Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Job 9:1-35

9  At si Job ay sumagot at nagsabi:   “Sa katotohanan ay nalalaman ko ngang gayon. Ngunit paano malalagay sa tama ang taong mortal sa isang usapin laban sa Diyos?+   Kung kalulugdan niyang makipagtalo sa kaniya,+ Hindi niya siya masasagot nang minsan sa isang libo.   Siya ay marunong sa puso at malakas sa kapangyarihan.+ Sino ang makapagpapakita ng pagkasutil sa kaniya at makaaalpas nang walang pinsala?+   Siya ay nag-aalis ng mga bundok,+ anupat hindi man lamang ito nalalaman ng mga tao, Siya na naggiba ng mga iyon sa kaniyang galit.+   Pinayayanig niya ang lupa mula sa dako nito, Anupat ang mismong mga haligi+ nito ay nauuga.   Sinasabihan niya ang araw na huwag itong sumikat, At sa palibot ng mga bituin ay naglalagay siya ng tatak,+   Na mag-isang nag-uunat ng langit+ At tumutuntong sa matataas na alon sa dagat;+   Nililikha ang konstelasyon ng Ash, ang konstelasyon ng Kesil, At ang konstelasyon ng Kima+ at ang mga loobang silid ng Timog; 10  Gumagawa ng mga dakilang bagay na di-masaliksik,+ At ng mga kamangha-manghang bagay na walang bilang.+ 11  Narito! Dumaraan siya sa tabi ko at hindi ko siya nakikita, At nagpapatuloy siya at hindi ko siya nakikilala.+ 12  Narito! Siya ay nang-aagaw. Sino ang makapipigil sa kaniya? Sino ang magsasabi sa kaniya, ‘Ano ang iyong ginagawa?’+ 13  Ang Diyos ay hindi mag-uurong ng kaniyang galit;+ Sa ilalim niya ay yuyukod ang mga katulong ng isang mananalakay.+ 14  Gaano pa kaya kung sasagutin ko siya! Pipiliin ko ang aking mga salita sa kaniya,+ 15  Siya na hindi ko sasagutin, ako man ang talagang nasa tama.+ Sa aking kalaban-sa-batas ay mamamanhik ako.+ 16  Kung tatawagin ko siya, sasagot ba siya sa akin?+ Hindi ako naniniwalang diringgin niya ang aking tinig; 17  Siya na sumusugat sa akin sa pamamagitan ng bagyo At nagpaparami nga ng aking mga sugat nang walang dahilan.+ 18  Hindi niya ako tutulutang muling huminga,+ Sapagkat palagi niya akong nililipos ng mapapait na bagay. 19  Kung ang sinuman ay malakas sa kapangyarihan, naroon siya;+ At kung ang sinuman ay malakas sa katarungan, O ako sana ay ipatawag! 20  Kung ako ay nasa tama, aariin akong balakyot ng aking sariling bibig; Ako man ay walang kapintasan, kung gayon ay ipahahayag niya akong liko. 21  Kung ako ay walang kapintasan, hindi ko makikilala ang aking kaluluwa; Tatanggihan ko ang aking buhay. 22  May isang bagay nga. Kaya naman sinasabi ko, ‘Ang walang kapintasan, gayundin ang balakyot, ay pinasasapit niya sa kanilang kawakasan.’+ 23  Kung ang isang dumaragsang baha ay biglang magpangyari ng kamatayan, Ang mismong kawalang-pag-asa ng mga walang-sala ay lilibakin niya. 24  Ang lupa mismo ay ibinigay sa kamay ng balakyot;+ Ang mukha ng mga hukom nito ay kaniyang tinatakpan. Kung hindi siya, sino nga iyon? 25  Gayundin ang aking sariling mga araw ay naging mas matulin kaysa sa isang mananakbo;+ Tumakbo na ang mga iyon, tiyak na hindi makakakita ng mabuti ang mga iyon. 26  Ang mga iyon ay dumaang tulad ng mga bangkang tambo, Tulad ng isang agila na sumisibad nang paroo’t parito upang may makain.+ 27  Kung ako ay nagsabi, ‘Lilimutin ko ang aking pagkabahala,+ Babaguhin ko ang aking mukha+ at magiging maaliwalas,’ 28  Ikinatatakot ko ang lahat ng aking mga kirot;+ Alam kong hindi mo ako ituturing na walang-sala. 29  Ako ay aariing balakyot. Bakit nga ba ako nagpapagal nang wala namang kabuluhan?+ 30  Kung naghugas nga ako sa tubig ng niyebe, At naglinis nga ako ng aking mga kamay sa abong panlinis,+ 31  Kung magkagayon ay ilulubog mo ako sa isang hukay, At tiyak na kasusuklaman ako ng aking mga kasuutan. 32  Sapagkat siya ay hindi taong+ tulad ko anupat masasagot ko siya, Anupat makaparoroon kaming magkasama sa kahatulan. 33  Walang sinumang makapagpapasiya sa pagitan namin,+ Upang ilagay niya ang kaniyang kamay sa aming dalawa. 34  Alisin niya ang kaniyang pamalo mula sa akin,+ At ang kaniyang kakilabutan, huwag akong sindakin nito. 35  Magsasalita ako at hindi matatakot sa kaniya, Sapagkat hindi nga ako gayon sa ganang sarili.

Talababa