Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Jeremias 7:1-34

7  Ang salita na dumating kay Jeremias mula kay Jehova, na nagsasabi:  “Tumayo ka sa pintuang-daan ng bahay ni Jehova, at ihayag mo roon ang salitang ito,+ at sabihin mo, ‘Dinggin ninyo ang salita ni Jehova, kayong lahat na nasa Juda, na pumapasok sa mga pintuang-daang ito upang yumukod kay Jehova.  Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel: “Pabutihin ninyo ang inyong mga lakad at ang inyong mga pakikitungo, at patuloy ko kayong patatahanin sa dakong ito.+  Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mapandayang mga salita,+ na nagsasabi, ‘Ang templo ni Jehova, ang templo ni Jehova, ang templo ni Jehova ang mga iyon!’  Sapagkat kung walang pagsalang pabubutihin ninyo ang inyong mga lakad at ang inyong mga pakikitungo, kung walang pagsalang maglalapat kayo ng katarungan sa pagitan ng isang tao at ng kaniyang kapuwa,+  kung hindi ninyo sisiilin ang naninirahang dayuhan, ang batang lalaking walang ama at ang babaing balo,+ at hindi kayo magbububo ng dugong walang-sala sa dakong ito,+ at sa ibang mga diyos ay hindi kayo susunod sa ikapapahamak ninyo,+  patuloy ko naman kayong patatahanin sa dakong ito, sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga ninuno, mula sa panahong walang takda at maging hanggang sa panahong walang takda.” ’ ”+  “Narito, naglalagak kayo ng inyong tiwala sa mapandayang mga salita—tiyak na hindi iyon mapakikinabangan sa anumang paraan.+  Maaari bang magkaroon ng pagnanakaw,+ pagpaslang+ at pangangalunya+ at pagsumpa nang may kabulaanan+ at paggawa ng haing usok para kay Baal+ at pagsunod sa ibang mga diyos na hindi ninyo nakilala,+ 10  at paririto ba kayo at tatayo sa harap ko sa bahay na ito na tinatawag sa aking pangalan,+ at sasabihin ba ninyo, ‘Tiyak na maliligtas kami,’ sa kabila ng paggawa ng lahat ng karima-rimarim na bagay na ito? 11  Ang bahay bang ito na tinatawag sa aking pangalan+ ay naging isa lamang yungib ng mga magnanakaw sa inyong paningin?+ Narito, ako rin mismo ang nakakita nito,” ang sabi ni Jehova.+ 12  “ ‘Gayunman, pumaroon kayo ngayon sa aking dako na nasa Shilo,+ kung saan ko pinatahan ang aking pangalan noong una,+ at tingnan ninyo kung ano ang ginawa ko roon dahil sa kasamaan ng aking bayang Israel.+ 13  At sa dahilan nga na patuloy ninyong ginagawa ang lahat ng mga gawang ito,’ ang sabi ni Jehova, ‘at patuloy akong nagsasalita sa inyo, na bumabangon nang maaga at nagsasalita,+ ngunit hindi kayo nakinig,+ at patuloy akong tumatawag sa inyo, ngunit hindi kayo sumagot,+ 14  gagawin ko rin sa bahay na tinatawag sa aking pangalan,+ na pinagtitiwalaan ninyo,+ at sa dako na ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga ninuno, ang gaya ng ginawa ko sa Shilo.+ 15  At palalayasin ko kayo mula sa harap ng aking mukha,+ gaya ng pagpapalayas ko sa lahat ng inyong mga kapatid, ang buong supling ni Efraim.’+ 16  “At ikaw naman, huwag kang manalangin para sa bayang ito, ni magpailanlang para sa kanila ng pagsusumamo o ng panalangin ni mamanhik man sa akin,+ sapagkat hindi ako makikinig sa iyo.+ 17  Hindi mo ba nakikita kung ano ang ginagawa nila sa mga lunsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem?+ 18  Ang mga anak ay namumulot ng mga patpat na kahoy, at ang mga ama ay nagpapaningas ng apoy, at ang mga asawang babae ay nagmamasa ng masang harina upang gumawa ng mga haing tinapay para sa ‘reyna ng langit’;+ at ibinubuhos ang mga handog na inumin+ para sa ibang mga diyos sa layuning galitin ako.+ 19  ‘Ako ba ang sinasaktan nila?’ ang sabi ni Jehova.+ ‘Hindi ba ang kanila mismong sarili, ukol sa ikahihiya ng kanilang mga mukha?’+ 20  Kaya ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘Narito! Ang aking galit at ang aking pagngangalit ay mabubuhos sa dakong ito,+ sa mga tao at sa alagang hayop, at sa punungkahoy sa parang+ at sa bunga ng lupa; at iyon ay magniningas, at hindi iyon sasawatain.’+ 21  “Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, ‘Idagdag ninyo ang inyong mga buong handog na sinusunog sa inyong mga hain at kumain kayo ng karne.+ 22  Sapagkat hindi ako nagsalita sa inyong mga ninuno, ni nag-utos man ako sa kanila nang araw na ilabas ko sila mula sa lupain ng Ehipto may kinalaman sa buong handog na sinusunog at hain.+ 23  Ngunit ang salitang ito ang ipinahayag ko sa kanila bilang utos, na sinasabi: “Sundin ninyo ang aking tinig,+ at ako ang magiging inyong Diyos,+ at kayo mismo ang magiging aking bayan; at lumakad kayo sa lahat ng daan+ na iuutos ko sa inyo, upang mapabuti kayo.” ’+ 24  Ngunit hindi sila nakinig, ni ikiniling man nila ang kanilang pandinig,+ kundi lumakad sila sa mga panukala ayon sa pagkasutil ng kanilang masamang puso,+ anupat naging paurong sila at hindi pasulong,+ 25  mula nang araw na lumabas ang inyong mga ninuno mula sa lupain ng Ehipto hanggang sa araw na ito;+ at patuloy kong isinusugo sa inyo ang lahat ng aking mga lingkod na mga propeta, na araw-araw ay bumabangon nang maaga at isinusugo sila.+ 26  Ngunit hindi sila nakinig sa akin, at hindi nila ikiniling ang kanilang pandinig,+ kundi patuloy nilang pinatigas ang kanilang leeg.+ Gumawi sila nang mas masama kaysa sa kanilang mga ninuno!+ 27  “At sasalitain mo sa kanila ang lahat ng mga salitang ito,+ ngunit hindi sila makikinig sa iyo; at tatawag ka sa kanila, ngunit hindi ka nila sasagutin.+ 28  At sasabihin mo sa kanila, ‘Ito ang bansa na ang mga tao roon ay hindi sumunod sa tinig ni Jehova na kanilang Diyos,+ at hindi tumanggap ng disiplina.+ Ang katapatan ay naglaho, at iyon ay nahiwalay sa kanilang bibig.’+ 29  “Gupitin mo ang iyong di-nagupitang buhok at itapon mo,+ at sa ibabaw ng mga hantad na burol ay humiyaw ka ng panambitan,+ sapagkat itinakwil ni Jehova+ at pababayaan niya ang salinlahi na kaniyang kinapopootan.+ 30  ‘Sapagkat ginawa ng mga anak ni Juda ang masama sa aking paningin,’ ang sabi ni Jehova. ‘Inilagay nila ang kanilang mga kasuklam-suklam na bagay sa bahay na tinatawag sa aking pangalan, upang dungisan iyon.+ 31  At itinayo nila ang matataas na dako ng Topet,+ na nasa libis ng anak ni Hinom,+ upang sunugin sa apoy ang kanilang mga anak na lalaki at ang kanilang mga anak na babae,+ isang bagay na hindi ko iniutos ni pumasok man sa aking puso.’+ 32  “ ‘Kaya nga, narito! ang mga araw ay dumarating,’ ang sabi ni Jehova, ‘kapag hindi na iyon tatawaging Topet at libis ng anak ni Hinom, kundi libis ng pagpatay;+ at maglilibing sila sa Topet na doon ay wala nang sapat na dako.+ 33  At ang mga bangkay ng bayang ito ay magiging pagkain para sa mga lumilipad na nilalang sa langit at para sa mga hayop sa lupa, at walang sinumang magpapanginig sa kanila.+ 34  At paglalahuin ko mula sa mga lunsod ng Juda at mula sa mga lansangan ng Jerusalem ang tinig ng pagbubunyi at ang tinig ng pagsasaya, ang tinig ng kasintahang lalaki at ang tinig ng kasintahang babae;+ sapagkat ang lupain ay lubusang magiging isang wasak na dako.’ ”+

Talababa