Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Job 23:1-17

23  At si Job ay sumagot at nagsabi:   “Maging sa ngayon ang ikinababahala+ kong kalagayan ay paghihimagsik; Ang aking kamay ay mabigat dahil sa aking pagbubuntunghininga.   O kung alam ko nga sana kung saan ko siya masusumpungan!+ Paroroon ako mismo sa kaniyang takdang dako.+   Ihaharap ko sa kaniya ang isang usaping ukol sa paghatol, At ang aking bibig ay pupunuin ko ng mga pangangatuwiran;   Malalaman ko ang mga salita na isasagot niya sa akin, At pag-iisipan ko ang sasabihin niya sa akin.+   Makikipaglaban ba siya sa akin taglay ang saganang kapangyarihan? Hindi nga! Tiyak na siya ay magbibigay-pansin sa akin.+   Doon ay tiyak na makikipag-ayos sa kaniya ang matuwid, At ako ay yayaon nang ligtas magpakailanman mula sa aking hukom.   Narito! Sa dakong silangan ako paroroon, at wala siya roon; At bumalik ako, at hindi ko siya makilala;+   Sa kaliwa kung saan siya gumagawa, ngunit hindi ko siya mamasdan; Pumipihit siya sa kanan, ngunit hindi ko siya makita. 10  Sapagkat alam na alam niya ang daan na aking tinatahak.+ Pagkatapos niya akong subukin, ako ay lalabas na parang ginto.+ 11  Ang kaniyang mga hakbang ay maingat na sinundan ng aking paa; Ang kaniyang daan ay iningatan ko, at hindi ako lumilihis.+ 12  Mula sa utos ng kaniyang mga labi ay hindi ako humihiwalay.+ Pinakaingatan ko ang mga pananalita ng kaniyang bibig+ nang higit kaysa sa itinakda para sa akin. 13  At siya ay may iisang kaisipan, at sino ang makapipigil sa kaniya?+ At ang kaniyang kaluluwa ay may ninanasa, at gagawin niya iyon.+ 14  Sapagkat lubusan niyang tutuparin ang itinakda para sa akin,+ At ang mga bagay na tulad nito ay marami sa kaniya. 15  Kaya naman nababagabag ako dahil sa kaniya; Ako ay nagbibigay-pansin at nanghihilakbot sa kaniya.+ 16  Pinapanlupaypay nga ng Diyos ang aking puso,+ At binagabag ako ng Makapangyarihan-sa-lahat.+ 17  Sapagkat hindi ako napatahimik dahil sa kadiliman, Ni dahil man sa natakpan ng karimlan ang aking mukha.

Talababa