Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Job 12:1-25

12  At si Job ay sumagot at nagsabi:   “Sa katotohanan ay kayo ang bayan, At sa inyo ay mamamatay ang karunungan!+   Ako rin ay may puso+ na gaya ninyo. Hindi ako nakabababa sa inyo,+ At sino ang walang mga bagay na tulad ng mga ito?   Ako ay naging isang katatawanan sa kaniyang kapuwa,+ Isa na tumatawag sa Diyos upang sagutin niya siya.+ Isang katatawanan ang isa na matuwid at walang kapintasan.   Sa pag-iisip ay hinahamak niyaong malaya sa alalahanin ang pagkalipol;+ Iyon ay nakahanda para roon sa may mga paang sumusuray.+   Ang mga tolda ng mga mananamsam ay hindi nababahala,+ At ang mga nagpapagalit sa Diyos ang may katiwasayan Na para sa isa na nagdala ng isang diyos sa kaniyang kamay.+   Gayunman, tanungin mo, pakisuyo, ang maaamong hayop, at tuturuan ka nila;+ Gayundin ang mga may-pakpak na nilalang sa langit, at sasabihin nila sa iyo.+   O ipakita mo ang iyong pagkabahala sa lupa, at tuturuan ka nito;+ At ipahahayag iyon sa iyo ng mga isda sa dagat.+   Sino sa lahat ng mga ito ang hindi lubos na nakaaalam Na ang kamay ni Jehova ang gumawa nito,+ 10  Na sa kaniyang kamay ay naroon ang kaluluwa+ ng lahat ng may buhay At ang espiritu ng lahat ng laman ng tao?+ 11  Hindi ba sinusubok ng tainga ang mga salita+ Kung paanong nilalasahan ng ngalangala+ ang pagkain? 12  Hindi ba may karunungan sa matatanda na+ At unawa sa kahabaan ng mga araw? 13  Sa kaniya ay may karunungan at kalakasan;+ Siya ay may payo at unawa.+ 14  Narito! Siya ay nanggigiba, anupat hindi na maitatayo;+ Sinasarhan niya iyon sa tao, anupat hindi na iyon mabubuksan.+ 15  Narito! Pinipigil niya ang tubig at ito ay natutuyo;+ At isinusugo niya ito, at binabago nito ang lupa.+ 16  Sa kaniya ay may lakas at praktikal na karunungan;+ Ang gumagawa ng pagkakamali at ang nagliligaw ay sa kaniya;+ 17  Pinayayaon niyang nakatapak ang mga tagapayo,+ At pinangyayari niyang mabaliw ang mga hukom. 18  Ang mga gapos ng mga hari ay kaniya ngang kinakalag,+ At binibigkisan niya ng sinturon ang kanilang mga balakang. 19  Pinalalakad niya nang nakatapak ang mga saserdote,+ At ang mga nakaupo nang matatag ay kaniyang iginugupo;+ 20  Siya ay nag-aalis ng pananalita mula sa mga tapat, At ang katinuan ng matatandang lalaki ay inaalis niya; 21  Siya ay nagbubuhos ng panghahamak sa mga taong mahal,+ At ang pamigkis ng mga makapangyarihan ay kaniya ngang pinahihina; 22  Siya ay naglalantad ng malalalim na bagay mula sa kadiliman,+ At dinadala niya sa liwanag ang matinding karimlan; 23  Pinalalaki ang mga bansa, upang mapuksa niya sila;+ Pinalalaganap ang mga bansa, upang mailayo niya sila; 24  Inaalis ang puso ng mga pangulo ng bayan ng lupain, Upang mapagala-gala niya sila sa isang dakong ilang,+ kung saan walang daan. 25  Sila ay nag-aapuhap sa kadiliman,+ kung saan walang liwanag, Upang mapagala-gala niya silang tulad ng isang taong lasing.+

Talababa