Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Job 18:1-21

18  At si Bildad na Shuhita ay sumagot at nagsabi:   “Hanggang kailan pa kayo maglalagay ng wakas sa mga salita? Unawain ninyo, upang pagkatapos ay makapagsalita kami.   Bakit kami ibibilang na mga hayop+ At ituturing na marumi sa inyong paningin?   Niluluray niya ang kaniyang kaluluwa sa kaniyang galit. Alang-alang ba sa iyo ay pababayaan ang lupa, O ang isa bang bato ay aalis sa dako nito?   Ang ilaw rin ng mga balakyot ay papatayin+ At ang siklab ng kaniyang apoy ay hindi magliliwanag.   Ang isang ilaw ay tiyak na magdidilim sa kaniyang tolda,+ At doon papatayin ang kaniyang sariling lampara.   Ang mga hakbang ng kaniyang kasiglahan ay mapipigil. Maging ang kaniyang payo ay magbabagsak sa kaniya.+   Sapagkat dadalhin nga siya ng kaniyang mga paa sa isang lambat, At sa ibabaw ng isang kayariang tila lambat ay lalakad siya.+   Isang bitag ang susunggab sa kaniya sa sakong;+ Isang silo+ ang pumipigil sa kaniya. 10  Isang panali para sa kaniya ang nakatago sa lupa, At ang isang panghuli para sa kaniya ay nasa kaniyang landas. 11  Sa palibot, ang mga biglaang kakilabutan ay tiyak na tatakot sa kaniya,+ At hahabulin nga siya sa kaniyang mga paa. 12  Ang kaniyang kasiglahan ay nanlata sa gutom, At siya ay nakahandang paika-ikain ng kasakunaan.+ 13  Kakainin nito ang mga piraso ng kaniyang balat; Kakainin ng panganay ng kamatayan ang kaniyang mga biyas. 14  Ang kaniyang pagtitiwala ay ihihiwalay mula sa kaniyang tolda+ At dadalhin siya nito sa hari ng mga kakilabutan. 15  May bagay na hindi kaniya na tatahan sa kaniyang tolda; Ang asupre+ ay ikakalat sa kaniyang sariling tinatahanang dako. 16  Sa ilalim ay matutuyo ang kaniyang mga ugat,+ At, sa ibabaw, ang kaniyang sanga ay matutuyot. 17  Maging ang pagbanggit sa kaniya ay tiyak na maglalaho mula sa lupa,+ At hindi siya magkakaroon ng pangalan doon sa lansangan. 18  Itutulak nila siya mula sa liwanag patungo sa kadiliman, At mula sa mabungang lupain ay itataboy nila siya. 19  Hindi siya magkakaroon ng kaapu-apuhan ni ng supling man sa gitna ng kaniyang bayan,+ At walang matitirang buháy sa dakong pinanirahan niya bilang dayuhan. 20  Sa kaniyang araw ay tititig nga sa pagkamangha ang mga tao sa Kanluran, At isang pangangatog ang tiyak na mananaig maging sa mga tao sa Silangan. 21  Gayunma’y ito ang mga tabernakulo ng manggagawa ng kamalian, At ito ang dako ng isang hindi nakakakilala sa Diyos.”

Talababa