Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Job 27:1-23

27  At muling sinambit ni Job ang kaniyang kasabihan+ at nagsabi:   “Buháy ang Diyos,+ na siyang nag-alis ng aking kahatulan,+ At buháy ang Makapangyarihan-sa-lahat, na siyang nagpapait sa aking kaluluwa,+   Habang ang aking hininga ay buo pa sa loob ko, At ang espiritu ng Diyos ay nasa mga butas ng aking ilong,+   Ang aking mga labi ay hindi magsasalita ng kalikuan At ang aking dila ay hindi magbubulung-bulong ng panlilinlang!   Malayong mangyari sa ganang akin na kayo ay ipahahayag kong matuwid!+ Hanggang sa pumanaw ako ay hindi ko aalisin sa akin ang aking katapatan!+   Sa aking pagkamatuwid ay nanghahawakan ako, at hindi ko ito bibitiwan;+ Hindi ako tutuyain ng aking puso sa lahat ng aking mga araw.+   Hayaang ang aking kaaway ay maging taong lubusang balakyot,+ At ang sumasalansang laban sa akin ay maging isang manggagawa nga ng kamalian.   Sapagkat ano ang pag-asa ng isang apostata kapag nilipol niya siya,+ Kapag kinuha sa kaniya ng Diyos ang kaniyang kaluluwa?+   Diringgin ba ng Diyos ang paghiyaw niya Kapag ang kabagabagan ay dumating sa kaniya?+ 10  O makasusumpong ba siya ng masidhing kaluguran sa Makapangyarihan-sa-lahat? Tatawag ba siya sa Diyos sa lahat ng panahon? 11  Tuturuan ko kayo sa pamamagitan ng kamay ng Diyos; Yaong nasa Makapangyarihan-sa-lahat ay hindi ko itatago.+ 12  Narito! Kayong lahat ay nakakita ng mga pangitain; Kaya bakit ninyo ipinakikita na lubusan kayong walang kabuluhan?+ 13  Ito ang bahagi ng taong balakyot mula sa Diyos;+ At ang mana ng mga maniniil ay tatanggapin nila mula sa Makapangyarihan-sa-lahat. 14  Kung ang kaniyang mga anak ay dumami, ito ay para sa tabak;+ At ang kaniyang mga inapo ay hindi magkakaroon ng sapat na pagkain. 15  Ang mga nakaligtas sa kaniya ay ililibing sa panahon ng isang nakamamatay na salot, At ang kanilang sariling mga babaing balo ay hindi tatangis.+ 16  Kung mag-imbak man siya ng pilak na parang alabok, At maghanda man siya ng kagayakan na para lamang luwad, 17  Siya ay maghahanda, ngunit ang matuwid ang siyang magdadamit sa kaniyang sarili,+ At ang walang-sala ang siyang magkakaroon ng bahagi sa pilak. 18  Itinayo niya ang kaniyang bahay tulad lamang ng tangà, At tulad ng kubol+ na ginawa ng isang bantay. 19  Mayaman siyang hihiga, ngunit walang anumang titipunin; Idinilat niya ang kaniyang mga mata, ngunit walang anumang naroroon.+ 20  Maaabutan siya ng mga biglaang kakilabutan+ na tulad ng tubig; Sa gabi ay tiyak na tatangayin siya ng bagyong hangin. 21  Isang hanging silangan ang kukuha sa kaniya+ at siya ay mawawala, At papalisin siya nito mula sa kaniyang dako.+ 22  At hahampasin siya nito at hindi ito mahahabag;+ Mula sa kapangyarihan nito ay walang pagsalang tatangkain niyang tumakas.+ 23  May magpapalakpak ng kaniyang mga kamay sa kaniya+ At sisipulan+ siya mula sa kaniyang dako.

Talababa