Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Jeremias 4:1-31

4  “Kung manunumbalik ka, O Israel,” ang sabi ni Jehova, “ay makapanunumbalik ka nga sa akin.+ At kung aalisin mo ang iyong mga kasuklam-suklam na bagay nang dahil sa akin,+ kung magkagayon ay hindi ka yayaon bilang takas.  At kung susumpa ka nga,+ ‘Buháy si Jehova sa katotohanan,+ sa katarungan at sa katuwiran!’+ sa kaniya nga ay pagpapalain ng mga bansa ang kanilang sarili, at sa kaniya ay ipaghahambog nila ang kanilang sarili.”+  Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova sa mga tao ng Juda at sa Jerusalem: “Mag-araro kayo sa ganang inyo ng sakahang lupain, at huwag na kayong maghasik sa gitna ng mga tinik.+  Magpatuli kayo para kay Jehova, at alisin ninyo ang mga dulong-balat ng inyong mga puso,+ kayong mga tao ng Juda at mga tumatahan sa Jerusalem; upang ang aking pagngangalit ay huwag lumabas na gaya ng apoy, at magningas nga ito na walang sinumang papatay, dahil sa kasamaan ng inyong mga pakikitungo.”+  Sabihin ninyo iyon sa Juda, at ipahayag ninyo sa Jerusalem,+ at ibalita ninyo, at hipan ninyo ang tambuli sa buong lupain.+ Tumawag kayo nang malakas at sabihin: “Magpisan kayo, at pumasok tayo sa mga nakukutaang lunsod.+  Magtaas kayo ng isang hudyat tungo sa Sion. Maglaan kayo ng masisilungan. Huwag kayong tumigil.” Sapagkat isang kapahamakan ang dadalhin ko mula sa hilaga,+ isa ngang malakas na pagbagsak.  Siya ay umahong gaya ng isang leon mula sa kaniyang palumpungan,+ at yaong gumigiba ng mga bansa ay lumisan;+ lumabas siya mula sa kaniyang dako upang ang iyong lupain ay gawing bagay na panggigilalasan. Ang iyong mga lunsod ay guguho anupat walang tatahan.+  Dahil dito ay magbigkis kayo ng telang-sako.+ Dagukan ninyo ang inyong mga dibdib at magpalahaw,+ sapagkat ang nag-aapoy na galit ni Jehova ay hindi pa napapawi mula sa atin.+  “At mangyayari sa araw na iyon,” ang sabi ni Jehova, “na ang puso ng hari ay masasawi,+ gayundin ang puso ng mga prinsipe; at ang mga saserdote ay tiyak na manggigilalas, at ang mga propeta ay mamamangha.”+ 10  At sinabi ko: “Ay, O Soberanong Panginoong Jehova! Tunay na lubusan mong nilinlang ang bayang ito+ at ang Jerusalem, na sinasabi, ‘Ang kapayapaan ay mapapasainyo,’+ at ang tabak ay umabot na hanggang sa kaluluwa.” 11  Sa panahong iyon ay sasabihin sa bayang ito at sa Jerusalem: “May nakapapasong hangin sa mga dinaraanang landas sa ilang+ sa daang patungo sa anak na babae ng aking bayan;+ hindi iyon para sa pagtatahip, ni para sa paglilinis man. 12  Ang malakas na hangin ay dumarating sa akin mula sa mga ito. Ngayon ay sasalitain ko rin ang mga kahatulan sa kanila.+ 13  Narito! Aahon siyang gaya ng mga ulap-ulan, at ang kaniyang mga karo ay gaya ng bagyong hangin.+ Ang kaniyang mga kabayo ay mas matulin kaysa sa mga agila.+ Sa aba natin, sapagkat tayo ay sinamsaman! 14  Hugasan mo nang malinis ang iyong puso mula sa matinding kasamaan, O Jerusalem, upang maligtas ka.+ Hanggang kailan mananatili sa loob mo ang iyong maling mga kaisipan?+ 15  Sapagkat may tinig na nagbabalita mula sa Dan+ at naghahayag ng isang bagay na nakasasakit mula sa bulubunduking pook ng Efraim.+ 16  Oo, banggitin ninyo iyon sa mga bansa. Ipahayag ninyo iyon laban sa Jerusalem.” “Ang mga nagbabantay ay dumarating mula sa isang lupain sa malayo,+ at ilalakas nila ang kanilang tinig laban sa mismong mga lunsod ng Juda. 17  Gaya ng mga bantay sa malawak na parang, sila ay naging laban sa kaniya sa magkabi-kabila,+ sapagkat naghimagsik siya laban sa akin,”+ ang sabi ni Jehova. 18  “Ang iyong lakad at ang iyong mga pakikitungo—gagawin sa iyo ang mga ito.+ Ito ang kapahamakan sa iyo, sapagkat iyon ay mapait; dahil nakaabot iyon hanggang sa iyong puso.” 19  O ang bituka ko, ang bituka ko! Ako ay dumaranas ng matitinding kirot sa mga dingding ng aking puso.+ Ang aking puso ay kumakabog sa loob ko.+ Hindi ako matahimik, sapagkat tunog ng tambuli ang narinig ng aking kaluluwa, ang babalang hudyat ng digmaan.+ 20  Pagbagsak at pagbagsak ang siyang isinisigaw, sapagkat ang buong lupain ay sinamsaman.+ Biglang sinamsaman ang aking mga tolda,+ sa isang sandali ay ang aking mga telang pantolda. 21  Hanggang kailan ko pa makikita ang hudyat, maririnig ang tunog ng tambuli?+ 22  Sapagkat ang aking bayan ay mangmang.+ Sa akin ay hindi sila nagbigay-pansin.+ Sila ay mga anak na di-marurunong; at hindi sila yaong mga may unawa.+ Marurunong sila sa paggawa ng masama, ngunit sa paggawa ng mabuti ay talagang wala silang kaalaman.+ 23  Nakita ko ang lupain, at, narito! ito ay walang laman at tiwangwang;+ at sa mga langit, at ang kanilang liwanag ay wala na.+ 24  Nakita ko ang mga bundok, at, narito! ang mga iyon ay umuuga, at ang lahat ng mga burol ay niyayanig.+ 25  Tumingin ako, at, narito! wala ni isang makalupang tao, at ang lahat ng mga lumilipad na nilalang sa langit ay tumakas.+ 26  Tumingin ako, at, narito! ang taniman ay ilang, at ang lahat ng mga lunsod nito ay giniba.+ Iyon ay dahil kay Jehova, dahil sa kaniyang nag-aapoy na galit. 27  Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova: “Magiging tiwangwang na kaguhuan ang buong lupain,+ at hindi ba ako magsasagawa ng lubos na paglipol?+ 28  Dahil dito ay magdadalamhati ang lupain,+ at ang langit sa itaas ay tiyak na magdidilim.+ Ito ay dahil nagsalita ako, nagsaalang-alang ako, at hindi ako nanghinayang, ni uurungan ko man iyon.+ 29  Dahil sa ingay ng mga mangangabayo at ng mga mamamana ng busog ay tumatakas ang buong lunsod.+ Pumasok sila sa mga palumpungan, at sa malalaking bato ay sumampa sila.+ Ang bawat lunsod ay iniwan, at walang taong tumatahan sa mga iyon.” 30  Ngayong ikaw ay sinamsaman, ano ang gagawin mo, yamang dati kang nagdadamit ng iskarlata, yamang dati kang naggagayak ng mga palamuting ginto, yamang dati mong pinalalaki ang iyong mga mata sa pamamagitan ng itim na pinta?+ Walang kabuluhan ang dati mong pagpapaganda ng iyong sarili.+ Itinakwil ka niyaong mga may-kahalayang nagnanasa sa iyo; patuloy nilang hinahanap ang iyo mismong kaluluwa.+ 31  Sapagkat isang tinig na gaya ng sa babaing may sakit ang narinig ko, ang kabagabagang gaya ng sa babaing nagsisilang ng kaniyang unang anak,+ ang tinig ng anak na babae ng Sion na sumisinghap sa paghinga. Patuloy niyang iniuunat ang kaniyang mga palad:+ “Sa aba ko ngayon, sapagkat ang aking kaluluwa ay pagod na dahil sa mga pumapatay!”+

Talababa