Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Jeremias 12:1-17

12  Ikaw ay matuwid,+ O Jehova, kapag inihaharap ko sa iyo ang aking karaingan, kapag nakikipag-usap nga ako sa iyo tungkol sa mga bagay na ukol sa kahatulan. Bakit kaya ang lakad ng mga balakyot ang siyang nagtatagumpay,+ at silang lahat na gumagawa ng kataksilan ang siya pang hindi nababahala?  Itinanim mo sila; sila ay nag-ugat din. Patuloy silang sumusulong; nagluwal din sila ng bunga. Ikaw ay malapit sa kanilang bibig, ngunit malayo sa kanilang mga bato.+  At ikaw, O Jehova, ay lubos na nakakakilala sa akin;+ nakikita mo ako, at sinuri mo ang aking puso kaisa ng iyong sarili.+ Piliin mo silang gaya ng tupang papatayin,+ at ibukod mo sila para sa araw ng pagpatay.  Hanggang kailan pa matutuyot ang lupain,+ at matutuyo ang mismong pananim ng buong bukid?+ Dahil sa kasamaan ng mga nananahanan doon ay nalipol ang mga hayop at ang mga lumilipad na nilalang.+ Sapagkat sinabi nila: “Hindi niya nakikita ang ating kinabukasan.”  Sapagkat tumakbo kang kasama ng mga tagatakbo, at pinapagod ka nila, kaya paano ka ngang makikipagkarera sa mga kabayo?+ At sa lupain ba ng kapayapaan ay panatag ka?+ Kaya paano ka gagawi sa gitna ng mapagmalaking mga palumpungan sa tabi ng Jordan?+  Sapagkat maging ang iyong sariling mga kapatid at ang sambahayan ng iyong sariling ama, sila man ay nakitungo sa iyo nang may kataksilan.+ Sila man ay sumigaw nang malakas sa likuran mo. Huwag kang manampalataya sa kanila, dahil lamang sa nagsasalita sila sa iyo ng mabubuting bagay.+  “Iniwan ko ang aking bahay;+ pinabayaan ko ang aking mana;+ ibinigay ko ang minamahal ng aking kaluluwa sa palad ng kaniyang mga kaaway.+  Sa akin ay naging gaya ng leon sa kagubatan ang aking mana. Inilakas niya ang kaniyang tinig laban sa akin. Kaya naman kinapootan ko siya.+  Sa akin ang aking mana+ ay gaya ng ibong maninila na maraming kulay; ang mga ibong maninila ay nasa palibot nito.+ Halikayo, magtipon kayo, lahat kayong maiilap na hayop sa parang; dalhin ninyo sila upang kumain.+ 10  Maraming pastol+ ang sumira sa aking ubasan;+ niyapakan nila ang aking bahagi.+ Ang aking kanais-nais+ na bahagi ay ginawa nilang ilang ng tiwangwang na kaguhuan. 11  Iyon ay ginawang tiwangwang na kaguhuan;+ iyon ay natuyot; iyon ay nakatiwangwang sa akin.+ Ang buong lupain ay itiniwangwang, sapagkat walang taong nagsapuso nito.+ 12  Sa lahat ng mga dinaraanang landas na tumatahak sa ilang ay dumating ang mga mananamsam. Sapagkat ang tabak ni Jehova ay nanlalamon mula sa isang dulo ng lupain hanggang sa kabilang dulo ng lupain.+ Walang kapayapaan para sa anumang laman. 13  Naghasik sila ng trigo, ngunit mga tinik ang ginapas nila.+ Nagtrabaho sila hanggang sa magkasakit; hindi sila magiging kapaki-pakinabang.+ At tiyak na ikahihiya nila ang inyong mga bunga dahil sa nag-aapoy na galit ni Jehova.” 14  Ito ang sinabi ni Jehova laban sa lahat ng aking masasamang kapitbahay,+ na gumagalaw sa minanang pag-aari na pinangyari kong ariin ng aking bayan, ng Israel nga:+ “Narito, bubunutin ko sila mula sa kanilang lupa;+ at ang sambahayan ni Juda ay bubunutin ko mula sa gitna nila.+ 15  At mangyayari nga na matapos ko silang bunutin ay tiyak na kaaawaan ko silang muli+ at ibabalik ko sila, bawat isa sa kaniyang minanang pag-aari at bawat isa sa kaniyang lupain.”+ 16  “At mangyayari nga na kung walang pagsalang matututuhan nila ang mga lakad ng aking bayan sa panunumpa sa pangalan ko,+ ‘Buháy si Jehova!’ kung paanong tinuruan nila ang aking bayan na manumpa sa pamamagitan ni Baal,+ itatayo rin sila sa gitna ng aking bayan.+ 17  Ngunit kung hindi sila susunod, bubunutin ko rin ang bansang iyon, na binubunot iyon at winawasak,”+ ang sabi ni Jehova.

Talababa