Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Job 8:1-22

8  At si Bildad na Shuhita+ ay sumagot at nagsabi:   “Hanggang kailan mo laging sasabihin ang mga bagay na ito,+ Gayong ang mga pananalita ng iyong bibig ay isang malakas na hangin lamang?+   Babaluktutin ba ng Diyos ang kahatulan,+ O babaluktutin ba ng Makapangyarihan-sa-lahat ang katuwiran?+   Kung ang iyong sariling mga anak ay nagkasala laban sa kaniya, Anupat pinababayaan niya sila sa kamay ng kanilang pagsalansang,   Kung ikaw mismo ay maghahanap sa Diyos,+ At kung sa Makapangyarihan-sa-lahat ay mamamanhik ka,   Kung ikaw ay dalisay at matuwid,+ Sa ngayon ay gumising na sana siya para sa iyo At tiyak na isasauli niya ang iyong matuwid na tinatahanang dako.   Gayundin, maaaring ang iyong pasimula ay isang maliit na bagay, Ngunit ang iyong huling wakas ay magiging lubhang dakila.+   Magtanong ka nga, pakisuyo, sa naunang salinlahi,+ At ituon mo ang iyong pansin sa mga bagay na sinaliksik ng kanilang mga ama.+   Sapagkat tayo ay kakahapon lamang,+ at wala tayong nalalaman, Sapagkat ang ating mga araw sa lupa ay isang anino.+ 10  Hindi ka ba nila tuturuan, sasabihin sa iyo, At hindi ba sila maglalabas ng mga salita mula sa kanilang puso? 11  Tataas ba ang halamang papiro+ kung walang latiang dako? Lálakí ba ang tambo kung walang tubig? 12  Samantalang ito ay usbong pa, hindi pa pinuputol, Una pa nga sa lahat ng iba pang damo ay matutuyo ito.+ 13  Gayon ang mga landas ng lahat niyaong lumilimot sa Diyos,+ At ang mismong pag-asa ng isang apostata ay maglalaho,+ 14  Na ang kaniyang pinagtitiwalaan ay mapaparam, At ang kaniyang tiwala ay isang bahay ng gagamba.+ 15  Sasandig siya sa kaniyang bahay, ngunit hindi ito mananatiling nakatayo; Tatanganan niya ito, ngunit hindi ito mamamalagi. 16  Siya ay madagta sa harap ng araw, At sa kaniyang hardin ay sumisibol ang kaniyang sariling sanga.+ 17  Sa bunton ng mga bato ay kumakapit ang kaniyang mga ugat, Isang bahay ng mga bato ang kaniyang minamasdan. 18  Kung may lululon sa kaniya mula sa kaniyang dako,+ Tiyak na ikakaila rin siya nito, na sinasabi, ‘Hindi kita nakita.’+ 19  Narito! Iyon ang pagkapawi ng kaniyang lakad;+ At mula sa alabok ay may iba pa na lilitaw. 20  Narito! Ang Diyos ay hindi magtatakwil sa sinumang walang kapintasan, Ni tatanganan man niya ang kamay ng mga manggagawa ng kasamaan, 21  Hanggang sa punuin niya ang iyong bibig ng pagtawa, At ang iyong mga labi ng mga sigaw ng kagalakan. 22  Ang mismong mga napopoot sa iyo ay madaramtan ng kahihiyan,+ At ang tolda ng mga balakyot ay mawawala na.”

Talababa