Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Job 17:1-16

17  “Ang aking espiritu ay nalugmok,+ ang aking mga araw ay naubos; Ang dakong libingan ay para sa akin.+   Tiyak na may panlilibak sa akin,+ At ang aking mata ay tumatahan sa gitna ng kanilang mapaghimagsik na paggawi.   Pakisuyo, ilagay mo ang aking panagot sa iyo.+ Sino pa ang makikipagkamay+ sa akin bilang panata?   Sapagkat ang kanilang puso ay isinara mo sa pagkaunawa.+ Kaya naman hindi mo sila itinataas.   Maaaring sabihin niya sa mga kasamahan na kunin ang kanilang mga bahagi, Ngunit ang mismong mga mata ng kaniyang mga anak ay manlalabo.+   At ginawa niya akong isang kasabihan+ ng mga bayan, Anupat ako ay naging isang taong dinuduraan sa mukha.+   At dahil sa kaligaligan ay lumalabo ang aking mata+ At ang lahat ng aking mga sangkap ay tulad ng anino.   Ang mga taong matuwid ay tumititig sa pagkamangha rito, At maging ang walang-sala ay nababagabag dahil sa apostata.   Ang matuwid ay patuloy na nanghahawakang mahigpit sa kaniyang lakad,+ At ang may malilinis na kamay+ ay patuloy na nadaragdagan ng lakas.+ 10  Gayunman, kayong lahat ay maaaring magpatuloy. Kaya halikayo, pakisuyo, Yamang wala akong masumpungang marunong sa gitna ninyo.+ 11  Ang aking mga araw ay lumipas,+ ang aking mga plano ay nasira,+ Ang mga naisin ng aking puso. 12  Ang gabi ay lagi nilang ipinapalit sa araw:+ ‘Ang liwanag ay malapit dahil sa kadiliman.’ 13  Kung patuloy akong maghihintay, ang Sheol ang aking bahay;+ Sa kadiliman+ ay kailangan kong ilatag ang aking higaan. 14  Sa hukay+ ay kailangan kong tumawag, ‘Ikaw ang aking ama!’ Sa uod,+ ‘Aking ina at aking kapatid na babae!’ 15  Kaya nasaan nga ang aking pag-asa?+ At ang aking pag-asa—sino ang nakakakita nito? 16  Sa mga halang ng Sheol ay lulusong sila, Kapag tayo, sama-samang lahat, ay bababa sa mismong alabok.”+

Talababa