Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Jeremias 20:1-18

20  At si Pasur na anak ni Imer,+ na saserdote, na siya ring nangungunang komisyonado sa bahay ni Jehova,+ ay nakikinig kay Jeremias habang inihuhula ang mga salitang ito.  Sa gayon ay sinaktan ni Pasur si Jeremias na propeta+ at inilagay siya sa mga pangawan+ na nasa Mataas na Pintuang-daan ng Benjamin, na nasa bahay ni Jehova.  Ngunit nangyari nang sumunod na araw, inilabas ni Pasur si Jeremias mula sa mga pangawan,+ at si Jeremias ngayon ay nagsabi sa kaniya: “Ang itinawag ni Jehova sa iyong pangalan+ ay hindi Pasur, kundi Pagkatakot sa buong palibot.+  Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova, ‘Narito, gagawin kitang pagkatakot sa iyong sarili at sa lahat ng iyong mangingibig, at tiyak na mabubuwal sila sa pamamagitan ng tabak ng kanilang mga kaaway+ habang nakatingin ang iyong mga mata;+ at ang buong Juda ay ibibigay ko sa kamay ng hari ng Babilonya, at dadalhin nga niya sila sa pagkatapon sa Babilonya at pababagsakin niya sila sa pamamagitan ng tabak.+  At ibibigay ko ang lahat ng nakaimbak na bagay ng lunsod na ito at ang lahat ng produkto nito at ang lahat ng mahahalagang bagay nito; at ang lahat ng kayamanan ng mga hari ng Juda ay ibibigay ko sa kamay ng kanilang mga kaaway.+ At ang mga iyon ay tiyak na darambungin nila at kukunin nila at dadalhin nila sa Babilonya.+  At ikaw naman, O Pasur, at ang lahat ng tumatahan sa iyong bahay, yayaon kayo sa pagkabihag;+ at paroroon ka sa Babilonya at doon ka mamamatay at doon ka ililibing kasama ng lahat ng iyong mangingibig,+ sapagkat nanghula ka sa kanila nang may kabulaanan.’ ”+  Nilinlang mo ako, O Jehova, anupat ako ay nalinlang. Ginamitan mo ako ng iyong lakas, anupat nanaig ka.+ Ako ay naging katatawanan sa buong araw; bawat isa ay nang-aalipusta sa akin.+  Sapagkat sa tuwing magsasalita ako, ako ay sumisigaw. Karahasan at pananamsam ang inihihiyaw ko.+ Sapagkat sa akin ang salita ni Jehova ay naging sanhi ng kadustaan at ng kakutyaan sa buong araw.+  At sinabi ko: “Hindi ko siya babanggitin, at hindi na ako magsasalita sa kaniyang pangalan.”+ At sa aking puso ay naging gaya iyon ng nagniningas na apoy na nakukulong sa aking mga buto; at pagod na ako sa kapipigil, at hindi ko na iyon matiis.+ 10  Sapagkat narinig ko ang masamang ulat ng marami.+ May pagkatakot sa buong palibot. “Magpahayag kayo, upang makapagpahayag kami tungkol sa kaniya.”+ Ang bawat taong mortal ay bumabati sa akin ng “Kapayapaan!”—binabantayan nila ang aking pag-ika-ika:+ “Marahil ay malilinlang siya,+ upang makapanaig tayo laban sa kaniya at makaganti tayo sa kaniya.” 11  Ngunit si Jehova ay sumasaakin+ gaya ng isang kahila-hilakbot na makapangyarihan.+ Kaya naman ang mismong mga umuusig sa akin ay matitisod at hindi mananaig.+ Tiyak na malalagay sila sa malaking kahihiyan, sapagkat hindi sila uunlad. Ang kanilang kahihiyan na namamalagi nang walang takda ay hindi malilimutan.+ 12  Ngunit ikaw, O Jehova ng mga hukbo, ang sumusuri sa matuwid;+ nakikita mo ang mga bato at ang puso.+ Makita ko nawa ang paghihiganti mo sa kanila,+ sapagkat sa iyo ko isiniwalat ang aking usapin sa batas.+ 13  Umawit kayo kay Jehova! Purihin ninyo si Jehova! Sapagkat iniligtas niya ang kaluluwa ng dukha mula sa kamay ng mga manggagawa ng kasamaan.+ 14  Sumpain ang araw ng aking kapanganakan! Huwag nawang pagpalain ang araw na iyon nang isilang ako ng aking ina!+ 15  Sumpain ang tao na nagdala ng mabuting balita sa aking ama, na sinasabi: “Ipinanganak sa iyo ang isang anak, isang lalaki!” Talagang pinasaya niya siya.+ 16  At ang mismong taong iyon ay magiging gaya ng mga lunsod na giniba ni Jehova na hindi Niya ikinalulungkot.+ At siya ay makaririnig ng hiyaw sa umaga at ng babalang hudyat sa oras ng katanghaliang tapat.+ 17  Bakit nga ba hindi niya ako pinatay mula sa bahay-bata, upang ang aking ina ang naging aking dakong libingan at ang kaniyang bahay-bata ay nagdalang-tao hanggang sa panahong walang takda?+ 18  Bakit pa ako lumabas mula sa bahay-bata+ upang makakita ng pagpapagal at pamimighati+ at ang aking mga araw ay magwakas lamang sa kahihiyan?+

Talababa