Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Jeremias 45:1-5

45  Ang salita na sinalita ni Jeremias na propeta kay Baruc+ na anak ni Nerias nang isulat niya sa isang aklat ang mga salitang ito mula sa bibig ni Jeremias+ nang ikaapat na taon ni Jehoiakim+ na anak ni Josias, na hari ng Juda, na nagsasabi:  “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel may kinalaman sa iyo, O Baruc,  ‘Sinabi mo: “Sa aba ko ngayon,+ sapagkat dinagdagan ni Jehova ng pamimighati ang aking kirot! Nanghimagod ako dahil sa aking pagbubuntunghininga, at wala akong nasumpungang pahingahang-dako.” ’+  “Ito ang dapat mong sabihin sa kaniya, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Narito! Ang itinayo ko ay aking gigibain, at ang itinanim ko ay aking bubunutin, ang buong lupain nga.+  Ngunit kung tungkol sa iyo, patuloy kang humahanap ng mga dakilang bagay para sa iyong sarili.+ Huwag ka nang maghanap.” ’+ “ ‘Sapagkat narito, magpapasapit ako ng kapahamakan sa lahat ng laman,’+ ang sabi ni Jehova, ‘at ibibigay ko sa iyo ang iyong kaluluwa bilang samsam sa lahat ng dako na iyong paroroonan.’ ”+

Talababa