Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Josue 16:1-10

16  At ang palabunot+ ay lumabas para sa mga anak ni Jose+ mula sa Jordan+ sa may Jerico hanggang sa tubig ng Jerico sa gawing silangan, ang ilang na paahon mula sa Jerico patungo sa bulubunduking pook ng Bethel.+  At ito ay lumabas mula sa Bethel na sakop ng Luz+ at tumawid tungo sa hangganan ng mga Arkita+ sa Atarot,  at ito ay lumusong sa gawing kanluran tungo sa hangganan ng mga Japleteo hanggang sa hangganan ng Mababang Bet-horon + at ng Gezer,+ at ang dulo nito ay sa dagat.+  At inari ng mga anak ni Jose,+ ng Manases at Efraim,+ ang lupain.+  At ang naging hangganan ng mga anak ni Efraim ayon sa kanilang mga pamilya ay, oo, ang naging hangganan ng kanilang mana sa dakong silangan ay ang Atarot-addar,+ hanggang sa Mataas na Bet-horon;+  at ang hangganan ay lumabas hanggang sa dagat. Ang Micmetat+ ay nasa hilaga, at ang hangganan ay lumibot sa gawing silangan tungo sa Taanat-shilo, at tumawid sa gawing silangan tungo sa Janoa.  At ito ay lumusong mula sa Janoa tungo sa Atarot at sa Naara at umabot sa Jerico+ at lumabas hanggang sa Jordan.  Mula sa Tapua+ ang hangganan ay nagpatuloy sa gawing kanluran tungo sa agusang libis ng Kana,+ at ang dulo nito ay sa dagat.+ Ito ang mana ng tribo ng mga anak ni Efraim ayon sa kanilang mga pamilya.  At ang mga anak ni Efraim ay nagkaroon ng mga nakapaloob na lunsod+ sa gitna ng mana ng mga anak ni Manases, ang lahat ng mga lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito. 10  At hindi nila itinaboy ang mga Canaanita+ na nananahanan sa Gezer,+ at ang mga Canaanita ay patuloy na nananahanan sa gitna ng Efraim hanggang sa araw na ito+ at napasailalim ng mapang-aliping puwersahang pagtatrabaho.+

Talababa