Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Jeremias 8:1-22

8  “Sa panahong iyon,” ang sabi ni Jehova, “ilalabas din ng mga tao ang mga buto ng mga hari ng Juda at ang mga buto ng mga prinsipe nito at ang mga buto ng mga saserdote at ang mga buto ng mga propeta at ang mga buto ng mga tumatahan sa Jerusalem mula sa kanilang mga libingan.+  At ihahantad nga nila ang mga iyon sa araw at sa buwan at sa buong hukbo ng langit na inibig nila at pinaglingkuran nila at sinundan nila+ at hinanap nila at niyukuran nila.+ Hindi titipunin ang mga iyon, ni ililibing man. Magiging gaya ng dumi sa ibabaw ng lupa ang mga iyon.”+  “At ang kamatayan ay higit pa ngang pipiliin kaysa sa buhay+ niyaong lahat ng nalabi sa mga malalabi sa masamang pamilyang ito sa lahat ng mga dako ng mga malalabi, kung saan ko sila ipananabog,”+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.  “At sasabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Mabubuwal ba sila at hindi na muling babangon?+ Kung may isang manunumbalik, hindi ba manunumbalik din yaong isa pa?+  Bakit nga ba ang bayang ito, ang Jerusalem, ay di-tapat at may namamalaging kawalang-katapatan? Nanghawakan sila sa pandaraya;+ tumanggi silang manumbalik.+  Ako ay nagbigay-pansin,+ at patuloy akong nakinig.+ Hindi tama ang patuloy nilang pagsasalita. Walang isa mang tao ang nagsisisi sa kaniyang kasamaan,+ na nagsasabi, ‘Ano ba ang ginawa ko?’ Ang bawat isa ay bumabalik sa landasin ng karamihan,+ gaya ng kabayong dumadaluhong sa pagbabaka.  Maging ang siguana sa langit—nalalaman nitong lubos ang kaniyang mga takdang panahon;+ at ang batu-bato+ at ang sibad at ang tarat—sinusunod nilang mabuti ang panahon ng kani-kaniyang pagdating. Ngunit kung tungkol sa aking bayan, hindi nila napag-alaman ang kahatulan ni Jehova.” ’+  “ ‘Paano ninyo masasabi: “Kami ay marurunong, at ang kautusan ni Jehova ay nasa amin”?+ Ang totoo nga, ang bulaang panulat+ ng mga kalihim ay sumulat ng ganap na kabulaanan.  Ang marurunong ay napahiya.+ Sila ay nasindak at mahuhuli. Narito! Itinakwil nila ang mismong salita ni Jehova, at anong karunungan ang taglay nila?+ 10  Kaya ibibigay ko ang kanilang mga asawa sa ibang mga lalaki, ang kanilang mga bukid doon sa mga magmamay-ari;+ sapagkat, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila, ang bawat isa ay humahanap ng di-tapat na pakinabang;+ mula sa propeta hanggang sa saserdote, ang bawat isa ay gumagawi nang may kabulaanan.+ 11  At sinisikap nilang pagalingin nang bahagya ang pagkasira ng anak na babae ng aking bayan,+ na sinasabi: “May kapayapaan! May kapayapaan!” gayong wala namang kapayapaan.+ 12  Nakadama ba sila ng kahihiyan sapagkat gumawa nga sila ng bagay na karima-rimarim?+ Una, talagang hindi sila makadama ng kahihiyan; isa pa, ni hindi man lamang nila alam kung paano mapahiya.+ “ ‘Kaya mabubuwal sila sa gitna niyaong mga nabubuwal. Sa panahon ng pagtutuon ng pansin sa kanila,+ sila ay matitisod,’ ang sabi ni Jehova.+ 13  “ ‘Kapag isinasagawa ang pagtitipon ay dadalhin ko sila sa kanilang katapusan,’ ang sabi ni Jehova.+ ‘Hindi magkakaroon ng mga ubas sa punong ubas,+ at hindi magkakaroon ng mga igos sa puno ng igos, at ang mga dahon ay tiyak na malalanta. At ang mga bagay na ibinibigay ko sa kanila ay makalalampas sa kanila.’ ” 14  “Bakit tayo nakaupong tahimik? Magpisan kayo, at pumasok tayo sa mga nakukutaang lunsod+ at manahimik tayo roon. Sapagkat si Jehova na ating Diyos ang siyang nagpatahimik sa atin,+ at binibigyan niya tayo ng tubig na may lason upang inumin,+ sa dahilang nagkasala tayo laban kay Jehova. 15  Inaasahan ang kapayapaan, ngunit walang dumating na mabuti;+ ang panahon ng kagalingan, ngunit, narito! kakilabutan!+ 16  Mula sa Dan+ ay narinig ang pagsingasing ng kaniyang mga kabayo. Dahil sa ingay ng paghalinghing ng kaniyang mga barakong kabayo ay nagsimulang umuga ang buong lupain.+ At dumarating sila at nilalamon ang lupain at ang lahat ng naroroon, ang lunsod at ang mga tumatahan doon.” 17  “Sapagkat narito, magsusugo ako sa gitna ninyo ng mga serpiyente, ng makamandag na mga ahas,+ na hindi maeengkanto,+ at tiyak na kakagatin nila kayo,” ang sabi ni Jehova. 18  Isang pamimighati na hindi mapagagaling ang sumapit sa akin.+ Ang aking puso ay may sakit. 19  Narito, may ingay ng paghingi ng tulong ng anak na babae ng aking bayan mula sa isang lupain sa malayo:+ “Wala ba si Jehova sa Sion?+ O wala ba sa kaniya ang kaniyang hari?”+ “Bakit nila ako ginagalit sa pamamagitan ng kanilang mga nililok na imahen, sa pamamagitan ng kanilang walang-kabuluhang mga banyagang diyos?”+ 20  “Ang pag-aani ay nakaraan na, ang tag-araw ay nagwakas na; ngunit kung tungkol sa atin, hindi tayo naligtas!”+ 21  Dahil sa pagkasira+ ng anak na babae ng aking bayan ay nasaktan ako.+ Ako ay nalungkot. Pinanaigan ako ng matinding panggigilalas.+ 22  Wala bang balsamo sa Gilead?+ O wala bang tagapagpagaling doon?+ Kung gayon ay bakit hindi pa dumarating ang paggaling+ ng anak na babae ng aking bayan?+

Talababa