Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Jeremias 13:1-27

13  Ito ang sinabi ni Jehova sa akin: “Yumaon ka, at kumuha ka sa ganang iyo ng isang sinturong lino at ilagay mo iyon sa iyong mga balakang, ngunit huwag mong ilubog iyon sa tubig.”  Kaya kinuha ko ang sinturon ayon sa salita ni Jehova at inilagay ko iyon sa aking mga balakang.  At ang salita ni Jehova ay dumating sa akin sa ikalawang pagkakataon, na nagsasabi:  “Dalhin mo ang sinturon na kinuha mo, na nasa iyong mga balakang, at bumangon ka, pumaroon ka sa Eufrates,+ at itago mo iyon doon sa isang awang ng malaking bato.”  Sa gayon ay yumaon ako at itinago ko iyon sa tabi ng Eufrates, gaya ng iniutos ni Jehova sa akin.  Ngunit nangyaring sa pagwawakas ng maraming araw ay sinabi sa akin ni Jehova: “Bumangon ka, pumaroon ka sa Eufrates at kunin mo mula roon ang sinturon na iniutos kong itago mo roon.”  Sa gayon ay pumaroon ako sa Eufrates at hinukay ko at kinuha ang sinturon mula sa dakong pinagtaguan ko nito, at, narito! ang sinturon ay sira na; hindi na iyon mapakikinabangan sa anumang bagay.  Sa gayon ay dumating sa akin ang salita ni Jehova, na nagsasabi:  “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Sa gayunding paraan ay sisirain ko ang pagmamapuri ng Juda+ at ang malaking pagmamapuri ng Jerusalem. 10  Ang masamang bayang ito na tumatangging sumunod sa aking mga salita,+ na lumalakad ayon sa pagkasutil ng kanilang puso+ at patuloy na sumusunod sa ibang mga diyos upang maglingkod sa kanila at yumukod sa kanila,+ ay magiging gaya rin ng sinturong ito na hindi mapakikinabangan sa anumang bagay.’ 11  ‘Sapagkat kung paanong ang sinturon ay kumakapit sa mga balakang ng lalaki, gayon ko pinakapit sa akin ang buong sambahayan ng Israel at ang buong sambahayan ni Juda,’+ ang sabi ni Jehova, ‘upang sa akin ay maging isang bayan+ at isang pangalan+ at isang kapurihan at isang bagay na maganda; ngunit hindi sila sumunod.’+ 12  “At sabihin mo sa kanila ang salitang ito, ‘Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel: “Ang bawat malaking banga ay isang bagay na pinupuno ng alak.” ’+ At tiyak na sasabihin nila sa iyo, ‘Hindi nga ba namin alam na ang bawat malaking banga ay isang bagay na pinupuno ng alak?’ 13  At sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Narito, pupunuin ko ng kalasingan ang lahat ng tumatahan sa lupaing ito at ang mga hari na nakaupo para kay David+ sa kaniyang trono at ang mga saserdote at ang mga propeta at ang lahat ng tumatahan sa Jerusalem.+ 14  At ihahampas ko sila laban sa isa’t isa, kapuwa ang mga ama at ang mga anak na lalaki, nang magkakasabay,”+ ang sabi ni Jehova. “Hindi ako mahahabag, ni malulumbay man, at hindi ako magkakaroon ng awa na pipigil sa pagpapahamak sa kanila.” ’+ 15  “Makinig kayo at magtuon ng pandinig. Huwag kayong magpalalo,+ sapagkat si Jehova ang nagsalita.+ 16  Magbigay kayo ng kaluwalhatian kay Jehova na inyong Diyos,+ bago siya magpasapit ng kadiliman+ at bago mapátid ang inyong mga paa sa isa’t isa sa mga bundok sa dapit-hapon.+ At tiyak na hihintayin ninyo ang liwanag,+ at iyon ay gagawin nga niyang matinding dilim;+ iyon ay gagawin niyang makapal na karimlan.+ 17  At kung hindi ninyo iyon diringgin,+ sa mga kublihang dako ay tatangis ang aking kaluluwa dahil sa pagmamapuri at talagang luluha; at ang aking mata ay dadaluyan ng mga luha,+ sapagkat ang kawan+ ni Jehova ay dadalhing bihag. 18  “Sabihin mo sa hari at sa ginang,+ ‘Umupo kayo sa mas mababang dako,+ sapagkat mula sa inyong mga ulo ay tiyak na mahuhulog ang inyong korona ng kagandahan.’+ 19  Ang mga lunsod sa timog ay sinarhan, anupat walang sinumang nagbubukas ng mga iyon. Ang buong Juda ay dinala sa pagkatapon. Iyon ay lubusang dinala sa pagkatapon.+ 20  “Itingin mo ang iyong mga mata at masdan yaong mga dumarating mula sa hilaga.+ Nasaan ang kawan na ibinigay sa iyo ng isa, ang iyong magandang kawan?+ 21  Ano ang sasabihin mo kapag ang isa ay nagbaling sa iyo ng kaniyang pansin,+ gayong tinuruan mo sila bilang matatalik na kaibigan sa mismong tabi mo noong pasimula?+ Hindi ka ba pananaigan ng mga hapdi ng panganganak, na gaya niyaong sa asawang babae na nagsisilang?+ 22  At kapag sasabihin mo sa iyong puso,+ ‘Bakit nangyari sa akin ang mga bagay na ito?’+ sapagkat sa dami ng iyong kamalian ay nalilis ang iyong laylayan bilang panakip;+ ang iyong mga sakong ay pinakitunguhan nang marahas. 23  “Mababago ba ng Cusita+ ang kaniyang balat? o ng leopardo ang mga batik nito?+ Kayo man ay makagagawa rin ng mabuti, na mga taong naturuang gumawa ng masama.+ 24  Kaya pangangalatin ko silang+ gaya ng pinaggapasan na dumaraan sa hangin mula sa ilang.+ 25  Ito ang iyong kahinatnan, ang iyong sinukat na bahagi mula sa akin,”+ ang sabi ni Jehova, “sapagkat nilimot mo ako+ at ang iyong tiwala ay patuloy mong inilalagak sa kabulaanan.+ 26  At ang iyong laylayan ay ilililis ko rin hanggang sa iyong mukha, at ang iyong kasiraang-puri ay tiyak na makikita,+ 27  ang iyong mga pangangalunya+ at ang iyong mga paghalinghing,+ ang iyong mahalay na paggawi sa pagpapatutot. Sa ibabaw ng mga burol, sa parang, ay nakita ko ang iyong mga kasuklam-suklam na bagay.+ Sa aba mo, O Jerusalem! Hindi ka na luminis+—hanggang kailan pa kaya?”+

Talababa