Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Job 6:1-30

6  At si Job ay sumagot at nagsabi:   “O kung ang aking kaligaligan+ sana ay sama-samang tinimbang, At kasabay nito ay inilagay nila sa timbangan ang aking kapighatian!   Sapagkat ngayon ay mas mabigat pa ito kaysa sa mga buhangin sa mga dagat. Kaya naman ang aking sariling mga salita ay naging padalus-dalos na pananalita.+   Sapagkat ang mga palaso ng Makapangyarihan-sa-lahat ay nasa akin,+ Na ang kamandag niyaon ay iniinom ng aking espiritu;+ Ang mga kakilabutan mula sa Diyos ay humahanay laban sa akin.+   Ang isa bang sebra+ ay uungal kapag nasa damo, O ang isa bang toro ay uunga kapag nasa kumpay nito?   Ang mga bagay ba na matabang ay kakainin nang walang asin, O may lasa ba ang madulas na katas ng malvavisco?   Ang aking kaluluwa ay tumangging humipo ng anumang bagay. Ang mga iyon ay tulad ng sakit sa aking pagkain.   O mangyari sana ang aking kahilingan At ipagkaloob sana ng Diyos maging ang aking pag-asa!   At humayo na sana ang Diyos at durugin ako, Na bitawan niya ang kaniyang kamay at lipulin ako!+ 10  Iyon man ay magiging kaaliwan ko pa; At ako ay lulukso sa kagalakan+ dahil sa aking mga kirot ng pagdaramdam, Bagaman hindi siya mahahabag, sapagkat hindi ko itinago ang mga pananalita+ ng Isa na Banal.+ 11  Ano ang aking kalakasan, upang manatili akong naghihintay?+ At ano ang aking wakas, upang palawigin ko pa ang aking kaluluwa? 12  Ang kalakasan ko ba ay kalakasan ng mga bato? O ang aking laman ba ay tanso? 13  Ang pagtulong ba sa sarili ay wala sa akin, At ang mabungang paggawa ay itinaboy mula sa akin? 14  Kung tungkol sa sinumang nagkakait ng maibiging-kabaitan sa kaniyang sariling kasamahan,+ Kaniya ring iiwanan maging ang takot sa Makapangyarihan-sa-lahat.+ 15  Ang aking sariling mga kapatid ay naging mapandaya,+ tulad ng isang agusang-taglamig, Tulad ng lagusan ng mga agusang-taglamig na laging naglalaho. 16  Sila ay nagdidilim dahil sa yelo, Sa kanila ay nagtatago ang niyebe. 17  Sa takdang kapanahunan ay nawawalan sila ng tubig,+ sila ay napatahimik; Kapag uminit ay natutuyot sila mula sa kanilang dako.+ 18  Ang mga landas ng kanilang daan ay nalilihis; Sila ay umaahon sa dakong ilang at nalilipol. 19  Ang mga pulutong ng Tema+ ay tumingin, Ang naglalakbay na pangkat ng mga Sabeano+ ay nag-abang sa kanila. 20  Sila nga ay napapahiya dahil nagtiwala sila; Sila ay nakarating hanggang sa dako at sila ay nabibigo.+ 21  Sapagkat ngayon ay nauwi kayo sa wala;+ Nakakakita kayo ng kakilabutan, at kayo ay natatakot.+ 22  Dahil ba sa sinabi ko, ‘Bigyan ninyo ako, O mula sa kalakasan ninyo ay magbigay kayo ng regalo sa akin; 23  At iligtas ninyo ako mula sa kamay ng kalaban,+ At mula sa kamay ng mga maniniil ay tubusin ninyo ako’?+ 24  Turuan ninyo ako, at ako naman ay tatahimik;+ At ang pagkakamali na nagawa ko ay ipaunawa ninyo sa akin.+ 25  Ang mga pananalita ng katuwiran ay naging—O hindi masakit!+ Ngunit ano ang sinasaway ng pagsaway sa ganang inyo?+ 26  Ang sumaway ba ng mga salita ang inyong ipinapakana, Gayong ang mga pananalita ng isang nasisiraan ng loob+ ay para lamang sa hangin?+ 27  Lalo pa nga ninyong pagpapalabunutan ang isa na walang ama,+ At ipagpapalit ang inyong kasamahan!+ 28  At ngayon ay ipagpatuloy ninyo, magbigay-pansin kayo sa akin, At tingnan ninyo kung magsisinungaling+ ako sa inyo nang mukhaan. 29  Bumalik kayo, pakisuyo—huwag nawang magkaroon ng kalikuan— Oo, bumalik kayo—ang katuwiran ko ay naroroon pa.+ 30  May kalikuan ba sa aking dila, O hindi ba napag-uunawa ng aking sariling ngalangala ang kapighatian?

Talababa