Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Jeremias 3:1-25

3  May kasabihan: “Kung paaalisin ng isang lalaki ang kaniyang asawa at ito ay umalis nga sa kaniya at mapasa ibang lalaki, dapat pa ba niya itong balikan?”+ Hindi ba talagang narumhan na ang lupaing iyon?+ “At ikaw ay nagpatutot sa maraming kasamahan;+ at dapat pa ba akong balikan?”+ ang sabi ni Jehova.  “Itingin mo ang iyong mga mata sa mga dinaraanang landas at masdan.+ Saan ka pa hindi nagagahasa?+ Sa tabi ng mga daan ay umupo ka para sa kanila, gaya ng isang Arabe sa ilang;+ at patuloy mong dinudumhan ang lupain sa iyong mga pagpapatutot at sa iyong kasamaan.+  Kaya ang saganang ulan ay ipinagkakait,+ at kahit ang ulan sa tagsibol ay hindi dumarating.+ At ang noo ng isang asawang babaing nagpapatutot ang napasaiyo. Tumanggi kang mapahiya.+  Mula ba ngayon ay tumawag ka sa akin, ‘Ama ko,+ ikaw ang matalik na kaibigan ng aking kabataan!+  Ang isa ba ay dapat na manatiling may hinanakit hanggang sa panahong walang takda, o laging magbantay sa isang bagay magpakailanman?’+ Narito! Ikaw ay nagsalita, at gumawa ka ng masasamang bagay at nanaig.”+  At sinabi ni Jehova sa akin nang mga araw ni Josias na hari:+ “ ‘Nakita mo ba kung ano ang ginawa ng di-tapat na Israel?+ Pumaparoon siya sa ibabaw ng bawat mataas na bundok+ at sa ilalim ng bawat mayabong na punungkahoy,+ upang makapagpatutot siya roon.+  At pagkatapos niyang gawin ang lahat ng bagay na ito ay patuloy kong sinasabi na dapat siyang bumalik sa akin, ngunit hindi siya bumalik;+ at ang Juda ay patuloy na tumitingin sa kaniyang taksil na kapatid na babae.+  Nang makita ko iyon, sa dahilang nangalunya ang di-tapat na Israel, pinaalis ko siya+ at ibinigay ko sa kaniya ang kasulatan ng kaniyang ganap na diborsiyo,+ gayunma’y hindi natakot ang Juda na kapatid niyang taksil kung makitungo, kundi siya rin ay nagsimulang humayo at magpatutot.+  At ang kaniyang pagpapatutot ay nangyari dahil sa kaniyang mababaw na pangmalas, at patuloy niyang dinumhan ang lupain+ at nangalunya sa mga bato at sa mga punungkahoy;+ 10  at maging sa lahat ng ito ang taksil niyang kapatid na Juda ay hindi bumalik sa akin nang kaniyang buong puso,+ kundi may kabulaanan,’+ ang sabi ni Jehova.” 11  At sinabi pa ni Jehova sa akin: “Ipinakilala ng di-tapat na Israel na ang kaniyang kaluluwa ay higit na matuwid kaysa sa Juda na taksil kung makitungo.+ 12  Yumaon ka, at ihayag mo ang mga salitang ito sa dakong hilaga+ at sabihin mo: “ ‘ “Manumbalik ka, O suwail na Israel,” ang sabi ni Jehova.’+ ‘ “Hindi ko na ititingin sa inyo ang aking mukha nang may galit,+ sapagkat ako ay matapat,”+ ang sabi ni Jehova.’ ‘ “Hindi ako mananatiling may hinanakit hanggang sa panahong walang takda.+ 13  Gayunma’y bigyang-pansin mo ang iyong kamalian, sapagkat si Jehova na iyong Diyos ang sinalansang mo.+ At patuloy mong ipinangalat ang iyong mga lakad sa mga taga-ibang bayan+ sa ilalim ng bawat mayabong na punungkahoy,+ ngunit ang aking tinig ay hindi ninyo pinakinggan,” ang sabi ni Jehova.’ ” 14  “Manumbalik kayo, O kayong mga anak na suwail,”+ ang sabi ni Jehova. “Sapagkat ako ang naging inyong asawang nagmamay-ari;+ at kukunin ko kayo, isa mula sa isang lunsod at dalawa mula sa isang pamilya, at dadalhin ko kayo sa Sion.+ 15  At bibigyan ko kayo ng mga pastol na kaayon ng aking puso,+ at tiyak na pakakainin nila kayo ng kaalaman at kaunawaan.+ 16  At mangyayari nga na kayo ay darami at tiyak na mamumunga sa lupain sa mga araw na iyon,” ang sabi ni Jehova.+ “Hindi na nila sasabihin, ‘Ang kaban ng tipan ni Jehova!’+ ni iyon man ay sasapuso, ni maaalaala man nila iyon+ o hahanap-hanapin, at hindi na iyon gagawin pa. 17  Sa panahong iyon ay tatawagin nilang trono ni Jehova ang Jerusalem;+ at sa kaniya ay titipunin ang lahat ng mga bansa+ sa pangalan ni Jehova sa Jerusalem,+ at hindi na sila lalakad ayon sa pagkasutil ng kanilang masamang puso.”+ 18  “Sa mga araw na iyon ay lalakad sila, ang sambahayan ni Juda kasama ng sambahayan ng Israel,+ at magkasama+ silang lalabas mula sa lupain ng hilaga patungo sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga ninuno bilang minanang pag-aari.+ 19  At ako ay nagsabi, ‘O ano’t inilagay kitang kasama ng mga anak at ibinigay ko sa iyo ang kanais-nais na lupain,+ ang minanang pag-aari ng palamuti ng mga hukbo ng mga bansa!’ At sinabi ko pa, ‘ “Ama ko!”+ ang itatawag ninyo sa akin, at hindi kayo tatalikod mula sa pagsunod sa akin.’ 20  ‘Tunay na kung paanong may-kataksilang lumisan ang isang asawang babae mula sa kaniyang kasamahan,+ gayon kayo nakitungo sa akin nang may kataksilan, O sambahayan ng Israel,’+ ang sabi ni Jehova.” 21  Sa mga dinaraanang landas ay may narinig na tinig, ang pagtangis, ang mga pamamanhik ng mga anak ni Israel. Sapagkat pinilipit nila ang kanilang lakad;+ nilimot nila si Jehova na kanilang Diyos.+ 22  “Manumbalik kayo, kayong mga anak na suwail.+ Pagagalingin ko ang inyong pagkasuwail.”+ “Narito kami! Pumarito kami sa iyo, sapagkat ikaw, O Jehova, ang aming Diyos.+ 23  Tunay na ang mga burol at pati ang kaguluhan sa mga bundok+ ay nauukol sa kabulaanan.+ Tunay na nasa kay Jehova na aming Diyos ang kaligtasan ng Israel.+ 24  Ngunit nilamon ng kahiya-hiyang bagay+ ang pinagpagalan ng aming mga ninuno mula sa aming kabataan, ang kanilang mga kawan at ang kanilang mga bakahan, ang kanilang mga anak na lalaki at ang kanilang mga anak na babae. 25  Humihiga kami sa aming kahihiyan,+ at ang aming pagkaaba ay palaging tumatakip sa amin;+ sapagkat nagkasala kami kay Jehova na aming Diyos,+ kami at ang aming mga ama mula sa aming kabataan at hanggang sa araw na ito,+ at hindi namin sinunod ang tinig ni Jehova na aming Diyos.”+

Talababa