga tao gaya ng sa pagkain.”+ Marami ngang damo sa dakong iyon. Sa gayon ay humilig ang mga lalaki, na mga limang libo ang bilang.+ 11  Kaya kinuha ni Jesus ang mga tinapay at, nang makapagpasalamat, ipinamahagi niya ang mga iyon sa mga nakahilig, gayundin naman ang maliliit na isda gaanuman karami ang naisin nila.+ 12  Ngunit nang mabusog+ sila ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad: “Tipunin ninyo ang mga natirang pira-piraso, upang walang masayang.” 13  Sa gayon ay tinipon nila ang mga iyon, at napuno nila ang labindalawang basket ng mga pira-piraso mula sa limang tinapay na sebada, na natira niyaong mga kumain.+ 14  Kaya nang makita ng mga tao ang mga tanda na kaniyang ginawa ay nagsimula silang magsabi: “Ito ngang talaga ang propeta+ na darating sa sanlibutan.” 15  Kaya nga si Jesus, sa pagkaalam na papalapit na sila at aagawin siya upang gawin siyang hari, ay muling umalis+ na nag-iisa patungo sa bundok. 16  Nang sumapit na ang gabi, ang kaniyang mga alagad ay bumaba patungo sa dagat,+ 17  at, paglulan sa isang bangka, tumawid sila sa dagat patungo sa Capernaum. Buweno, ngayon ay madilim na at hindi pa dumarating si Jesus sa kanila. 18  Gayundin, ang dagat ay nagsimulang dumaluyong dahil may malakas na hanging humihihip.+ 19  Gayunman, nang makapagsagwan na sila ng mga lima o anim na kilometro, nakita nila si Jesus na naglalakad sa dagat at papalapit sa bangka; at natakot sila.+ 20  Ngunit sinabi niya sa kanila: “Ako ito; huwag kayong matakot!”+ 21  Sa gayon ay nalugod silang tanggapin siya sa bangka, at kaagad na nakarating ang bangka sa lupaing sinisikap nilang paroonan.+ 22  Nang sumunod na araw ay nakita ng pulutong na nakatayo sa kabilang ibayo ng dagat na walang bangka roon maliban sa isa na maliit, at na hindi sumakay si Jesus sa bangka kasama ng kaniyang mga alagad kundi ang mga alagad lamang niya ang umalis; 23  ngunit dumating ang mga bangka mula sa Tiberias malapit sa dako kung saan nila kinain ang tinapay pagkatapos na magpasalamat ang Panginoon. 24  Sa gayon nang makita ng pulutong na wala roon si Jesus ni ang kaniyang mga alagad, lumulan sila sa kanilang maliliit na bangka at dumating sa Capernaum upang hanapin+ si Jesus. 25  Kaya nang masumpungan nila siya sa kabilang ibayo ng dagat ay sinabi nila sa kaniya: “Rabbi,+ kailan ka dumating dito?” 26  Sumagot si Jesus sa kanila at nagsabi: “Katotohanang-katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hinahanap ninyo ako, hindi dahil sa nakakita kayo ng mga tanda, kundi dahil sa kumain kayo mula sa mga tinapay at nabusog.+ 27  Gumawa kayo, hindi para sa pagkaing nasisira,+ kundi para sa pagkaing nananatili para sa buhay na walang hanggan,+ na ibibigay sa inyo ng Anak ng tao; sapagkat sa isang ito inilagay ng Ama, ng Diyos mismo, ang kaniyang tatak ng pagsang-ayon.”+ 28  Sa gayon ay sinabi nila sa kaniya: “Ano ang gagawin namin upang magawa ang mga gawa ng Diyos?” 29  Bilang sagot ay sinabi ni Jesus sa kanila: “Ito ang gawa ng Diyos, na manampalataya+ kayo sa kaniya na isinugo ng Isang iyon.”+ 30  Sa gayon ay sinabi nila sa kaniya: “Ano, kung gayon, ang isinasagawa mo bilang tanda,+ upang makita namin iyon at maniwala sa iyo? Anong gawa ang ginagawa mo? 31  Kinain ng aming mga ninuno ang manna+ sa ilang, gaya ng nasusulat, ‘Binigyan niya sila ng tinapay na mula sa langit upang kainin.’ ”+ 32  Kaya sinabi ni Jesus sa kanila: “Katotohanang-katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay na mula sa langit, kundi ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay na mula sa langit.+ 33  Sapagkat ang tinapay ng Diyos ay ang isa na bumababa mula sa langit at nagbibigay ng buhay sa sanlibutan.” 34  Sa gayon ay sinabi nila sa kaniya: “Panginoon, bigyan mo kaming lagi ng tinapay na ito.”+ 35  Sinabi ni Jesus sa kanila: “Ako ang tinapay ng buhay. Siya na lumalapit sa akin ay hindi na magugutom pa, at siya na nananampalataya sa akin ay hindi na kailanman mauuhaw pa.+ 36  Ngunit sinabi ko na sa inyo, Nakita pa man din ninyo ako at gayunma’y hindi kayo naniniwala.+ 37  Ang lahat ng ibinibigay ng Ama sa akin ay lalapit sa akin, at ang isa na lumalapit sa akin ay hindi ko itataboy sa anumang paraan;+ 38  sapagkat bumaba ako mula sa langit+ upang gawin, hindi ang kalooban ko, kundi ang kalooban niya na nagsugo sa akin.+ 39  Ito ang kalooban niya na nagsugo sa akin, na wala akong maiwala sa lahat ng ibinigay niya sa akin kundi buhayin ko itong muli+ sa huling araw. 40  Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawat isa na nakakakita sa Anak at nananampalataya sa kaniya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan,+ at bubuhayin ko siyang muli sa huling araw.”+ 41  Sa gayon ay nagsimulang magbulung-bulungan tungkol sa kaniya ang mga Judio dahil sinabi niya: “Ako ang tinapay na bumaba mula sa langit”;+ 42  at sila ay nagsabi:+ “Hindi ba ito si Jesus na anak ni Jose,+ na ang ama at ina ay kilala natin? Paano ngang ngayon ay sinasabi niya, ‘Ako ay bumaba mula sa langit’?” 43  Bilang sagot ay sinabi ni Jesus sa kanila: “Huwag na kayong magbulung-bulungan sa isa’t isa. 44  Walang taong makalalapit sa akin malibang ilapit siya ng Ama, na nagsugo sa akin;+ at bubuhayin ko siyang muli sa huling araw.+ 45  Nasusulat sa mga Propeta, ‘At silang lahat ay magiging mga naturuan ni Jehova.’+ Bawat isa na nakarinig mula sa Ama at natuto ay lumalapit sa akin.+ 46  Hindi sa ang sinumang tao ay nakakita sa Ama,+ maliban sa kaniya na nanggaling sa Diyos; ang isang ito ang nakakita sa Ama.+ 47  Katotohanang-katotohanang sinasabi ko sa inyo, Siya na naniniwala ay may buhay na walang hanggan.+ 48  “Ako ang tinapay+ ng buhay. 49  Kinain ng inyong mga ninuno ang manna+ sa ilang at gayunma’y namatay. 50  Ito ang tinapay na bumababa mula sa langit, upang ang sinuman ay makakain mula rito at hindi mamatay. 51  Ako ang tinapay na buháy na bumaba mula sa langit; kung ang sinuman ay kumain ng tinapay na ito siya ay mabubuhay magpakailanman; at, ang totoo, ang tinapay na ibibigay ko ay ang aking laman+ alang-alang sa buhay ng sanlibutan.”+ 52  Nang magkagayon ay nagsimulang makipagtalo ang mga Judio sa isa’t isa, na sinasabi: “Paano maibibigay ng taong ito sa atin ang kaniyang laman upang maipakain?” 53  Alinsunod dito ay sinabi ni Jesus sa kanila: “Katotohanang-katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kainin ninyo ang laman+ ng Anak ng tao at inumin ang kaniyang dugo,+ wala kayong buhay+ sa inyong sarili. 54  Siya na kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at bubuhayin ko siyang muli+ sa huling araw; 55  sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin. 56  Siya na kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatiling kaisa ko, at ako ay kaisa niya.+ 57  Kung paanong isinugo ako ng buháy+ na Ama at ako ay nabubuhay dahil sa Ama, siya rin na kumakain sa akin, maging ang isang iyon ay mabubuhay dahil sa akin.+ 58  Ito ang tinapay na bumaba mula sa langit. Hindi ito gaya nang kumain ang inyong mga ninuno at gayunma’y namatay. Siya na kumakain sa tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman.”+ 59  Ang mga bagay na ito ang sinabi niya habang siya ay nagtuturo sa pangmadlang kapulungan sa Capernaum. 60  Sa gayon ay marami sa kaniyang mga alagad, nang marinig nila ito, ang nagsabi: “Ang pananalitang ito ay nakapangingilabot; sino ang makapakikinig nito?”+ 61  Ngunit si Jesus, sa pagkaalam sa kaniyang sarili na ang kaniyang mga alagad ay nagbubulung-bulungan tungkol dito, ay nagsabi sa kanila: “Nakatitisod+ ba ito sa inyo? 62  Ano, kung gayon, kung inyong mamasdan ang Anak ng tao na umaakyat sa dati niyang kinaroroonan?+ 63  Ang espiritu ang siyang nagbibigay-buhay;+ ang laman ay walang anumang kabuluhan. Ang mga pananalitang sinalita ko sa inyo ay espiritu+ at buhay.+ 64  Ngunit may ilan sa inyo na hindi naniniwala.” Sapagkat mula sa pasimula ay alam ni Jesus kung sino ang mga hindi naniniwala at kung sino ang magkakanulo sa kaniya.+ 65  Kaya sinabi pa niya: “Ito ang dahilan kung bakit ko sinabi sa inyo, Walang sinuman ang makalalapit sa akin malibang ipagkaloob ito sa kaniya ng Ama.”+ 66  Dahil dito ay marami sa kaniyang mga alagad ang bumalik sa mga bagay na nasa likuran+ at hindi na lumakad na kasama niya.+ 67  Sa gayon ay sinabi ni Jesus sa labindalawa: “Hindi rin ninyo ibig na umalis, hindi ba?” 68  Sumagot si Simon Pedro+ sa kaniya: “Panginoon, kanino kami paroroon?+ Ikaw ang may mga pananalita ng buhay na walang hanggan;+ 69  at naniwala kami at nalaman namin na ikaw ang Banal ng Diyos.”+ 70  Sumagot si Jesus sa kanila: “Pinili ko kayong labindalawa,+ hindi ba? Gayunman ang isa sa inyo ay isang maninirang-puri.”+ 71  Siya, sa katunayan, ay nagsasalita tungkol kay Hudas na anak ni Simon Iscariote; sapagkat ipagkakanulo+ siya ng isang ito, bagaman isa sa labindalawa.

Talababa