Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Job 35:1-16

35  At si Elihu ay patuloy na sumagot at nagsabi:   “Ito ba ang itinuturing mo na katarungan? Sinabi mo, ‘Ang aking katuwiran ay higit kaysa sa Diyos.’+   Sapagkat sinasabi mo, ‘Ano ang silbi nito sa iyo?+ Ano ang pakinabang ko na higit kaysa sa aking pagkakasala?’+   Ako ang tutugon sa iyo At sa iyong mga kasamahang+ kapiling mo.   Tumingala ka sa langit+ at tingnan mo, At masdan mo ang mga ulap,+ na ang mga iyon ay talagang mas mataas kaysa sa iyo.   Kung magkakasala ka nga, ano ang nagawa mo laban sa kaniya?+ At kung dumami nga ang iyong mga pagsalansang, ano ang nagagawa mo sa kaniya?   Kung ikaw ay talagang nasa tama, ano ang ibinibigay mo sa kaniya, O ano ang tinatanggap niya mula sa iyong kamay?+   Ang iyong kabalakyutan ay maaaring laban sa isang tao na tulad mo,+ At ang iyong katuwiran sa isang anak ng makalupang tao.+   Dahil sa dami ng paniniil ay lagi silang humihingi ng saklolo;+ Lagi silang humihingi ng tulong dahil sa bisig ng mga dakila.+ 10  Gayunman ay walang sinumang nagsasabi, ‘Nasaan ang Diyos na aking Dakilang Maylikha,+ Ang Isa na nagbibigay ng mga awitin sa gabi?’+ 11  Siya ang Isa na nagtuturo+ sa atin nang higit kaysa sa mga hayop sa lupa,+ At ginagawa niya tayong mas marunong kaysa sa mga lumilipad na nilalang sa langit. 12  Doon ay lagi silang dumaraing, ngunit hindi siya sumasagot,+ Dahil sa pagmamapuri+ ng masasama. 13  Ang kabulaanan lamang ang hindi dinirinig ng Diyos,+ At hindi iyon minamasdan+ ng Makapangyarihan-sa-lahat. 14  Gaano pa kaya kapag sinasabi mong hindi mo siya nakikita!+ Ang usapin sa batas ay nasa harap niya, kung kaya dapat mo siyang hintayin nang may pagkabalisa.+ 15  At ngayon yamang ang kaniyang galit ay hindi humihingi ng pagsusulit,+ Hindi rin siya nagbibigay-pansin sa labis na pagpapadalus-dalos.+ 16  At ibinubukang mabuti ni Job ang kaniyang bibig nang wala namang kabuluhan; Nagpaparami siya ng mga salita nang walang kaalaman.”+

Talababa