Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Jeremias 6:1-30

6  Sumilong kayo, O kayong mga anak ni Benjamin, mula sa gitna ng Jerusalem; at sa Tekoa+ ay hipan ninyo ang tambuli.+ At sa Bet-hakerem+ ay magtaas kayo ng hudyat na apoy; sapagkat ang kapahamakan ay nakatanaw mula sa hilaga, isa ngang malakas na pagbagsak.+  Ang anak na babae ng Sion ay nakahalintulad nga ng isang babaing kahali-halina at pinalaking mayumi.+  Sa kaniya ay pumaroon ang mga pastol at ang kanilang mga kawan. Laban sa kaniya ay nagtayo sila ng kanilang mga tolda sa buong palibot.+ Nanginain sila ng kani-kaniyang bahagi.+  Laban sa kaniya ay nagpabanal sila ng digmaan:+ “Bumangon kayo, at umahon tayo sa katanghaliang tapat!”+ “Sa aba natin, sapagkat ang araw ay nagtatapos na, sapagkat ang mga anino sa gabi ay patuloy na humahaba!”  “Bumangon kayo, at umahon tayo sa gabi at gibain natin ang kaniyang mga tirahang tore.”+  Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: “Pumutol kayo ng kahoy+ at itindig ninyo laban sa Jerusalem ang isang muralyang pangubkob.+ Siya ang lunsod na hihingan ng pagsusulit.+ Siya ay walang iba kundi paniniil lamang sa gitna niya.+  Kung paanong pinananatiling malamig ng imbakang-tubig ang tubig nito, gayon niya pinananatiling malamig ang kaniyang kasamaan. Ang karahasan at pananamsam ay naririnig sa kaniya;+ ang sakit at salot ay palaging nasa harap ng aking mukha.  Magpatuwid ka,+ O Jerusalem, upang ang aking kaluluwa ay hindi lumayo sa iyo sa pagkasuklam;+ upang hindi kita gawing tiwangwang na kaguhuan, isang lupaing hindi tinatahanan.”+  Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: “Walang pagsalang hihimalayin nila ang nalabi ng Israel na parang isang punong ubas.+ Ibalik mo ang iyong kamay na gaya niyaong namimitas ng ubas sa mga pangkuyapit ng baging.” 10  “Kanino ako magsasalita at magbibigay ng babala, upang marinig nila? Narito! Ang kanilang tainga ay di-tuli, anupat hindi sila makapagbigay-pansin.+ Narito! Ang mismong salita ni Jehova ay naging kadustaan sa kanila,+ na salitang hindi nila kinalulugdan.+ 11  At napuno ako ng pagngangalit ni Jehova. Nanghimagod ako sa kapipigil.”+ “Ibuhos mo iyon sa batang nasa lansangan+ at sa matalik na kapisanan ng mga kabataang lalaki nang magkakasabay; sapagkat mahuhuli rin sila, ang lalaki kasama ang kaniyang asawa, ang matanda kasama ang isang puspos ng mga araw.+ 12  At ang kanilang mga bahay ay tiyak na ibibigay sa iba upang ariin, ang mga bukid at ang mga asawa nang magkakasabay.+ Sapagkat iuunat ko ang aking kamay laban sa mga tumatahan sa lupain,” ang sabi ni Jehova.+ 13  “Sapagkat mula sa pinakamababa sa kanila hanggang sa pinakadakila sa kanila, bawat isa ay naghahanap sa ganang kaniya ng di-tapat na pakinabang;+ at mula sa propeta hanggang sa saserdote, bawat isa ay gumagawi nang may kabulaanan.+ 14  At sinisikap nilang pagalingin nang bahagya ang pagkasira ng aking bayan,+ na sinasabi, ‘May kapayapaan! May kapayapaan!’ gayong wala namang kapayapaan.+ 15  Nakadama ba sila ng kahihiyan sapagkat isang bagay na karima-rimarim ang ginawa nila?+ Una, talagang hindi sila nakadarama ng kahihiyan; isa pa, hindi man lamang nila alam kung paano mapahiya.+ Kaya mabubuwal sila sa gitna niyaong mga nabubuwal;+ sa panahon ng paghingi ko sa kanila ng pagsusulit ay matitisod sila,” ang sabi ni Jehova. 16  Ito ang sinabi ni Jehova: “Tumayo kayo sa mga daan at tingnan, at ipagtanong ninyo ang mga landas noong sinaunang panahon, kung nasaan nga ang mabuting daan;+ at lakaran ninyo iyon,+ at makasumpong kayo ng kaginhawahan para sa inyong mga kaluluwa.”+ Ngunit patuloy nilang sinasabi: “Hindi namin lalakaran.”+ 17  “At nagbangon ako sa inyo ng mga bantay,+ ‘Magbigay-pansin kayo sa tunog ng tambuli!’ ”+ Ngunit patuloy nilang sinasabi: “Hindi kami magbibigay-pansin.”+ 18  “Kaya dinggin ninyo, O kayong mga bansa! At alamin mo, O ikaw na kapulungan, kung ano ang darating sa kanila. 19  Pakinggan mo, O lupa! Narito, magpapasapit ako ng kapahamakan sa bayang ito+ bilang bunga ng kanilang mga kaisipan,+ sapagkat hindi sila nagbigay-pansin sa akin mismong mga salita; at ang aking kautusan—patuloy rin nilang itinatakwil iyon.”+ 20  “Ano ang halaga nito sa akin kung nagdadala ka man ng olibano mula sa Sheba+ at ng mainam na kania mula sa lupain sa malayo? Ang inyong mga buong handog na sinusunog ay hindi nagdudulot ng kaluguran,+ at ang inyo mismong mga hain ay hindi kasiya-siya sa akin.”+ 21  Kaya ito ang sinabi ni Jehova: “Narito, maglalagay ako ng mga katitisuran para sa bayang ito,+ at tiyak na matitisod sila sa mga iyon, mga ama at mga anak na magkakasama; ang kapitbahay at ang kaniyang kasama—malilipol sila.”+ 22  Ito ang sinabi ni Jehova: “Narito! Isang bayan ang dumarating mula sa lupain ng hilaga, at may isang dakilang bansa na magigising mula sa pinakamalalayong bahagi ng lupa.+ 23  Ang busog at ang diyabelin ay kanilang hahawakan.+ Iyon ay malupit, at hindi sila mahahabag. Ang kanilang tinig ay aalingawngaw na parang dagat,+ at sasakay sila sa mga kabayo.+ Iyon ay nakahanay sa pagbabaka gaya ng isang lalaking mandirigma laban sa iyo, O anak na babae ng Sion.”+ 24  Narinig namin ang ulat tungkol doon. Ang aming mga kamay ay nanlupaypay.+ Pinanaigan kami ng kabagabagan, ng mga kirot ng pagdaramdam na gaya ng sa babaing nanganganak.+ 25  Huwag kang lumabas sa parang, at huwag kang lumakad sa daan; sapagkat naroon ang tabak ng kaaway, may pagkatakot sa buong palibot.+ 26  O anak na babae ng aking bayan, magbigkis ka ng telang-sako+ at gumumon ka sa abo.+ Ang iyong pagdadalamhati ay gawin mong gaya niyaong para sa kaisa-isang anak, ang paghagulhol na may kapaitan;+ sapagkat biglang darating sa atin ang mananamsam.+ 27  “Ikaw ay ginawa kong tagauri ng metal sa gitna ng aking bayan, isa na lubusang nagsusuri; at magbibigay-pansin ka at susuriin mo ang kanilang lakad.+ 28  Silang lahat ang pinakasutil na mga tao,+ gumagala-gala bilang mga maninirang-puri+—tanso at bakal. Silang lahat ay mapagpahamak.+ 29  Ang mga bulusan+ ay nasunog. Mula sa kanilang apoy ay may tingga.+ Ang isa ay patuloy na puspusang nagdadalisay na wala namang kabuluhan, at yaong masasama ay hindi nahihiwalay.+ 30  Pilak na itinakwil ang tiyak na itatawag sa kanila ng mga tao,+ sapagkat itinakwil sila ni Jehova.”+

Talababa