Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Job 26:1-14

26  At si Job ay sumagot at nagsabi:   “O anong laki ng naitulong mo sa isa na walang kapangyarihan! O gayon na lamang ang pagliligtas mo sa isang bisig na walang lakas!+   Anong laki ng naipayo mo sa isa na walang karunungan,+ At ipinaalam mo sa karamihan ang praktikal na karunungan!   Kanino ka nagsabi ng mga salita, At kaninong hininga ang lumabas mula sa iyo?   Yaong mga inutil sa kamatayan ay patuloy na nanginginig Sa ilalim ng tubig at niyaong mga tumatahan doon.+   Ang Sheol ay hubad sa harap niya,+ At ang dako ng pagkapuksa ay walang pantakip.   Iniuunat niya ang hilaga sa ibabaw ng dakong walang laman,+ Na ibinibitin ang lupa sa wala;   Ibinabalot ang tubig sa kaniyang mga ulap,+ Anupat ang kaulapan ay hindi nabibiyak sa ilalim nito;   Pinalilibutan ang harap ng trono, Inilulukob ang kaniyang ulap sa ibabaw niyaon.+ 10  Siya ay gumuhit ng bilog sa ibabaw ng tubig,+ Kung saan ang liwanag ay nagtatapos sa kadiliman. 11  Ang mismong mga haligi ng langit ay yumayanig, At sila ay namamangha dahil sa kaniyang pagsansala. 12  Sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan ay pinukaw niya ang dagat,+ At sa pamamagitan ng kaniyang unawa ay pinagdurug-durog+ niya ang mananalakay.+ 13  Sa pamamagitan ng kaniyang hangin ay pinakinis niya ang langit,+ Inulos ng kaniyang kamay ang serpiyenteng umuusad.+ 14  Narito! Ito ang mga gilid ng kaniyang mga daan,+ At bulong lamang ng isang bagay ang narinig tungkol sa kaniya! Ngunit tungkol sa kaniyang malakas na kulog ay sino ang makapagpapakita ng unawa?”+

Talababa