Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Jonas 3:1-10

3  At dumating kay Jonas ang salita ni Jehova sa ikalawang pagkakataon, na nagsasabi:+  “Bumangon ka, pumaroon ka sa Nineve na dakilang lunsod, at ihayag mo sa kaniya ang kapahayagan+ na sinasalita ko sa iyo.”  Sa gayon, si Jonas ay bumangon at pumaroon sa Nineve ayon sa salita ni Jehova.+ At ang Nineve ay isang lunsod na dakila sa Diyos,+ na may layong nilalakad nang tatlong araw.  Nang dakong huli si Jonas ay nagsimulang pumasok sa lunsod sa layong nilalakad nang isang araw, at siya ay patuloy na naghahayag at nagsasabi: “Apatnapung araw na lamang, at ang Nineve ay gigibain.”+  At ang mga tao ng Nineve ay nagsimulang manampalataya sa Diyos,+ at sila ay naghayag ng pag-aayuno at nagsuot ng telang-sako,+ mula sa pinakadakila sa kanila at maging hanggang sa pinakamababa sa kanila.  Nang ang salita ay umabot sa hari ng Nineve,+ siya ay tumindig mula sa kaniyang trono at naghubad ng kaniyang opisyal na kasuutan at nagdamit ng telang-sako at umupo sa abo.+  Bukod diyan, nagpalabas siya ng panawagan, at ipinasabi niya iyon sa Nineve, ayon sa batas ng hari at ng kaniyang mga dakila, na nagsasabi: “Walang tao at walang alagang hayop, walang bakahan at walang kawan, ang titikim ng anuman. Walang sinumang kakain. Kahit tubig ay huwag silang uminom.+  At magdamit sila ng telang-sako, ang tao at ang alagang hayop; at tumawag sila sa Diyos nang malakas at manumbalik,+ ang bawat isa mula sa kaniyang masamang lakad at mula sa karahasan na nasa kanilang mga kamay.  Sino ang nakaaalam kung ang tunay na Diyos ay manunumbalik at talagang malulungkot+ at tatalikuran ang kaniyang nag-aapoy na galit, upang hindi tayo malipol?”+ 10  At nakita ng tunay na Diyos ang kanilang mga gawa,+ na tinalikuran nila ang kanilang masamang lakad;+ sa gayon ay ikinalungkot ng tunay na Diyos+ ang kapahamakan na sinalita niyang pangyayarihin sa kanila; at hindi niya iyon pinangyari.+

Talababa