Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Job 29:1-25

29  At muling sinambit ni Job ang kaniyang kasabihan at nagsabi:   “O kung ako sana ay nasa mga buwang lunar noong sinaunang panahon,+ Gaya noong mga araw nang binabantayan ako ng Diyos;+   Noong ang kaniyang lampara ay pinasisikat niya sa aking ulo, Kapag lumalakad ako sa kadiliman sa pamamagitan ng kaniyang liwanag;+   Gaya ng kalagayan ko noong mga araw ng aking kalakasan,+ Noong ang matalik na kaugnayan sa Diyos ay nasa aking tolda;+   Noong ang Makapangyarihan-sa-lahat ay sumasaakin pa, Noong ang aking mga tagapaglingkod ay nasa buong palibot ko!   Noong hinuhugasan ko ng mantikilya ang aking mga hakbang, At ang bato ay patuloy na nagbubuhos ng mga bukal ng langis para sa akin;+   Noong lumalabas ako sa pintuang-daan ng bayan,+ Sa liwasan ay inihahanda ko ang aking upuan!+   Nakikita ako ng mga batang lalaki at nagtatago sila, At maging ang mga matatanda na ay tumitindig, tumatayo sila.+   Ang mga prinsipe mismo ay nagpipigil ng mga salita, At ang palad ay itinatakip nila sa kanilang bibig.+ 10  Ang tinig ng mga lider ay nakatago, At ang kanila mismong dila ay nakadikit sa kanilang ngalangala.+ 11  Sapagkat ang tainga ay nakikinig at ipinahahayag akong maligaya, At ang mata ay nakakakita at nagpapatotoo para sa akin. 12  Sapagkat inililigtas ko ang napipighati na humihingi ng tulong,+ At ang batang lalaking walang ama at ang sinumang walang katulong.+ 13  Ang pagpapala+ mula sa isa na mamamatay na—sumasaakin iyon, At ang puso ng babaing balo ay pinasasaya ko.+ 14  Nagdamit ako ng katuwiran, at dinaramtan ako nito.+ Ang aking katarungan ay tulad ng isang damit na walang manggas—at isang turbante. 15  Ako ay naging mga mata para sa bulag;+ At ako ay naging mga paa para sa pilay. 16  Ako ay naging isang tunay na ama sa mga dukha;+ At ang usapin sa batas niyaong hindi ko kilala—sinusuri ko iyon.+ 17  At binabasag ko ang mga panga ng manggagawa ng kamalian,+ At mula sa kaniyang mga ngipin ay inaagaw ko ang nahuli. 18  At sinasabi ko noon, ‘Sa loob ng aking pugad ay papanaw ako,+ At ang aking mga araw ay pararamihin kong tulad ng mga butil ng buhangin.+ 19  Ang aking ugat ay nakabukas para sa tubig,+ At ang hamog ay mananatili nang magdamag sa aking sanga. 20  Ang aking kaluwalhatian ay sariwa sa akin, At ang aking busog sa aking kamay ay magpapahilagpos nang paulit-ulit.’ 21  Sa akin ay nakikinig sila; at sila ay naghihintay, At nananatili silang tahimik para sa aking payo.+ 22  Pagkatapos ng aking salita ay hindi na sila nagsasalitang muli, At sa kanila ay tumutulo ang aking salita.+ 23  At kanilang hinihintay ako na para bang ulan,+ At ang kanilang bibig ay ibinubuka nilang mabuti para sa ulan sa tagsibol.+ 24  Nginingitian ko sila—hindi nila iyon pinaniniwalaan— At ang liwanag ng aking mukha+ ay hindi nila iwinawaksi. 25  Pinipili ko ang daan para sa kanila, at nakaupo ako bilang ulo; At tumatahan akong gaya ng hari sa gitna ng kaniyang mga pulutong,+ Gaya niyaong umaaliw sa mga nagdadalamhati.+

Talababa