Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Jeremias 31:1-40

31  “Sa panahong iyon,” ang sabi ni Jehova, “ako ang magiging Diyos ng lahat ng mga pamilya ng Israel; at kung tungkol sa kanila, sila ang magiging aking bayan.”+  Ito ang sinabi ni Jehova: “Ang bayan na binubuo ng mga nakaligtas sa tabak ay nakasumpong ng lingap sa ilang,+ noong ang Israel ay lumalakad patungo sa kaniyang kapahingahan.”+  Mula sa malayo ay nagpakita sa akin si Jehova, na nagsasabi: “At ikaw ay inibig ko ng pag-ibig na hanggang sa panahong walang takda.+ Kaya naman inilapit kita taglay ang maibiging-kabaitan.+  Itatayo pa kitang muli at muli ka ngang matatayo,+ O dalaga ng Israel. Gagayakan mo pa ng iyong mga tamburin ang iyong sarili at hahayo ka nga sa sayaw niyaong mga tumatawa.+  Magtatanim ka pa ng mga ubasan sa mga bundok ng Samaria.+ Ang mga tagapagtanim ay tiyak na magtatanim at magpapasimulang gamitin ang mga iyon.+  Sapagkat may isang araw na ang mga tanod sa bulubunduking pook ng Efraim ay sisigaw, ‘Bumangon kayo, at umahon tayo sa Sion, kay Jehova na ating Diyos.’ ”+  Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova: “Humiyaw kayo nang malakas sa Jacob nang may pagsasaya, at sumigaw kayo nang malakas sa unahan ng mga bansa.+ Ipahayag ninyo iyon.+ Magbigay kayo ng papuri at sabihin ninyo, ‘Iligtas mo, O Jehova, ang iyong bayan, ang nalabi ng Israel.’+  Narito, dadalhin ko sila mula sa lupain ng hilaga,+ at titipunin ko sila mula sa pinakamalalayong bahagi ng lupa.+ Kasama nila ang bulag at ang pilay, ang babaing nagdadalang-tao at ang nagsisilang, magkakasamang lahat.+ Babalik sila rito bilang isang malaking kongregasyon.+  Paririto silang may pagtangis,+ at dahil sa kanilang mga pagsusumamo ay dadalhin ko sila. Palalakarin ko sila patungo sa mga agusang libis ng tubig,+ sa tamang daan na doon ay hindi sila matitisod. Sapagkat ako ay naging Ama ng Israel;+ at kung tungkol sa Efraim, siya ang aking panganay.”+ 10  Dinggin ninyo ang salita ni Jehova, O kayong mga bansa, at ipahayag ninyo iyon sa mga pulo sa malayo,+ at sabihin ninyo: “Ang Isa na nagpapangalat sa Israel ang siyang magtitipon sa kaniya,+ at tiyak na iingatan niya siya gaya ng pastol sa kaniyang kawan.+ 11  Sapagkat tutubusin nga ni Jehova ang Jacob+ at babawiin siya mula sa kamay niyaong mas malakas kaysa sa kaniya.+ 12  At sila ay tiyak na paririto at hihiyaw nang may kagalakan sa kaitaasan ng Sion+ at magniningning dahil sa kabutihan ni Jehova,+ dahil sa butil at dahil sa bagong alak+ at dahil sa langis at dahil sa mga anak ng kawan at ng mga baka.+ At ang kanilang kaluluwa ay magiging gaya ng isang hardin na nadidiligang mainam,+ at hindi na sila muling manghihina.”+ 13  “Sa panahong iyon ay magsasaya sa sayaw ang dalaga, gayundin ang mga kabataang lalaki at ang matatandang lalaki, magkakasamang lahat.+ At ang kanilang pagdadalamhati ay gagawin kong pagbubunyi, at aaliwin ko sila at pagsasayahin sila mula sa kanilang pamimighati.+ 14  At bibigyang-kasiyahan ko sa katabaan+ ang kaluluwa ng mga saserdote, at mabubusog sa aking kabutihan ang aking sariling bayan,”+ ang sabi ni Jehova. 15  “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Sa Rama+ ay naririnig ang isang tinig, pagtaghoy at mapait na pagtangis;+ si Raquel+ ay tumatangis dahil sa kaniyang mga anak.+ Siya ay tumangging maaliw dahil sa kaniyang mga anak,+ sapagkat sila ay wala na.’ ”+ 16  Ito ang sinabi ni Jehova: “ ‘Pigilan mo ang iyong tinig sa pagtangis, at ang iyong mga mata sa pagluha,+ sapagkat may gantimpala sa iyong gawa,’ ang sabi ni Jehova, ‘at tiyak na babalik sila mula sa lupain ng kaaway.’+ 17  “ ‘At may pag-asa+ ang iyong kinabukasan,’ ang sabi ni Jehova, ‘at ang mga anak ay tiyak na babalik sa kanilang sariling teritoryo.’ ”+ 18  “Narinig ko nga ang Efraim na naghihinagpis para sa kaniyang sarili,+ ‘Itinuwid mo ako, upang ako ay maituwid,+ tulad ng isang guya na hindi pa nasasanay.+ Panumbalikin mo ako, at ako ay kusang-loob na manunumbalik,+ sapagkat ikaw ay si Jehova na aking Diyos.+ 19  Sapagkat matapos akong manumbalik ay nagsisi ako;+ at matapos akong akayin upang makaalam ay tumampal ako sa hita.+ Ako ay napahiya, at nakadama rin ako ng pagkaaba,+ sapagkat dinala ko ang kadustaan ng aking kabataan.’ ”+ 20  “Ang Efraim ba ay anak na mahal sa akin, o isang batang kinagigiliwan?+ Sapagkat kung paanong nagsasalita ako laban sa kaniya ay gayon ko nga siya aalalahanin nang higit pa.+ Kaya naman ang aking mga bituka ay nagkakaingay dahil sa kaniya.+ Tiyak na kahahabagan ko siya,”+ ang sabi ni Jehova. 21  “Magtayo ka ng mga palatandaan sa daan sa ganang iyo. Maglagay ka ng mga posteng tanda sa ganang iyo.+ Ituon mo ang iyong puso sa lansangang-bayan, sa daan na iyong patutunguhan.+ Bumalik ka, O dalaga ng Israel. Bumalik ka sa mga lunsod mong ito.+ 22  Hanggang kailan ka babaling dito’t doon,+ O di-tapat na anak na babae?+ Sapagkat si Jehova ay lumalang ng isang bagong bagay sa lupa: Palilibutan ng isang babae ang matipunong lalaki.” 23  Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel: “Sasabihin pa nila ang salitang ito sa lupain ng Juda at sa kaniyang mga lunsod, kapag tinipon ko ang kanilang mga bihag, ‘Pagpalain ka nawa ni Jehova,+ O matuwid na tahanang dako,+ O banal na bundok.’+ 24  At doon ay tiyak na mananahanang magkakasama ang Juda at ang lahat ng kaniyang mga lunsod, ang mga magsasaka at yaong mga humayong kasama ng kawan.+ 25  Sapagkat bibigyang-kasiyahan ko ang kaluluwang pagod, at ang bawat kaluluwang nanlalata ay bubusugin ko.”+ 26  Sa bagay na ito ay nagising ako at nagsimulang makakita; at kung tungkol sa aking tulog, naging kalugud-lugod iyon sa akin. 27  “Narito! Dumarating ang mga araw,” ang sabi ni Jehova, “at hahasikan ko ang sambahayan ng Israel at ang sambahayan ni Juda ng binhi ng tao at ng binhi ng alagang hayop.”+ 28  “At mangyayari nga na kung paanong naging mapagbantay ako sa kanila+ upang bumunot at magbagsak at maggiba at mangwasak at maminsala,+ gayon ako magiging mapagbantay sa kanila upang magtayo at magtatag,”+ ang sabi ni Jehova. 29  “Sa mga araw na iyon ay hindi na nila sasabihin, ‘Ang mga ama ang kumain ng hilaw na ubas, ngunit ang mga ngipin ng mga anak ang nangilo.’+ 30  Kundi ang bawat isa ay mamamatay dahil sa kaniyang sariling kamalian.+ Ang sinumang tao na kumakain ng hilaw na ubas, kaniyang mga ngipin ang mangingilo.” 31  “Narito! Dumarating ang mga araw,” ang sabi ni Jehova, “at makikipagtipan ako ng isang bagong tipan+ sa sambahayan ng Israel+ at sa sambahayan ni Juda;+ 32  hindi gaya ng tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga ninuno noong araw na hawakan ko ang kanilang kamay upang ilabas sila mula sa lupain ng Ehipto,+ ‘na ang tipan kong iyon ay sinira nila,+ bagaman ako ang nagmamay-ari sa kanila bilang asawa,’+ ang sabi ni Jehova.” 33  “Sapagkat ito ang tipan+ na ipakikipagtipan ko sa sambahayan ng Israel pagkatapos ng mga araw na iyon,”+ ang sabi ni Jehova. “Ilalagay ko sa loob nila ang aking kautusan,+ at sa kanilang puso ay isusulat ko iyon.+ At ako ang magiging kanilang Diyos, at sila mismo ang magiging aking bayan.”+ 34  “At hindi na sila magtuturo pa, bawat isa ay sa kaniyang kasama at bawat isa ay sa kaniyang kapatid,+ na sinasabi, ‘Kilalanin ninyo si Jehova!’+ sapagkat silang lahat ay makakakilala sa akin, mula sa pinakamababa sa kanila at maging hanggang sa pinakadakila sa kanila,”+ ang sabi ni Jehova. “Sapagkat patatawarin ko ang kanilang kamalian, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa.”+ 35  Ito ang sinabi ni Jehova, ang Tagapagbigay ng araw bilang liwanag kung araw,+ ng mga batas+ ng buwan+ at ng mga bituin bilang liwanag kung gabi,+ ang Isa na pumupukaw sa dagat upang dumaluyong ang mga alon nito,+ ang Isa na may pangalang Jehova ng mga hukbo:+ 36  “ ‘Kung ang mga tuntuning ito ay maaalis mula sa harap ko,’+ ang sabi ni Jehova, ‘sila na binhi ng Israel ay maglilikat din sa pagiging isang bansa na laging nasa harap ko.’ ”+ 37  Ito ang sinabi ni Jehova: “ ‘Kung ang langit sa itaas ay masusukat at ang mga pundasyon ng lupa sa ibaba ay masisiyasat,+ maitatakwil ko rin naman ang buong binhi ng Israel dahil sa lahat ng ginawa nila,’+ ang sabi ni Jehova.” 38  “Narito! Dumarating ang mga araw,” ang sabi ni Jehova, “at ang lunsod ay tiyak na itatayo+ para kay Jehova mula sa Tore ng Hananel+ hanggang sa Panulukang Pintuang-daan.+ 39  At ang pising panukat+ ay yayaon pa nga nang tuluy-tuloy hanggang sa burol ng Gareb, at tiyak na lilibot iyon hanggang sa Goa. 40  At ang buong mababang kapatagan ng mga bangkay+ at ng abo ng taba,+ at ang lahat ng mga hagdan-hagdang lupain hanggang sa agusang libis ng Kidron,+ hanggang sa panulukan ng Pintuang-daan ng mga Kabayo+ patungo sa sikatan ng araw, ay magiging banal kay Jehova.+ Hindi iyon bubunutin, ni gigibain pa man iyon hanggang sa panahong walang takda.”+

Talababa